Lander Miles/ Nice POV...
Palibot libot ako dito sa kwarto ko at naisip ko nanaman ang ginawa ko sa prinsipe.
"Anak, okey ka lang ba?" Sabi ni Mom. Napatango naman ako.
"Anak, ano bang nangyari. Kinuwento ng iyong ina na maiy naiiba sayo simula nung nawala ka." Sabi naman ni Dad. Ngumiti ako at umiling.
"Wag po kayong mag alala, ayos lang po ako. Sige po lalabas po muna ako." Sabi ko. At lumabas na agad ako at namasyal sa bayan.
Sa paglalakbay ko nakakita ako ng mga pin. Ang gaganda nila.
"Bagay sayo yan Young Lady." Sabi ng tindera sabay bigay ng pulang Pin.
"Nagsisimbolo yan ng kagandahan." Sabi niya. Tiningnan ko naman ang pin. Ang ganda nga pero....
Wala akong pera.
"Sa susunod na po. Di po ako nakadala ng pera eh...."
Ibabalik ko sana ng...
"Bibilihin ko yan." Napatingin ako sa likod ko nagulat ako sa nakita ko.
S-si...
Napayuko ako at maglalakad sana ng hinawakan niya kamay ko kaya napahinto ako at pumunta siya sa harapan ko.
"Tumingin ka saakin." Sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya.
"Mukhang alam mo na kung sino ako." Sabi niya saakin. Di padin ako nagsasalita. Nabigla ako ng higitin niya ako at pumunta kami sa lugar na walang tao at dito mo makikita ang boung Joseon.
"Wow! Ang ganda!" Amaze na sabi ko.
"Dito ako pumupunta once malungkot ako."sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"Talaga?" Sabi ko. Tumango siya.
Napayuko ako di ko talaga kontrol ang baba ko. Tandaan mo prinsipe ang nasa gilid mo kahit di mo makikita mukha niya dahil may mask ito.
"Mahal na prinsipe, patawarin mo ko sa mga kasalanan ko! Kung hindi mo ko mapapatawad patayin mo nalang ako." Sabi ko sabay yuko. Nako naman oh!
"Talagang patatawarin o papatayin ang paraan para mapatawad kita?" Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"Be my friend." Sabi niya na kinatingin ko sa kanya.
"Simula ngayon, magkaibigan na tayo." Sabi niya. Kahit di ko makikita na nakangiti siya pero alam ko nakangiti siya.
"Sige." Sabi ko nalang. Nabigla ako ng may inilagay siya sa buhok ko.
Naramdaman ko yung pin na binili niya.
"Mas lalo kang gumanda." Sabi niya. Namula naman ako sa sinabi niya.
"S-salamat..." nakayukong sabi ko.
"Diba sabi ko sayo kaibigan na tayo kaya wag kang mailang saakin." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Yan." Sabi niya sabay pat sa ulo ko parang aso.
Boung araw kaming namamasyal ni Prince Won nanood pa kami ng puppet show at kumain ng mga pagkain.
Ihahatid na niya ako sa bahay namin ng makita ko si Red este si Derien.
"Nice..." napatingin siya sa kasama ko.
"Your highness." Sabi niya sabay bow.
"Magkakilala pala kayo?" Tanong naman ni Prince Won. Tumango ako at nagsalita.
"Siya ang nakakita saakin nung iniwan mo ko sa may bayan. Mabuti pinakain niya ako nun." Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman si Derien.
Napaisip ako ano kaya mukha ni Ranzzel dito? Ano name niya?
"Let's go." Malamig na sabi niya at lumakad na. Anyare dun?
"Sige una na kami Derien." Sabi ko. Ngumiti naman siya at nagwave.
Sinundan ko naman si Prince Won. Mukhang di namamansin ang isang toh. Anyare sa kanya...
Napahawak ako sa puso ang bilis ng t***k.
Nakarating na kami sa bahay namin.
"Salamat sa paghatid." Sabi ko sa kanya.
"Wala yun. Pumasok ka na." Sabi niya.
Ngumiti ako at nagpaalam na at pumasok na sa loob.
Pagpasok ko sa loob nawala lahat ng pinangangambahan ko. Dahil magkaibigan na kami ng prinsipe.
Napangiti nalang akong pumasok ng bahay.
Kinabukasan...
Lee Won POV...
Nakatingin ako ngayon sa teacher ko.
"Nasagutan mo na po ba ang tanong na binigay ko sayo. Mahal na prinsipe?" Sabi niya. Tsk bakit ang hirap ng tanong na yun?
Kailan pa naging anim ang paa ng kabayo?
"Uhmmm.... ang sagot ko ay.... di ko alam." Sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Sabihin mo ang sagot." Sabi ko.
"Ang sagot ay.... pag may sumakay na tao sa kabayo kaya naginging 6 ang paa nito." Sabi naman niya. Natulala naman ako.
Yun ang sagot?
"Naisahan mo ko dun... sige simula ngayon ikaw na ang teacher ko." Sabi ko naman sa kanya.
"Po?" Gulat na sabi niya at tumayo ako agad naman siyang tumayo at nagbow ako sa kanya.
At tumingin sa kanya.
"Eunuch Hong, maghanda ka ng meryenda para sa aming dalawa." Sabi ko at sumunod naman ito.
Garden...
"Ano! Sa kapatid mo galing ang tanong?" Gulat na sabi ko sa kanya.
"Opo." Sabi niya.
"Teka lang... babae ang kapatid mo tama?" Sabi ko. Tumango ito.
"Ibig sabihin... Nice ang pangalan ng kapatid mo tama ba ako?" Sabi niya. Nagulat naman ito at tumango.
"Tama nga ako." Sabi ko.
"Nakilala mo na pala ang kapatid ko." Sabi niya.
"Oo, matalino din siya." Sabi ko sa kanya. Agree naman ito sa sinabi ko.
"Sige mahal na prinsipe mauna na po ako." Sabi niya. May kinuha ako sa gilid.
"Ito, ibigay mo sa kanya." Sabi ko sabay bigay ng sweet candy.
"Salamat po." Sabi niya at yumuko siya at umalis.
Nakakatuwa kilala ko na ang ama niya at ang kuya.
Lander Miles/ Nice POV...
"Binigay yan ng prinsipe." Sabi ni Kuya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Para talaga saakin?" Sabi ko. Tumango naman siya. Bakit naman niya ako binigyan ng ganitong regalo?
Forward....
"Anak, lahat ng mga anak ng minister patitirahin sa palasyo kasi pipiliin ang magiging crown princess." Sabi ni Mom. Nanlaki ang mata ko. Grabe naman agad agad?
"K-kailan po?" Sabi ko.
"Bukas anak. Ihanda mo na ang gamit mo." Sabi niya. Napatango nalang ako no choice. Napahawak ako sa dibdib ko mukhang feeling ko ang saya ko kasi di ko alam.
Nakakalito ha.
Bahala na nga.
Lumabas ako ng may lumapit saakin na matanda.
"Ikaw nga." Napatingin ako sa kanya.
"Mag iingat ka iha. Dahil may papatay sayo malalagay ka sa piligro... at kung makaligtas ka man mawawala ka sa araw ng iyong maliligayang araw." Sabi ng matanda. Maligayang araw?
Agad naman itong umalis. Napaupo ako sa sahig. May mangyayaring masama saakin? Kung mangyayari man yun alam ko na napasaya ko siya sa mga araw na nandito ako.
Palace...
Nandito na kaming lahat at kasama ko si Dad.
"Anak, be yourself lang anak ha." Sabi ni Dad. Napangiti ako at tumango.
"Opo." Nakangiting sabi ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang babaeng pamilyar saakin teka si Ranzzel!
Anak pala siya ng minister dito?!
Napatingin ito saakin at ngumiti. Nginitian ko din siya. Napatingin naman ako sa gilid ko nakita ko ang isang babae na nakatingin saakin mula ulo hanggang paa.
"Hello." Bati ko nalang. Mukhang plastic ang ngiti niya ha.
"Hello din. Good luck ha." Sabi niya at lumakad na.
Ngumiti lang kami ni Dad.
At lumakad na kami para humarap sa hari.
Nagbow kaming lahat at pinakilala isa isa ang mga anak ng minister.
"Ang susunod ay ang anak ni Minister Hong. Si Young Lady Nice." Sabi naman nung eunuch na nagsalita. Nagbow naman ako ngumiti lang ang hari at reyna saakin.
"Ang ganda naman ng iyong anak, minister Hong." Sabi ng Reyna saakin.
"Nagmana sa kanyang ina at pati saakin. Mahal na reyna." Sabi ni Dad. Ngumiti naman ako.
"Magandang umaga po. Ako nga po pala si Yeon Nice, 18 taong gulang. Kinagagala ko po kayong makilala." Sabi ko.
"Napakagalang mong bata sana isa ka sa mapilian ng aming anak." Sabi ng Hari. Ngumiti ako at pati si Dad. At umalis na kami.
"Nandito lang kami ng ina mo na sumusuporta sayo anak." Sabi ni Dad. Ngumiti ako at niyakap siya.
Ang unang pagsubok ay kung paano kumain ng maayos. Pasalamay ako nasa maayos akong pamilya sa present at marunong akong kumain na mayaman style.
Mga lima nalang kaming naiwan. Kasama doon si Ranzzel at yung Snob girl.
Ikalawang pagsubok naman ay question and answer portion.
"Bakit mo gugustuhing maging Crown Princess." Tanong saakin ng Reyna.
Nasagutan namin ang tanong nayun. At sasabihin na ang desisyon.
"Ang nakuha ay si Young Lady Marga and Young Lady Nice." Sabi ng Reyna.
Lumabas na kami at nakita ko si Ranzzel este di pala yun pangalan niya. Siya pala si Chris dito.
"Lady Chris." Napatingin siya saakin at ngumiti.
"Ikaw pala Lady Nice. May kailangan ka?" Tanong niya.
"Wala naman. Gusto ko lang makipagkaibigan." Sabi ko sa kanya. Nagulat naman siya.
"Gusto mo kong maging kaibigan?" Sabi niya. Tumango ako.
"Bakit?" Sabi ko sakanya. Mukhang iiyak na kasi eh.
"Ikaw lang kasi ang nagtanong saakin niyan. Wala kasing kumakaibigan saakin." Sabi naman niya. Hinawakan ko kamay niya at nagsalita.
"From now on... kaibigan mo na ako." Sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako bigla.
"Thank you, Lady Nice." Sabi niya. Ngumiti ako at niyakap siya pabalik.
Nakukwentuhan kami hanggang sa pinatawag na kami ng mga Maids.
"Alam ko na makakaya mo yan. Ikaw ang magiging Crown Princess." Sabi niya.
Napangiti ako at nagpaalam na sa kanya.
Nakarating kami sa parang hall at nakita naming nakaupo ang hari, reyna at ang prinsipe. Nagulat ako kasi walang takip sa mukha nito at.... at si...
"Blaze..." mahinang sabi ko. Means nagkagusto ako kay Blaze? Yung Blaze sa present time yung Student council President!
"Crown Prince, ikaw ang magdedesisyon. Ikaw ang ikatatlong pagsubok ng dalawang Young Lady." Sabi ng hari.
"Choose the one of them." Sabi ng reyna.
Tumayo siya at tiningnan kaming dalawa.
Once pipiliin niya ako. Mahuhulog na talaga ako sa kanya. At yun ang kinatatakutan ko yung darating ang oras na di kami magkakatuluyan dahil sa di kami para sa isat isa kasi babalik ako sa present time.
Lumapit siya saakin at hinawakan niya kamay ko.
"She is the one." Malamig na sabi niya.
Tiningnan niya ako at napangiti siya. Ang unang ngiti na nakita ko sa boung buhay ko.
"Okey, congratulations crown princess Nice." Sabi ng Hari.
Napatingin ako sa kanya.
"You did it." sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya.
****
Nandito ako sa Moon pavilion. Dito ang bahay ng crown princess.
Ako talaga ang nanalo sa pagsubok na toh.... napatingin ako sa buwan. Baka sa isang iglap mawawa ang lahat ng toh. Ayokong mangyari yun.
Kung papipiliin man ako mas gusto ko na dito pero alam ko naman na di pwede. Bahala na....
Basta ang akin lang maging masaya ako ngayon.
"Psst." Napatingin ako sa gilid. Sino naman yun?
Napatingin ako sa baba.
"Your highness?" Sabi ko. Diba bawal na bumisita ang royals sa gabi?
"Bumaba ka ngayon." Sabi niya. Pero di ko siya sinunud sinira ko ang bintana.
Napahawak ako sa puso ko ang bilis ng t***k nito.
Sinilip ko ang bintana pero wala na ang prinsipe doon kaya tumakbo ako palabas ng Moon Pavilion.
Nakita ko siya na nakatayo doon at inilahad niya ang kamay niya. Napangiti ako at lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Bakit ka nandito? Diba bawal na ang pagbisita dito ng royal?" Sabi ko sa kanya.
"Lalabagin ko ang rules for you." Sabi niya at niyakap ako.
"Gusto mo ba ako?" Bigla kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko.
"Yes, ikaw do you like me too?" Sabi niya. Napayuko ako at humarap sa kanya at umiling.
Nagulat naman siya.
"I think i love you." Sabi ko sa kanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Naglakad kami nang nakahawak ang kamay kahit maginaw ayokong ihinto ang oras namin dito sa labas.
Napaupo kami sa labas ng Moon Pavillion. Bigla niya akong niyakap naramdaman siguro niya na nilalamig ako.
Ang sweet pala ng lalaking ito? Akala ko sa simula kontrabida eh.
"Mahal na mahal din kita simula nung nakita ulit tayo pangalawang beses doon nako nahulog sayo." Sabi niya. Napangiti ako doon pala siya nahulog saakin nung sinabihan ko siya na magnanakaw siya.
"Sana wala nang makapaghihiwalay saatin." Sabi niya. Nalungkot naman ako kasi mangyayari ang araw na yun na maghihiwalay kami at di na kailanman pa magkikita.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
At tiningnan namin ang buwan.
3rd Persons POV...
"Hindi ito maaari!" Sigaw ni Ministro Jong ang ama ni Marga.
"Pero ama di na natin mababago ang pasya nila. Dahil tinakda na siya na ang Crown Princess." Sabi ni Marga. Tiningnan niya ang kanyang anak.
"Marga, ikaw ang magiging crown princess hindi ang batang yun!" Sigaw ng kanyang ama.
"Kailangan natin humanap ng paraan." Sabi niya.
"Patayin nalang kaya natin ang batang yun sa pamamagitan ng black magic spell?" Sabi nung isang ministro.
Nagulat naman si Marga sa sinabi nung isa.
"Tama... papatayin nalang siya." Sabi ng ama nito.
"Ama, masama po ang pumatay!" Sabi ni Marga.
"Masama na ang masama... gagawin ko ang lahat para din naman sayo ito." Sabi ng kanyang ama at lumabas na ng silid.
Nanginginig na napaupo si Marga sa sahig.
"Hindi yun magagawa ni ama." Sabi niya sa sarili niya habang niyayakap ang sarili niya.
*****
LMCD