Lander Miles POV...
Nagising ako na nasa hospital ako. Ano namang ginagawa ko dito?
*open door*
"Mabuti at gising ka na anak!" Sabi ni Mom at niyakap ako kaagad.
"Mom, anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa kanya.
"Di mo matandaan? Tatalon ka sana sa building ng school niyo. Mabuti nalang nandun yung isang estudyante at nailigtas ka niya pero nahimatay ka kaagad nun." Paliwanag ni mom. Naalala ko nakakita kasi ako ng liwanag nun tapos ayun...
"Mom, ilang araw na ako dito?" Sabi ko sa kanya.
"3 araw lang naman." Sabi ni Mom.
Tatlong araw? Mga isang buwan nga ako sa pas..... teka galing ako sa past! Di yun panaginip...
Napatingin ako sa kamay ko. Asan yung purselas? Di yun totoo?
Nalungkot ako nun.
"Alam mo anak, yung nagligtas sayo nagbigay nung fruits and flowers." Napatingin ako sa tinuro ni mom. Ang daming fruits.
"Alam mo araw araw ka niyang binibisita dito para alagaan ka.... ikaw anak ha di mo sinasabi may bf ka na pala at alam mo pasa siya sa standards ko." Sino naman yun?
"Anong pangalan niya mom?" Tanong ko.
"He said, his name is Blaze." Nanlaki ang mata ko.
"Blaze as in Blaze na Lee?!" Gulat na sabi ko.
"Di ko natanong ang apelyedo niya. Pero ang masasabi ko lang ang bait niyang bata." Sabi ni Mom. Napangiti ako sa sinabi niya.
Pero....
Baka tumutulong lang siya bilang isang kaibigan.
Napayuko ako. Ano ba tong iniisip ko? Wag mag assume masakit yun.
Forward...
Maraming bumisita saakin sila Red, Ranz, at ibang mga kaklase ko umuwi agad sila kaya ako nalang nag iisa dito.
Napapikit ako kahit gusto kong matulog di ako makatulog kasi iniisip ko si Won. Kumusta na kaya yun?
*Open Door*
Nag act ako na natutulog di ko alam kung sino toh. Kung sila mom and dad toh kanina pa sila nagsalita.
Naramdaman kong may inilagay siya sa gilid mukhang mga fruits at flowers. Umupo din ito sa gilid ko.
Nakaka awkward kasi titig lang siya saakin. Ano bang ginagawa niya dito?
Tumayo agad siya at umalis sa silid ko napamulat ako at nalungkot. Wala nga yung feelings saakin.
Napaupo ako sa higaan ko at nakita ko ang mga bulaklak at mga prutas sa mesa.
Bakit niya dinala saakin ang mga yan.
Di ko alam...
Forward...
Nakalabas nako ng hospital at ngayon na ang balik ko sa school. Welcome to be back.
Lumakad ako papasok ng gate ng may narinig akong sigawan.
"Miles!!" Napatingin ako kung sino ang sumigaw.
"Chris! Derien...." napataas ang kilay nilang dalawa.
Ay mukhang na wrong atah ako.
"Sino yun? Grabe nahospital ka lang ibang pangalan na agad ang tawag mo saamin?" Nakapout na sabi ni Ranz.
"Miles, mukhang may sakit ka pa. Balik tayo sa hospital." Sabi ni Red. Napapout ako at umiling iling. Ayoko ng bumalik doon noh.
"Bakit mo kami tinawag sa pangalan na yun?" Tanong ni Ranz.
Napatingin ako sa kanila. Sasabihin ko ba o hindi?
"Di dito sa may tambayan tayo." Sabi ko.
Tambayan....
"Hahahahhaha!!! Talaga! Nakarating ka sa past at sa Joseon Dynasty pa?" Mukhang di naniniwala tong mga toh. Sana di ko nalang sinabi.
Nagmunukha akong t*nga sa harapan nila.
"Hmm... mukhang nabagok talaga ulo mo." Sabi ni Ranz.
"Kung di kayo naniniwala edi hindi." Sabi ko sabay pout.
"Eh sino naman ang maniniwala na nakapunta ka sa past? At nakita mo pa kami doon?" Sabi ni Red.
"Eto... sa past nagkatuluyan kayo ni Meldonna." Sabi ko. Nanlaki ang mata niya at napatayo.
"Talaga?!" Masayang sabi niya.
"Naniniwala nako!" Kitams...
"Eh ako?" Sabi ni Ranz.
"Hmm... ikaw sa past isa kang Young Lady na anak din ng ministro." Sabi ko.
"Wow ministro?! Sana totoo ang sinasabi mo." Sabi niya. Totoo naman.
"Ikaw anong nangyari sayo sa past na sinasabi mo?" Sabi ni Ranz.
"Naging crown princess ako." Sabi ko. Nanlaki ang mata nila.
"Eh sino ang crown prince?!" Excited na sabi nila.
"Si Bl...."
"Anong ginagawa niyo jan? Bumalik na kayo sa mga room niyo!" Sabi nung isang guro. Napatayo nalang kami at bumalik sa mga room namin.
Hay di nila nakilala dahil dumating yung guro.
Nakatingin ako sa labas ng bintana ng makita ko sa labas si Blaze na naglalaro ng Soccer. Varsity kasi siya doon.
Ang galing talaga niya.
"Ms. Dellomes!" Nagising ako at napatingin sa harapan. Yung History teacher pala namin.
"B-bakit po?" Napatayo nako.
"Sagutin mo tanong ko. Sino si Prince Lee Won?" Sabi ni maam.
Biglang tumibok ang puso ko.
"Lee won... siya ang prinsipe ng Joseon at siya ang kinatatakutan sa kaharian dahil sa malamig na pakikitungo sa iba ng dumating si Young Lady Nice nagbago ang ugali niya. Natuto siyang magmahal at makitungo sa ibang tao." Sabi ko.
"Good. Sit down." Sabi ni Maam.
"Ma'am." Tawag ko.
"Why?" Sabi niya.
"A-ano pong nangyari sa kanilang dalawa nung kinasal sila?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung anong nangyari bago ako umalis.
"Hmm... kinasal silang dalawa at naging reyna si Lady Nice." Sabi ni Maam. Napangiti ako kasi tinuloy ng dating ako ang kasal.
"Ganun po ba." Sabi ko. Ang saya ko basta good mood ako ngayon.
Masaya akong naglalakad basta may nadadaanan ko binabati ko ng....
"Ms. Dellomes." Napahinto ako at unti unting tumingin sa kanya.
"Won...." mahinang sabi ko.
"Bakit?" Kinakabahang sabi ko.
"Sumunod ka saakin." Sabi niya at tumalikod na. Teka anong gagawin niya saakin?
Sumunod nalang ako sa kanya. Hanggang makarating kami sa Drama Club.
"mabuti nadala mo siya dito!" Napatingin ako sa nagsalita. Teka siya yung servant ko sa past world!
"Una na ko." Sabi ni Blaze. Mukhang nadisappointed ako sa sinabi niya. Ganun nalang ba yun iiwan nalang ako dito?
"Ms. President!" Napatingin kami sa tumawag at lumapit sa babae na kumausap saakin kanina pati si Blaze napatingin sa kanya.
President pala siya sa Drama Club.
"Bakit... teka asan si Floyd?" Sabi nung babae.
"Yun nga ang pinunta ko dito, miss president eh. Kasi si Floyd nahulog sa hagdan at nabali ang paa niya. Nadala naman agad namin siya sa hospital." Sabi nung lalaki. Kawawa naman yung Floyd.
"Nako! Wala nang pares si Miles! Mahirap maghanap ng pares niya kasi mahirap ang gagampanang role nito." Sabi ni Ms. Pres. Teka pares ko? Teka ano bang ginagawa ko dito bakit ako dinala ni Blaze dito.
"Teka lang po... bakit po ako ang napili niyo at anong gagawin ko sa dramang toh?" Naguguluhang sabi ko.
"Ikaw ang gaganap na Cinderella sa palabas na toh sa Club Day. Bagay ka doon kaya ikaw ang pinili ko. Ngayon ang problema ko nalang ay ang partner mo." Sabi niya. Mukhang exciting yun ha. Matagal ko nang pinangarap yun.
"I'll do it." Mukhang loading atah ako. Napatingin lahat kay Blaze dahil sa sinabi niya.
"Orayt! Complete characters na lahat!" Masayang sabi ni Ms. President.
"Bukas ha may practice tayo dito mga 5:30pm nandito na tayo." Sabi ni Ms. Pres.
Tumango kami. Kanina excited ako pero ngayon mukhang kinakabahan ako sa mangyayari.
*Next Day*
Nakaupo ako sa upuan dito sa loob ng drama club. Hinihintay kasi ang ibang members. At di ko pa nakikita yung partner ko.
"Hello." Nagulat naman ako kasi may nagsalita.
"Uhmm... hello.." nahihiyang sabi ko. Pero familyar ang mukha niya ha.
Di ko pa kasi kilala lahat kaya heto hiya hiya effect pa baka mapagkamalan na FC (FeelingClose).
"Alam mo ang ganda mo talaga sa personal." Nagulat nanaman ako anong akala niya saakin, Artista?
"Ha?"
"Parate ka kasing kinukwento ni Ms. Pres eh. Ay ako nga pala si Stepahanie. Nice to meet you." Sabi niya.
"Ako din pala si ...."
"Lander Miles Dellomes, diba?" Sabi niya. Kilala niya ako?
"Kilala mo ako?" Sabi ko. Tumango siya.
"Ikaw kasi yung parating binabantayan ni Kuya Bla..." di natuloy ang kanyang sasabihin kasi biglang nagsalita si Blaze.
"Stephanie..." tawag niya. Napatingin kami sa kanya.
"Kuya Blaze!" Sabi niya at lumapit ito sa kanya.
Kuya? May kapatid ba si Blaze?
"Kumain ka na ba?" Sabi ni Blaze. Tumango naman si Stephanie.
"Opo! Kuya kinausap ako ni Ate Miles! Ang saya ko!" Sabi ni Stephanie. Napatingin ako sa kanya. Artista ba talaga ako sa kanya?
"Excited na akong maging Cousin-in-la...."
Bigla nalang nilagyan ni Blaze ang baba niya ng donut.
"Ang ingay mo talaga." Sabi niya. Ano daw Cousin.... in law bang ibig niyang sabihin?
Wag mag assume masakit yun.
"Okey... mukhang kompleto na ang lahat. Let's start!" Sabi ni Ms. Pres.
At ayun nga nagsimula na. Alam niyo akin ang mas mataas na scrip dito at syaka si Blaze.
Malamang main character noh. Bopols talaga.
"Tapos ngayon ang pagtatagpo ng prinsipe at ni cinderella." Sabi ni Ms. Pres.
Nanlaki ang mata ko. My God!
Nagkaharap na kami ni Blaze. Eye to eye contact kami na kinabilis ng t***k ng puso ko.
"Okey! Lets start!" Sigaw ni Ms. Pres.
"Uhmm... sino ka?" Sabi ko sa kanya.
"Ikaw sino ka rin? Bakit ka nandito sa kakahuyan maraming mga mababangis na hayop dito." Sabi niya. Napatitig ako sa mga mata niya.
Ang ganda talaga tingnan ang almond na kulay ng mata niya.
"Miles! Concentrate!" Nagulat akong napatingin kay Ms. Pres.
"Sorry po!" Sabi ko. Nakita ko naman na kinikilig si Stephanie sa gilid.
Okey concentrate!
"Ikaw ang una kong tinanong." Sabi ko sa kanya.
"Okey, nandito ako dahil nawawala ako sa mga kasamahan ko dito sa kagubatan. Ikaw?" Sabi niya.
"Dito ako nakatira." Sabi ko.
"Pwede bang tulungan mo ko?" Sabi niya.
"Ayoko, hindi kita kilala." Aalis sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
*lublublub*
"Teka lang.... di ko alam pasikot sikot sa kagubatan na ito." Sabi niya.
Nakatingin ako sa mga kamay namin. Ang lambot ng kamay niya.
Natapos ang practice namin at nagabihan na kami sa daan. Wala nang dumadaan na sasakyan doon.
Napaupo nalang ako sa bench at napahawak sa tyan ko. Nag iingay kasi eh.
Gutom nako!
*Peeep peep!* napatingin ako sa harapan ko nakita ko ang isang sasakyan at nakasakay doon si Blaze!
"Ihahatid na kita." Sabi niya.
"Ha?" Tulalang sabi ko. Di ako makapaniwala na inaya niya akong sumakay sa sasakyan niya. Agad naman akong tumayo at dumiretso sa pintuan ng sasakyan niya at binuksan naman niya yun.
"Salamat." Sabi ko.
Di na siya nagsalita. At pinaandar na niya. Wait lang alam niya kung saan ako nakatira? Di nagtanong eh... pero nabigla ako ng bigla kaming napakaliwa ng daan eh diretso lang saamin eh..
"Saan mo ko dadalhin?" Sabi ko. Pero no answer lang siya. Palagi nalang.
Napahinto ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.
At bumaba siya at pumunta siya sa gilid ko at binuksan ang pinto at inalalayang bumaba.
At umuna na siyang maglakad.
Sinundan ko naman.
"Good evening sir Lee. Follow me sir." Sabi nung waiter. Kilala siya parate siguro dito kumakain.
Sumunod naman kami at napahinto kami sa dalawang upuan at may pagkain na.
Umupo na siya at pinapaupo nako ng waiter umupo naman ako.
Wait... first date namin! Wag mag assume dinner lang toh duh!
"Uhmmm... bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko.
"Para kumain." Aish! Normal kakain kami sa restau my god bakit pa ako nagtanong sa tipid sumagot.
Sana siya nalang si Won.
"Narinig ko ang tyan mo kanina sa practise nag iingay gutom na alaga mo." Nanlaki ang mata ko kahit nakakainis ang sinabi niya ang saya ko nagsalita siya ng mataas na word.
Pero narinig? Waaa nakakahiya naman!
"Tsk." Napapout nalang ako.
At dun tahimik nanaman kami.
Kumain nalang ako. Ang sarap ng pagkain dito!
Hanggang sa naubos na ang kinain ko pero siya di niya ginagalaw ang pagkain niya at take note nakatitig siya saakin.
"B-bakit?" Kinakabahang sabi ko.
"Ngayon ko lang nalaman na ang lakas mong kumain." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko at tumikhim. Nakakahiya naman na disappointed ko siya.
Napapout nalang ako at nakita ko ang pagngiti niya na namiss ko sobra!
Pauwi na kami at alam niya talaga kung saan ang bahay ko.
"Paano mo nalaman..."
"Sinabi ng mama mo." Sabi niya. Napatango nalang ako si mom pala ang nagsabi.
Lumabas na ako ng sasakyan at tumingin sa kanya.
"Salamat pala sa libre mo kanina." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya.
"Una na ako." Sabi niya at ngumiti nalang ako at nagpaalam din.
Nang mawala na siya sa paningin ko...
"Kyaaa!! Nakakakilig!" Nagtatalon talon pa ako walang tao eh.
Ang bilis ng t***k ng puso ko.
My God!!
Siguro bukas close na kami ni Blaze! Excited nako bukas!
*******