Lander Miles Dellomes POV...
Nakayuko ako ngayon sa mesa ko. Ang susunod kasi na subject namin ay ang pinakabored sa boung mundo. Alam niyo kung ano?
Edi ang subject na H-I-S-T-O-R-Y.
Eh ano pa ang magagawa natin eh kailangan nating mag aral nun para malaman natin kung ano ang nangyari noon sa ibang bansa at sa ating bansa.
"Good Morning Class!" Masayang sabi ni Ma'am Yumi.
"Good Morning Ma'am..." bored na sabi nila. Hay di ba na bobored si maam sa kakatuturo ng history?
"Oh? Class, di dapat tayo maging bored dahil malaking tulong saatin ang history kaya tayo malaya at peaceful ngayon. Kailangan nating malaman kung ano ang nangyari noon bago maging ganito ang mga pamamalakad sa ating bansa." Paliwanag ni Maam. May tama naman si Maam pero nakakatamad na eh!
"Okey, umayos kayo ng upo and sit, relax at makinig saakin, okey?" Sabi ni Maam. Tumango lang kami at umayos ng upo at ayun nga nagdiscuss na si maam tungkol sa mga Royals ng Korea at paano pinalago nito ang lugar nila.
"Pinamumunuan noon ng Hari ng Joseon na si King Leo at may anak siya na nag ngangalang Prince Lee Won, si Prince Lee Won ay isang malamig ang pakikitungo niya sa mga tao at di man lang siya nakitang nakangiti pero..." paliwanag ni maam.
"napaibig si Prince Lee Won sa isang babaeng anak ng isang ministro. At aksidente lang ang pagkikita nila ang babaeng yun ay si Lady Nice...." mukhang okay toh ngayon kasi Love story.
Forward ...
"Class dismiss." Sabi niya kaya ayun nagsaya ang madlang klassmates ko.
"Miles!" Napatingin ako sa gilid ko si Ranz lang pala. Siya pala si Ranzzel Layaoen my bestfriend simula High School. Pero iba ang silid namin nakakasad.
"Oh, kumusta klase niyo?" Sabi niya. Napapout ako.
"Nagtanong ka pa. Alam mo naman ang isasagot ko." Sabi ko at ayun tawa lang ng tawa.
"Hay, don't ya worry matatapos na din ang subject na yan kung mapasa mo." Sabi niya.
"Ranzzel naman eh! Kahit hate ko ang History napapasa ko padin ang quiz at exam noh... nag babasa padin ako." Nakapout kong sabi.
"Hay, ikaw na matalino." Sabi niya. At lumabas na kami nang makita namin ang mga estudyante na may tinitingnan... yun palang President sa student council na si Lindon Blaze Lee.
"Ano kayang nagustuhan nila sa lalaking yan? Masungit lang naman ang pinapakita saatin." Mahinang sabi ko.
"Hay, bakit ang manhid mo din pagdating sa mga lalaki noh? Wala ka man lang nagustuhan... aminin mo tomboy ka ba?" Sabi ni Ranzzel. Napatingin ako sa kanya na gulat na gulat.
"What?! Hindi ha! Di pa siguro dumadating ang future husband ko." Sabi ko sa kanya.
"Sus, palusot. Tara na nga gutom nako." Sabi niya at lumakad na kami. Napapansin ko talaga sa Blaze na yan na parate niya akong tinitingnan di ko naman siya pinansin at nagpatuloy nalang kami sa paglakad.
Pero nakahawak ako sa puso ko. Heto nanaman siya parang tambol ang bilis ng kabog.
Nagmamadali nalang kami sa paglakad.
House...
"Nandito nako!" Sabi ko at pumasok sa bahay.
"Nandito kana pala. Magbihis ka na kasi kakain na tayo." Sabi ni Mom.
Nakita ko si Mom naghahanda ng pagkain habang si Dad nagbabasa ng newspaper.
Napangiti ako at tumango at tumakbo papunta sa kwarto ko.
At nagbihis ng biglang nagring ang phone ko at may dumating na text message. Heto nanaman ang unregistared na number. Binasa ko yun at ang nakalagay naman ay...
'See you tomorrow, my love.'
Napataas ang isang kilay ko. What the hell! Nanindigan balahibo ko ang corny ha pero aaminin ko ang sweet niya.
Inilagay ko nalang balik sa mesa ang cellphone ko at bumaba para makikain kina mom and dad.
"Oh, kumusta ang school?" Tanong ni Dad. Ngumiti ako at nagsalita.
"Okey naman po." Sabi ko sa kanya.
"Hmm... may boyfriend na ba anak namin?" Tanong ni Mom. Napatingin ako sa kanya at umiling.
"Hay, sa bagay okey na rin yan." Sabi ni Dad.
"Honey." Sabi ni Mom.
"What? Haist.. basta kung meron na anak ha. Pakilala mo saamin para mag approve namin sayo." Sabi ni Dad. Napangiti nalang ako at tumango sa kanya.
"Opo."
Bedroom...
Nakatingin ako sa kisame. Iniisip ko kung sino nga ba ang makakagusto saakin na lalaki? Sa itsura kong ito may magkakagusto saakin?
Napatayo ako at lumapit sa bintana kaya kitang kita ko ang perfect circle na buwan.
"Sana makita ko na ang Future Husband ko." Sabi ko at tumalikod na para bumalik sa higaan ng di ko nalaman na may dumaan na shooting star.
Humiga ako at pumikit na...
Kinabukasan...
Naglalakad ako dito sa campus ng napunta ako dito malapit sa Student Council di ko alam kung bakit ako napunta dito.
Nang makita ko ang isang estudyante doon na busy sa ginagawang papeles.
Si Blaze lang pala yun. Napahawak ulit ako sa puso ko dahil pumapantig nanaman yun. Napaatras ako ng may nahulog akong gamit kaya nagulat din ako. Napatingin ako sa loob nakatingin siya saakin
"P-pasensya na!" Sabi ko at ayun tumakbo nako. Hanggang makarating ako sa Rooftop grabe nakita pa ako.
Napahawak ako sa harang ng Rooftop ng may nakita akong kakaibang ilaw kaya palapit ako doon at umakyat ako para maabot yun ng.... nawalan ako ng balanse kaya...
"Aaaaahhhhh!" Nahulog ako sa taas. Napapikit ako ang bilis ng pangyayari at black out.
Lindon Blaze Lee POV...
Nakita ko ang panyo ni Miles. Anong problema niya nagtatakbo siya?
Kinuha ko yun. Isasauli ko nalang yun if magkita kami.
Lander Miles POV...
Nagising ako na nasa ibang lugar ako. Nang may narinig akong kaluskos kaya tumakbo ako. Sa kakatakbo ko bigla akong nadapa. Ang sakit ha tama talaga mukha ko sa sahig.
Nakaramdam ako ng kaluskus kaya agad akong napaupo at tiningnan kung saan galing ang kaluskus.
Nakakatakot naman dito. I want my mom and dad!
"Waaaa! Promise ko na di nako magiging makulit at pasaway. Basta ibalik niyo nako sa mom and dad ko!" Sabi ko habang nakapikit at pinagdikit ang dalawang palad ng kamay ko.
Nakaraning padin ako ng kaluskus kaya napamulat ako nang makita ko ang isang hayop na di ko inaasahan.
Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.
"B-bakit nandito yan... dapat nasa zoo yan." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa isang Tigre at palapit saakin. Kakainin nako nitong tigreng toh!
Ito na ba ang katapusan ng buhay ko?
Gusto ko pang mabuhay, maging masaya at makita ang forever ko!
Sana makita ko na forever ko bago ako mamatay! Patalon na ang tigre kaya napapikit ako ng makarinig ako ng espada kaya napamulat ako nakita ko ang isang lalaking pumatay sa tigre.
My knight and shining armor! Lakaiba lang ang damit niya kasi mukhang nakapalda siya.
Nakatalikod siya at unti unti akong tumayo at siya naman tumingin saakin. Pero may tabon siyang metal sa may baba niya kaya di ko masyado kita mukha niya pero aaminin ko gwapo siya ng....
..biglang nag smirk.
"Uhmm... Salamat pala." Sabi ko sa kanya.
"Tsk. Bakit ka pa lumalabas ng gabi alam mo naman na may mga mababangis na hayop dito." Sabi niya at napayuko ako sa sinabi niya.
"Eh sa di ako taga dito at napadpad... teka wag mo kong talikuran!" Inis kong sabi. Susundan ko sana siya ng napaluhod ako di ko napansin natisod pala paa ko.
"Aray naman oh." Napahawak ako sa paa ko.
"Tsk." Napatingin ako sa nagmamay ari ng boses at nakita ko na binuhat niya ako.
Kaya napayakap ako sa leeg niya. At naglakad siya at di ako pinansin. Teka ba...
"Saan mo ko dadalhin! Siguro i-re-r**e mo ko noh!" Sabi ko sa kanya. Wala man lang reaction mukha niya.
"Tumahimik ka baka iiwan kita dito." Sabi niya. Napapout nalang ako at tumingin kung saan kami dadaan. Napangiti nalang ako kasi niligtas niya ako. At binigay niya saakin ang kapa niya.
Kahit masungit, mabait padin pala siya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
Siguro sinagot niya na makaharap ko forever ko. Teka di pa siguro ako mamamatay noh?
Nakarating kami sa isang.... ano toh? Nasaan ang mga buildings, mga sasakyan at mga bill boards?
"Nasaan ako?" Tanong ko sa kasama ko na binubuhat padin ako.
"......" as usual tinatamad sa pagsasalita.
"Ibaba mo nga ako." Utos ko sa kanya. Pero di padin nagsasalita.
"Ibaba mo sabi ako eh!" Galit na sabi ko, kaya napahinto siya nakatingin siya saakin. Bibitawan sana niya ako ng niyakap ko siya ng mahigpit. Waaa ayokong mahulog! Masakit sa pwet yun!
"Oh? Bakit nakakapit ka pa?" Sabi niya. Tsk.... di naman pala siya gentleman.
"Eh ihuhulog mo ko eh!" Sabi ko sabay pout.
Bigla niya akong binaba sa gilid at tiningnan ko siya na tumalikod at lumakad.
What the!
"Oi oi... saan ka pupunta? Oi!" Tawag ko pero no response lang siya.
Teka iiwan niya ako dito. Di ko alam ang lugar na toh! At kakaiba ang mga damit nila. Mabuti may kapa ako kaya di nila makita na naka uniform ako.
Teka familyar ang damit nila... saan ko ba toh nakita?
Kakaibang damit.
Ang buhok nila puro matataas at nakatali.
Parang sinaunang panahon...
"Don't tell me nasa past ako? At nasa Joseon! Oh my golly nasa korea pala ako!" Di ko sinasadyang napasigaw ako kaya napatingin ang mga tao saakin. Kaya napatakip ako ng baba at nagpeace kaya ayun bumalik sila sa trabaho nila.
Naman oh! Hinilot ko nalang paa ko at mabuti maayos ayos din yun. Kaya lumakad ako naglakad nako ng...
Tumunog ang tiyan ko.
"Naman oh! Saan ako kakain neto?" Naghanap ako ng restaurant... may ganito ba yun dito?
Naglakad lang ako ng napahawak ako sa ulo ko eh sa nahihilo ako dahil sa gutom. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng di ko na makayanan... tutumba nako ng may sumalo saakin.
Napatingin naman ako sa sumalo saakin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ng isang lalaki. Ang gwapo niya! Kamukha ni.... Red? Yung isang bestfriend ko!
"Nahihilo lang ako dahil sa gutom." Sabi ko sa kanya.
"Hmm... di ka naman mahirap bakit ka nagugutom? Hmm... tara papakainin kita." Sabi niya mukhang nagstar star naman ang mata ko. At tumango nalang ako kilala ko naman siya eh... pero ang tanong kilala niya ba ako?
Nakarating na kami sa isang lugar kung saan maraming pagkain.
Matanong nga pangalan nito.
"Uhmm.. anong pangalan mo?" Sabi ko. Sana Red!
"Nakalimutan kong magpakilala pasensya na. Ako nga pala si Lee Derien." Sabi niya. Di pala...
"Ikaw anong pangalan mo? Mukhang nakita na kita pero nakalimutan ko kung kelan." Sabi naman niya. What means may kamukha ako dito?
"Ah... ako si Mile...."
Teka di ko pwede sabihin ang totoong pangalan ko. Anong ipapangalan ko?
"...Nice tama Nice pangalan ko." Wala akong maisip eh! Napatango nalang siya.
"Ang ganda ng pangalan mo bagay sayo." Sabi niya. Napangiti nalang ako. Di naman yun name ko eh Miles yun... Wait Nice... sino nga ba yung Nice ang name sa History na kinuwento ni Maam? Haist mamaya ko na yun iisipin ba ka mabaliw nako dito. Ay tama matanong nga anong taon ngayon.
"Pwede magtanong? Uhmmm anong taon ngayon?" Sabi ko mukhang nagulat naman siya. Kung alam lang niya kung saan ako galing.
"Uhmm... ano kasi.. nakalimutan ko kasi eh.. alam mo na sa kababasa maraming taon ang sinabi doon kaya nagrumble na sa utak ko. So anong year ngayon?" Tanong ko ulit. Great palusot ka Miles! Ang talino mo talaga kaya ka Top 1 ka sa school eh!
"Hahaha ganun pala... Ngayon ay 1234, yan ang taon ngayon." Sabi niya. What! Totoo?!
Nasa past nga ako!
"Uhmm... totoo?" Alinlangangan kong sabi. Tumango naman siya.
Oh my god! Ito na ba ang parusa ni History saakin? Sana di ko nalang na hate ang subject na history! Huhuhuhu...
"Ayos ka lang?" Sabi niya. Napatango ako at ngumiti.
"Ayos lang ako." Sabi ko sabay subo ng pagkain. Kailangan kong kumain ng madami para di magutom. Kailangan ko ng energy para sa Adventure na toh!
Hanggang kailan ako dito? Ayokong makulong sa lugar na ito.
******
LMCD