"Anong sabi nila, anak? May balita na raw ba tungkol sa grupo ng kapatid mo?" salubong na tanong ni Leonora sa anak. "Wala pa, Mommy. Ang huli lang daw po ay ang pagsabog ng barkong pinasok nila. Dahil iyon din po ang huli nilang report," pahayag ni Miguel. Wala na rin naman kasi silang nagawa kundi ang nagtapat. Dahil naibalita rin sa TV ang pagsabog ng isa sa pinakamalaking barko na naglalayag sa buong mundo. Ang barko ng shipping lines. Napalo nga silang tatlo dahil sa pananakip nila sa tunay na nangyari. Samantalang ang Ate Theo nila ay sinermunan ng ina sa telepono. "Totoo ba iyan anak? Aba'y mamaya ay basta na lamang malaman sa telebisyon ang tungkol sa misyon nila." Ayun na nga ang pagdududa ng kanilang ama. "Promise peksman mamatay man ang lahat ng mga epal sa mundo, Daddy. Hi