Chapter 4

1811 Words
Lander Miles/ Nice POV.... Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa bintana. At tumingin ako sa paligid nasa past papala ako. Dapat walang bad mood ngayon dapat always positive! Nagbihis nako at dumiretso sa labas para makalanghap ng sariwang hangin. Nakakailang kasi may sumusunod saakin. Napapout nalang ako at nagpatuloy sa paglakad ng... napatingin ako sa kalalabas sa may gate at yun ay si Prince Won. Napatingin siya saakin at ngumiti. At lumapit saakin. ***** Nandito kami sa may garden dito sa palasyo at may swing pa dito. Nakahawak ang kamay namin sa isat isa habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. "Mamimiss kita." Sabi ko. Napatingin siya saakin. "Ha?" "I mean namiss kita." Sabi ko sa kanya. Bawal niyang malaman na ako ay galing sa present time at alam ko naman na once mawala ako may papalit saakin at yun ang totoong ako dito sa mundong ito. "Me too." Sabi niya. "Alam mo sa linggo na ang ating kasal. At yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Yun din ang araw na mawawala ako. "Ako din." "Pagkatapos ng kasal gagawa agad tayo ng magmamana." Nanlaki ang mata ko at napalayo ako sa kanya. At ayun tawa ng tawa. "p*****t ka pala." Sabi ko sa kanya. "Normal yun sa mag asawa." Sabi niya. "Ewan ko sayo." Tatayo sana ako ng hinigit niya ako kaya napaupo ako sa lap niya at niyakap ako. "Basta nandito ka lang sa tabi ko, bou na ang araw ko." Sabi niya. Napangiti ako di ko alam sweet pala tong lalaking ito. Napangiti ako sa sinabi niya. Sa present kaya ganito din ba ang nararamdaman ni Blaze saakin? Maybe not. Di nga ako kilala nun. "Tanong ko lang... sa future ba ganito mo din ba ako kamahal?" Tanong ko sa kanya. Napangiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Promise ko sayo... ikaw padin ang laman ng puso ko kahit sa future natin." Sabi niya. Sana totoo ang pangako niya. "Uhmm... pwede bang lumabas tayo." Sabi ko. Napatingin siya saakin. "Diba ngayon ang kasayahan sa bayan." Sabi ko mukhang ngayon lang niya naalala. Napatango nalang siya. ***** Patakas kaming lumabas ng palasyo at natawa nalang kami sa ginawa namin. Habang naglalakad magkahawak ang kamay namin at nakikita namin na nagsasayahan ang mga tao. Habang nanonood ng sayawan may nakita akong kakaiba sa may gilid ng isang bahay. At nagulat ako kasi may inalsa silang tao mukhang patay na ito dahil may dugo. Parang nahigpit ko ang pagkahawak kay Won kaya nagsalita siya. "May problema ba?" Sabi niya. "M-may taong binuhat nila at may dugo ito." Sabi ko bigla nalang nanlaki ang mata niya. "Dito ka lang." Sabi niya. Agad naman siyang tumakbo. Di ako makapigil sumunod ako sa kanya. Hanggang nakita ko siya na nakatutok ang mga tao sa kanya ng espada. "Prince Won." Mahinang sabi ko. Nakakita ako bato kaya itinapon ko sa isa sa mga lalaki at ayun sapol. Agad namang inatake ni Won ang mga tao nakakuha kasi siya ng espada. "Sa likod mo!" Sigaw ko kaya napaiwas siya pero napatingin ako sa ibang lalaki nakatitig na saakin. Walang hiya naman oh! Lumabas ako sa tinataguan ko at umatake na sila pero naiwasan ko ito. Pero ang hirap ha nakapalda kaya ako. Kinuha ko ang isang espada sa sahig at nakipag espadahan sa kanya. Matalino yata ako sa isang tingin lang alam ko na kung paano gamitin. Nasa likod ko na si Prince Won. "Marunong ka pala makipaglaban?" Tanong niya. "Hindi." Sabi ko at inispada ang isa yung tira ko naman di naman yun nakakasugat yung parang sinasaktan ko lang sila. "Tayo na!" Sigaw nung isa kaya agad ako tumakbo at hinarangan sila. "Diyan lang kayo!" Sigaw ko. Nakita namin na may biglang dumating na mga Guard. At hinuli ang mga lalaki. Tatalikod sana kami ng tinawag kami ng isang guard. Kaya napatayo kami ng matuwid. "Saan kayo pupunta..." napatingin siya saamin at parang nakakita ng multo. "Your high...." tinikhiman siya ni Prince Won kaya napatakip ito ng bibig. "Hulihin sila at imbestigahan niyo ang bangkay na yan." Sabi ni Won. Napatango ang guardya at nagbow at umalis na agad kami doon. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang makarating kami sa isang lugar na tahimik at may ilog sa gilid hawak hawak padin niya kamay ko nang biglang may isinout siya sa kamay ko at tiningnan ko yun. Pink na purselas at nakita ko ang sa kanya blue ang kulay nun. "Wag mo yang wawalain ha." Sabi niya. Napangiti ako at tumango. Bigla kaming nagtitigan at palapit ng palapit ang mukha niya kaya napapikit ako at naramdaman ko nalang nagtama ang mga labi namin. Wala akong ibang naisip sa mga oras na yun at siya lang. Forward... Masaya ako kasi hinatid niya ako papunta sa tahanan ko dito sa palasyo at ngayon matutulog nako ang saya ko kasi sa second kiss. Napapikit ako at siya lang ang parateng umiikot sa isipan ko hanggang sa makatulog ako. ***** 3rd Person POV... "Gawin mo na." Sabi ni Minister Jong. Gumawa na ng rituwal ang Shaman para kay Young Lady Nice. Nais nila itong patayin at sasabihin nilang dahil yun sa sakit na gamit ang black magic. Dumaan ang ilang minuto may namumuong black spell at lumipad ito papunta sa kung saan nakahiga si Nice. Sa gilid naman tahimik na umiiyak si Marga dahil sa kagagawan ng kanyang ama. "Bukas malalaman natin ang mangyayari. At bukas malalaman ang bagong crown princess." Sabi ng Shaman. Demonyong napangiti si Minister Jong at di na niya mahintay na mangyari bukas. Sa Moon Pavillion naman. Mahimbing na natutulog si Nice ng may naramdaman siyang kung anong maingay sa labas. "Ano yun?" Tanong niya sa sarili niya. Napaisip siya na baka yun ang papatay sa kanya. Lumuhod siya at nagdasal habang nakapikit. Palakas ng palakas ang kalabog sa pinto hanggang bumukas ito. Napamulat siya at nakita niya ang itim na lumilipad at umayos siya ng luhod at pinagpatuloy ang pagdarasal. At nasa malakas na ang boses niya. Nakita niya ito na bigla nalang naglaho at hinihingal siya sa sinabi niya. Sino naman kaya ang papatay sa kanya. Ang importante ay ligtas siya yan lang ang nasa isip niya kaya di nalang niya sasabihin ang nangyari. ***** Lander Miles/ Nice POV... Bukas na ang kasal namin at kinakabahan nako sa mangyayari. Di ko alam kung sa araw ng kasal ako mawawala o ngayon. Nandito ako sa garden at kasama ko si Derien. "Alam mo ang saya ko nung nandito ako." Sabi ko sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" Sabi naman niya. "Hmm.. wala. Natutuwa ako kasi nakilala kita pati sa mga magulang mo ang babait nila." Sabi ko. Napangiti siya at nagsalita. "Para ka na ring anak nila ina at ama...." sabi niya. "Oo nga." Sabi ko nalang nang... "Derien!" Napatingin kami sa tumawag sa kanya at sa pagkakilala ko siya yung crush ni Red este Derien. "Meldie. Wag kang sumigaw." Sabi niya kay Meldie. Sekreto akong napangiti. Nagulat naman si Meldie na makita ako. "Your Highness..." napabow agad siya. "Sige iiwan ko na kayo. Masisira ko ang lambingan niyo jan." Sabi ko sa kanila. Namula naman si Meldie. Napabow sila saakin at napangiti nalang ako na umalis. Habang naglalakad ako nakita ko si Marga mukhang tulala. "Marga." Tawag ko agad siyang napahinto at tumingin saakin at nanlaki ang mata niya mukhang nakakita ng kaluluha. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Y-your highness.... " mukhang takot na takot siya. Anong nangyari sa kanya. "May problema ba?" Sabi ko. "W-wala po. Nagmamadali po ako kailangan ko na pong umalis." Sabi niya agad siyang nagbow at umalis agad. Parang may kakaiba sa kanya. Di kaya.... di naman siguro niya yun magagawa saakin? Lumakad nalang ako palibot sa palasyo gusto ko itong libutin sa huling pagkakataon. "Pwede bang ako lang mag isang maglakad. Gusto kong mapag isa." Sabi ko sa mga sumusunod saakin. "Kung yan po ang gusto niyo." Sabi nila at umalis nako dun. Naisip ko yung unang dating ko dito na iniligtas ako ni Blaze na Prince Won sa past sa mabangis na tigre at nakilala ko si Red dito sa past na si Derien tapos nagkita ulit kami ni Prince Won at nagkalapit ang loob at naging prinsesa ng Joseon. Maraming nangyari dito sa past at di ko yun makakalimutan. "Ano! Bakit di pa namatay ang babaeng yun! Di ba tumalab ang ginamit na black spell ng shaman?" Galit na sabi ng isang boses. Napasilip ako at nakita ko si minister Jong na kausap ang ibang minister. "Hindi. Kailangan nating gumawa ng paraan maging reyna lang si Marga." Napalaki ang mata ko. Sila ang may gustong pumatay saakin para lang mapasa ang pagiging prinsesa ko sa kay marga? Kung may gagawin silang masama saakin di ko sila mapapatawad. Uunahan ko na sila sa plano nila. Nandito ako sa templo mag isa at nararamdaman ko na silang papalapit saakin. Nakaramdam ako ng espada sa may leeg ko kaya napamulat ako "Kayo pala ang gustong pumatay saakin." Sabi ko. "Kailangan mo nang mamatay." Sabi naman ni Minister Jong. "Para mapa sainyo ang trono? Tama ako diba?" Sabi ko. "Oo, wag kang mag alala... memorable ang magiging kamatayan mo." Sabi niya saakin kaya napatayo ako at humarap sa kanila. "Mukhang di niyo magagawa na patayin ako." Sabi ko. Nagulat naman sila kasi may lumabas na mga guards. At nagulat din ako kasi nandun si Prince Won na mukhang galit na galit ang mukha. "Ibaba mo ang sandata mo." Galit na utos ni Prince Won. Mukhang nagpanik ang lahat ng minister na kakampi ni Minister Jong. Ididiin pa sana niya ng maramdaman ko na may yumakap saakin at nahulog ang espadang nakatutok saakin. "Ayos ka lang ba?" Nag aalalang sabi niya. Tumango ako napatingin ako sa kanila na hinuhuli sila ng mga sundalo "Wala nang mananakit sayo. Promise ko yan." Sabi niya. Alam ko wala nang mananakit saakin dahil wala na ako dito bukas. Papalit na ang totoong ako dito sa past. Kinabukasan.... Nakasout na ako ng damit yung pangkasal. Ang saya ko kasi nakasout ako ng ganito natapos na nila akong ayusan at napatingin ako sa salamin ang ganda ko ngayon. Sana may cellphone ako para makaselfie ako dito. Pinalakad na ako palabas ng Moon Pavillion at kinakabahan ako kasi papunta na kami sa kung saan gaganapin ang reception. Nakita ko na si Prince Won naghihintay saakin. Nakangiti siya habang nakatingin saakin kaya nginitian ko na din siya. Nang makalapit ako sa kanya nakaramdam na ako ng kakaiba napatingin ako sa kamay ko. Mukhang dito na nga ako mawawala.... Paakyat ng paakyat ba nawawala ang parte sa katawan ko. Ngumiti ako sa kanya. "Mahal na mahal kita, Prince Won." Sabi ko mukhang naguguluhan siya sa kinikilos ko at napapikit nako hanggang sa nawalan nako ng malay. Sana totoo yung sinabi mo saakin na mamahalin mo din ako sa future. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD