"Kumusta na kaya ang mga anak nating nasa misyon?" tanong ni Leonora sa asawa. Isang Gabi habang sila ay namamahinga. "Iyan ang tanong na hindi ko masagot, my dearest. Dahil kahit si Theo ay wala rin maibalita samantalang nandoon siya," tugon nito. Kaya naman ay napahinga na lamang siya ng malalim. Kahit nasa tamang gulang na ang lahat ng kanilang mga anak at may mga apo na rin sila ay hindi pa rin siya mapakali sa tuwing nasa misyon ang bawat isa. "My dearest, alam kong kagaya kitang nag-aalala para sa manugang natin at kay Theodore. Ngunit ako na ang nagsasabing ipanatag mo ang iyong kalooban. Magtiwala sa kanilang dalawa o mas tamang sabihing sa grupo nilang nasa North Carolina. Dahil sa katunayan ay magkasama sila nina Victoria Katherine at kaibigan nito." Kahit siya ay nag-aalala