Lander Miles Dellomes POV...
Nakatingin lang ako sa cellphone ko na lowbat. Kawawang cellphone wala man lang kuryente dito. Nandito pala ako sa bahay ni Derien pinatuloy nandito din naman mama niya na umalaga at nagpatuloy saakin dito.
"Pamilyar talaga ang magandang mukha mo binibini... parang may kamukha ka. Ano nga pangalan mo?" Tanong niya saakin.
"Ako po si Nice." Sabi ko. Mukhang nagulat naman siya.
"Tama ikaw nga! Ikaw ang anak ni Minister Yeon. Ikaw si Yeon Nice tama?" Sabi ng kanyang ina. Siguro yun yung kamukha ko dito.
Napatango nalang ako.
"Kaya pala napakapamilyar ng iyong mukha at kamukha mo talaga ang iyong ama at ina." Sabi ng kanyang ina. Napangiti lang ako.
"Diba nawala ka sa bayan kanina. Ihahatid ka nalang ni Derien mamaya sa inyong bahay para makasama mo na ang iyong ina."sabi ng kanyang ina. Napangiti ako at nagpasalamat.
"Salamat po." Sabi ko sa kanya.
"Walang ano man. At welcome ka dito sa aming tirahan kung gusto mong pumasyal." Sabi niya. Tumango ako at ngumiti.
Forward...
Hinatid ako ni Derien sa bahay ko daw. At kumatok si Derien at kinakabahan naman ako sa mga mangyayari dito. Baka nandun sa loob ang isang kamukha ko naks baka mabuking pa lahi ko.
"Uhmmm... mauna ka na. Ayos lang ako dito." Sabi ko.
"Sigurado ka?" Napatango lang ako at umalis na siya.
Mabuti mabait siya di parehas nung kaninang kasama ko di man lang gentleman. Tatalikod sana ako ng biglang bumukas ang pinto at may narinig akong boses.
"Anak?" Napatingin ako sa tumawag. Si Mom!
"Mom..." ano ba tawag ko sa kanila ni Dad dito?
"Ina." Sabi ko. Niyakap naman ako ni Mom.
"Saan ka ba nagpupunta? Ang dungis mo na." Sabi niya at pumasok na kami sa loob. Nakakatuwa pati sila Mom nandito sa past.
"Ina nasaan si Ama." Sabi ko. Inaayusan naman niya ang aking buhok at ang damit ko kakaiba lang ha ang taas ng palda.
"Nasa palasyo anak... nakalimutan mo na ba yun? Wag mo nang uulitin ang ginawa mo anak ha. Nag aalala kami sayo." Sabi niya.
Tumango naman ako hanggang matapos na ang ayos ng buhok ko.
"Kakaiba talaga dito." Sabi ko sa sarili ko
"Ano?" Napatingin ako kay mama at umiling.
"Anak, bukas pupunta tayo sa palasyo diba bukas gaganapin ang graduation ng kuya mo." Sabi ni Ina. Wait? Kuya ko? May kuya ako dito?
"May kuya ako? Kailan pa? May kadugo akong kuya." Sabi ko. Eh sa wala akong kuya sa present eh?
"Anak, okey ka lang ba? Nakalimutan mo na ba ang kuya mo... syempre di mo siya kadugo pero inampon namin siya ng ama mo noon kaya may kuya ka." Paliwanag ni Mom. Akala ko may kapatid ako eh... di naman sa ayaw ko ng kapatid sa totoo nga gusto ko eh.
Sino naman kaya yun?
"Magpahinga ka muna mukhang pagod ka anak eh."sabi ni mom. Tumango ako at humiga sa kama.
Pagod nga ako. Natulog nalang ako.
Nagising ako dahil sa may tao sa gilid ko.
"Nagising ba kita?" Sabi ng isang lalaki. Nang makaadjust na ang mata ko nakita ko si Kuya Lester. Si Kuya Lester siya ang naging kuya ko magkapit bahay lang kami sa present life ko. Anong ginagawa niya dito?
"Kuya Lester..."
"Sinong Lester? Si Kuya Leslie mo toh... sino ba yun?" Sabi ni Kuya Lester. Teka napatingin ako sa paligid at sa damit ko nasa past pala ako akala ko panaginip lang eh. Leslie pala name niya dito.
"Pasensya na kuya." Sabi ko.
"Magbihis ka na ngayon araw na gaganapin ang aking graduation." Sabi ni Kuya. What! Means siya ang Kuya ko dito sa past?!
"Ganun? Sige kuya." Sabi ko.
"Mauna nako. Kita nalang tayo sa palasyo." Sabi niya. Ngumiti ako at tumango.
Loading padin ang utak ko sa mga nangyayari kaya tulala pa ako.
Nagbihis nalang ako at lumabas nako ng kwarto ko at nakita ko si Mom na nakatayo at mukhang hinihintay ako.
"Tara na." Sabi ni Mom. Napatango nalang ako at pagkalabas namin may nakita akong dalawang maliliit na parang bahay at may mga taong nakahawak doon at nakita ko si Mom na pumasok sa maliit na bahay mukhang yun ang sasakyan namin. Kawawa naman yung bubuhat saamin.
Sumakay na din ako at kahit naninibago nakaramdam padin ako na komportable sa aking inuupuan.
Ilang minuto at nakarating na kami sa aming parorounan.
Pagbaba namin nandito na nga kami sa palasyo!
Makakapasok na ako sa palasyo sa mga korean movies lang ako nakakakita ng ganito sa palasyo.
"Tayo na." Sabi ni Mom.
Tumango ako at pumasok na kami sa palasyo. Namamangha ako sa loob ng palasyo makikita mo dito ang mga maids, guards, ministers at iba pa.
Nakarating kami sa isang napakalaking space kung saan gaganapin ang graduation nila.
"Nice." Napatingin ako sa tumawag saakin.
"Oh, Derien... nandito ka din?" Sabi ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti.
"Nabalitaan ko na kasama sa mga graduate ang iyong kapatid." Sabi niya. Tumango ako at ngumiti. Napatingin ako kay Kuya Lester na nakangiting nakatingin sa akin.
"Mukhang magsisimula na ang program." Sabi niya.
"Nandito na ang hari!" Sigaw nung isang gwardya.
Napaluhod ang lahat kaya ako nakikisali na din. Baka maputulan pako ng ulo dito kung di ako luluhod.
Sa pagluhod namin may nakita akong isang ibon na makulay kaya sinundan ko ito. Hanggang makalabas ako sa kung saan gaganapin ang program.
Sinundan ko padin ang ibon ng napahinto ito sa isang puno at may nakahiga doon at nakita ko ang lalaking nangiwan saakin kahapon nandito siya sa loob ng palasyo!
"Oi! Lalaking di gentleman." Sabi ko nagising naman at napatingin saakin.
"Nandito ka lang pala." Sabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na sabi niya.
"Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Siguradong magnanakaw ka noh?" Sabi ko bigla siyang napatayo at biglang nahulog ang laman ng bag niya at puro ito pera ang laman ng kanyang bag.
"Magnanakaw ka nga!" Sabi ko mukhang nagpapanik naman siya.
"May magnanak.... hmmm!!" Bigla niyang tiniklop ang baba ko kaya di ako nakasigaw. Walang hiya tong lalaking toh oh.
"Di nga ako magnanakaw." Sabi niya.
"Anong ingay yun?" Napatingin kami kung saan ang ingay. Hinawakan niya kamay ko at tumakbo kami. Di ko alam kung saan kami tatakbo nako naman oh! Idadamay pa ako sa kalokohan niya. Hanggang makarating kami sa isang lugar na walang tao at binitawan na niya ako at hinihingal ako dun ha.
"Bakit mo ko dinala dito?" Sabi ko sa kanya.
"Para makausap ka ng matino." Sabi niya. Ibig sabihin nun di ako matino kausap?
"Ikaw ang hindi matino kausap. Kaya tatawag ako ng guards para ipahuli ka." Sabi ko at lalakad sana ako ng...
"Di mo ba ako kilala! Isa akong prin....." tinaasan ko siya ng kilay.
"Isang kang ano?" Sabi ko
"Isa aking Prins..... aish... Royal Guard." Sabi niya. Oh? Royal Guard pala siya.
"Walang halong biro?" Sabi ko.
Tumango siya at umupo. Umupo nalang din ako sa gilid niya pero di kasing lapit kaming dalawa ha.
"Anong pangalan mo?" Sabi niya. Mukhang maayos na makipag usap tong isang toh.
"Nice, Yeon Nice. Ikaw?" Sabi ko.
"Call me Won." Sabi naman niya. Napatango nalang ako.
"Bakit ka pala nakapasok sa palasyo?" Kalmang sabi niya.
"Syempre graduation ng kapatid ko." Sabi ko sa kanya. Napatango nalang siya.
"Alam mo... ibang iba ang labas ng palasyo kesa sa loob ng palasyo." Napatingin naman siya saakin nung sinabi ko yun.
"Bakit mo naman nasabi ang mga yan." Sabi niya.
"Kasi sa labas maraming naghihirap, naghahanap ng hanap buhay at marami ang nagugutom. Kabaligtaran dito sa loob." Sabi ko.
"Anong ibig mong sabihin."
"Pwede naman sigurong wala nang mahirapa at pantay nalang sana ang lahat. Walang mahirap walang mayaman. Pantay lahat pero di naman yun mangyayari dahil may mga tao talagang hangad ay kayamanan lang dito sa mundo." Sabi ko.
"......."
"Sana masulutionan ng hari ang problemang ito." Sabi ko sa kanya.
Tahimik lang naman siya sa gilid ko.
"Kailangan na nating bumalik." Sabi niya. At tumayo na kaya sinundan ko nalang siya.
Habang naglalakad..
"Mahirap ba talaga ang trabaho mo?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah." Sabi niya. Napaisip ako. Ilan na kaya ang napatay neto?
"Anak!" Napatingin ako sa boses si Mom. Bigla akong tumakbo at niyakap si Mom. Nakita ko naman si Won na tumakbo sa isang guard at may sinabi.
"Won?" Ako
"K-kailangan na naming umalis may trabaho pa ako." Sabi niya at pinagtutulakan ang gwardyang kausap niya. Napakamot nalang ako sa batok at napangiti nalang ako kay mom.
Lee Won POV....
"Mahal na prinsipe, muntik ka nang napahamak sa ginawa mo." Sabi ni Eunuch Hong. Bored ko siyang tiningnan.
"Okey lang talaga ako." Sabi ko. At tinapos ang sinulat ko.
"Hay sa susunod wag ka nang tatakas nang hindi sinasabi saakin." Sabi niya. Nagsmirk lang ako at ibinigay sa Maid ang sinulat ko.
"Ibigay mo yan kay Lady Nice." Sabi ko. Tumango ang Maid at umalis na.
"Gusto kong magpahinga." Sabi ko at tumayo na.
Napabuntong hininga nalang siya.
"Masusunod po." Sabi ni Eunuch Hong at umalis na.
Sigurado akong magkikita pa kami ng Lady na yun.
*****
Lander Miles/ Nice POV...
Sumakay na kami ng sinakyan namin kanina ni Mom ng may kumatok sa bintana ko kaya binuksan ko iyon.
"Bakit?" Sabi ko.
"Pinabibigay ho ni Master Won." Sabi niya. Kaya tinanggap ko yun at nagpasalamat.
Binuksan ko ang sulat at binasa ito.
'Life is a dream for the wise,
A game for the fool,
A comedy for the rich,
A tragedy for the poor.
Life is like a coin.
You can spend it any way you wish,
but you only spend it once.
Mag ingat ka sa daan. I hope magkikita tayo sa susunod.
-Lee Won'
Napangiti ako sa sinabi ng sulat. Tama siya sa sinabi niya. Teka lang bakit naman niya ako sinulatan ng ganitong sulat?
Pero gusto ko ang binigay niyang sulat.
"Magkikita pa tayo sa susunod." Nakangiting sabi ko.
Forward....
"Talaga Kuya! Kayo ang magiging tutor ng prinsipe!" Sabi ko kay Kuya Lester/Leslie.
"Yes, kinakabahan ako." Sabi niya. Napangiti ako at nagsign ako ng 'aja'
"Fight lang yan kuya, alam ko kaya mo yan" sabi ko sa kanya napangiti siya at pinat ako sa ulo.
"Ikaw talaga ang energy ko, Nice. Salamat." Sabi niya. Masaya akong narinig ko iyon.
"Tutulungan kita sa mga problema mo kuya." Sabi ko.
Mukhang napakalma ko siya.
"Ah kuya gusto ko ipasagot mo ito sa kanya." At sinabi ko sa kanya ang tanong.
Lee Won POV...
"Mahal na prinsipe..." Eunuch Hong
"Isang binata ang magtutor saakin?" Sabi ko sa kanya.
"Pero siya ang Top 1 sa boung manlalaro." Sabi niya. Eye to eye contact kami ng tutor ko.
"Anong pangalan mo?" Malamig na sabi ko.
"Yeon Leslie po." Sabi niya.
"Kung magaling kang teacher ko. Ipakita mo saakin." Sabi ko sa kanya.
"Opo, mahal na prinsipe." Sabi niya.
Pero pamilyar ang last name niya. Yeon?
"Mahal na prinsipe, gusto ko pong sagutin niyo ang tanong na ito." Sabi niya saakin. Mukhang kakaiba ang tanong niya saakin ah.
"When will a horse have 6 legs?" Sabi niya saakin. Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"Kailangan ko ang sagot mo bukas." Sabi niya saakin. Tumango naman ako.
*****
Lander Miles/ Nice POV....
Hahanapin ko kung sino ang makakatulong saakin dito para makabalik lang ako sa Present life ko. Sino kaya?
Napadaan ako sa kwarto ni Kuya Lester.
Mukhang namomroblema ata siya ha.
"Okey ka lang Kuya?" Sabi ko. Umiling siya.
"Minamaliit ako ng prinsipe." Sabi niya.
"Hindi mangyayari yun kuya once di niya masagot ang tanong na binigay ko sayo." Sabi ko sa kanya.
"Paano mo naman yun nasisigurado?" Sabi niya.
"Leave it to me." Sabi ko.
"Teka nga kuya ano bang pangalan ng prinsipe?" Tanong ko.
"Prince Lee Won." Napahinto ako at nakatingin ako sa kanya.
"Lee Won?" Di makapaniwalang sabi ko. Yun ang nakasulat sa sulat. Napaisip ako di naman humihiga na natutulog ang Royal guard sa may punuan at wala namang ganung karaming pera ang royal guard. At at....
Waaaaa! Crown Prince pala yung kausap ko! Naalala ko yung sinabi ng guro namin na yun ang pangalan niya. Waaaa!!
I'm sure.... i'm dead.
*******
LMCD