"Will you just shut up your f*cking mouth? Paano ako makapag-concentrate sa ginagawa ko kapag nandiyan ka sa tabi ko at panay ang tanong?" Kung hindi lang sana dahil sa kapwa opisyal na halos wala ng buhay ay pinalipad na niya ng wala sa oras ang bantay. Aba'y sigurado siyang sinungaling ito simula pagkabata. Dahil panay ang pagtanong totoo daw ang sinasabi niya. "C'mon, Harden. Receive the medication. Huwag mong hayaang mamatay ka sa islang ito. Tandaan mo may utang ka pa sa akin," bulong ni Isabelle habang abala sa pagkabit ng paunang lunas sa binatang walang malay. Kaso lihim naman siyang napangiwi dahil sa huling bahagi ng binitiwang salita. Nasa bingit na nga ng kamatayan ang kasama subalit ang pangako pa nitong ipasyal sila ng best friend niyang pinsan nito sa bansang Pilipinas ku