Mabilis na tumalima nang makitang pabalik na ang boss sa opisina nito. Agad na lumingon kay Maine at sumenyas ito na patay siya.
"Kasalanan mo ito," turan.
"May sinabi ka ba miss—"
"Sir naman, hindi ba sabi ko Chris na lang," ungot sa amo kahit alam na badtrip sa kaniya.
Nakitang tila natigilan ito kaya napatigil din siya sa pagsunod. Pormal ang mukha nitong humarap sa kaniya.
"Alam mo ba ang pinakaayaw ko?" Matiim na wika nito.
Napalunok si Chris dahil mukhang seryoso nga ang amo.
"Hindi ko po alam sir," sagot rito.
"Ang nakikipag-chismisan sa oras ng trabaho—"
"Sir hindi naman—"
"Mas lalo na kung may inuutos ako tapos ang tagal bumalik dahil nakikipag-chismisan pa pala." Pagtatapos ni Dom. Nakita niyang napakamot ang sekretarya at hindi malaman kahit papaano ay naaliw siya rito.
"Sir, una sa lahat. Hindi po ako nakipag-chismisan. Pangalawa, kapatid niyo ang kumausap sa akin. Alangan namang hindi ko sagutin," katuwiran dito.
"Next—"
"Sir—"
Sabayan nilang turan na kinatigil nila.
"Let's go back to work," bawi ni Dom ng makabawi.
"Okay po sir," tarandang turan saka sumunod rito.
Pagdating sa opisina nito ay kapwa sila tahimik. Mukhang lalabas ang puso sa sobrang kama lalo na at kahit wala na siya sa harap ng amo ay kita pa rin ang mukha nitong lukot.
"Chris!" Malakas na tawag nito.
"Ay kabayo!" Gulat na turan saka mabilis na inayos ang sarili. "Yes sir?" Mabilis na turan pagbukas ng glass door na pagitan nila.
"Can you make coffee for me please." Utos nito.
"Okay po sir." Agad na tumalima at tinungo ang pantry. Halos masapo ang dibdib sa kaba. 'Peste! Ganito pala mag-work sa de-aircon. Nakakakaba!' Saad sa isipan.
Nanginginig pa ang kamay habang pilit na inaalala ang tinuro ni Maine sa kaniya. "Grabe, hindi pa ako nagkakape pero kinakabahan na ako." Aniya sa sarili saka humugot ng malalim na buntong hininga.
Matapos ilagay ang kape sa mesa ng boss ay agad na lumabas ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng marinig ang dumadagundong na boses ng amo.
"Christinaaaaa."
"Sssssir?" Halos manginig ang laman niya.
"What is this?" gilalas nito sabay baba ng tasa.
"Sabi mo po kape. Kaya pinagtimpla kita ng kape sir," nahihintakutang turan. Never siyang natakot dahil astig siya pero sa boss ngayon para gusto na niyang mag-back out.
"Yes, I asked for coffee pero bakit ang pait!" Tuluyang nabanas si Dom. Sumakit ang ulo sa pag-back-out ng isa sa kliyente nila. Dalawang milyon din ang kontrata na iyon.
"Grabe, may kape bang hindi mapait," bulong sa sarili.
"Wala pero hindi kasing pait nito. Wanna try?" tinig ng boss.
Hindi malaman ni Chris ang gagawin dahil napalakas pala ang pagkakasabi at masyadong matalas ang pandinig ng amo.
"Huwag na sir, sabi mo mapait eh," sagot rito.
Napabuntong hininga si Dom sabay sapo sa ulo. Maya-maya ay biglang may nagsalita dahilan para para mapukaw ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.
"What's happening here?" Kunot-noo na tanong ni Maine. Nasalitan ang tingin sa kanila ng kapatid nito.
Nang wala itong makuhang sagot ay lumapit ito. "Anong nangyayari?" bulong na tanong nito sa kaniya.
"Mapait daw ang kape?" balik na bulong na sagot rito nang bigla itong nagbunghalit sa tawa.
"My goodness, may matamis bang kape. Unless lagyan mo ng asukal. Mapait ba kuya? Kasing pait ng love life mo?" turan ni Maine na nakaupo na sa harap ng kuyang madilim ang mukhang nakatingin sa kanila.
Agad na pinandilatan ni Chris si Maine. Talagang nilaglag pa talaga siya sa kaniyang amo.
"At bakit nadamay ang love life ko sa kape?" Titig nito kay Chris.
'Patay, pahamak ka talaga Maine.' Gigil sa isip at mukhang hindi pa nakaramdam ito at hindi pa rin natigil.
"Ano kuya? Gusto ko nang magkaroon ng pamangkin," hirit pa ni Maine. Mas lalong nangunot ang noo sa sinabi ng kaibigan. Sumenyas siya rito pero siya naman ang pinapatigil nito.
"Damian."
"Ay kuya! Maine, Maine na ako. No more Damian," palatak nito nang marinig ang birth name nito.
Napangisi na lamang si Chris. Tigas kasi ng ulo eh, alam nang badtrip ang kapatid. Hiritan pa ng pamangkin.
"I think you don't have any business here. So, you may go," pormal na wika ni Dom sa kapatid. Nakapang-iinit ng ulo ang mga nangyayari.
"Breaktime, Kuya kaya I'm here to invite my friend to have lunch," marteng tugon ni Maine.
Pasimpleng tumingin sa relos si Dom at alas dose-singko na nga ng tanghali.
"Okay, you can go." Pagtatapos upang itaboy na ang nga ito.
"Ikaw, kuya? Wala ka bang balak kumain? Para naman mawala ang inis mo sa kape mo. Mag-dessert para tumamis ang love life mo," hirit pa ulit ni Maine kaya mabilis na hinila ni Chris ito bago ulit sumabog ang kapatid nito.
"Tara na!" Mabilis na hila.
"Hey, wait! Kuya," tawag pa nito sa kapatid.
"Iyong pamangkin ko. Don't forget," parang nang-iinis pa talagang pahabol pa nito sa noon at nakalukot na namang mukha ng kaniyang boss.
"Gaga! Bilis na. Alam mong galit na kuya mo. Hiritan mo pa ng pamangkin!" banas na turan kay Maine nang makalabas sila sa opisina ng kapatid nito.
Tumawa ito. "Girl, I'm just making your job easy," wika nito.
"What?" gilalas niya. "Making my job easy? Goodness, Maine, kita mo mukha ng kapatid mo. Para akong lalamunin dahil lang sa kapeng mapait!" inis na turan.
Mas lalo pang nainis nang tawang-tawa ang kaibigan.
"Pinapagaan ko lang ang trabaho mo. See, my brother reaction? God Christina, mukhang susunod sa yapak ko," wika nito dahilan para batukan.
"Aray ko naman," angil ni Maine.
"Ayaw mong tawagin kang Damian pero maka-Christina ka!" hirit rito.
"Ay! Sorry, lalaki ka nga pala," tawa pa rin nito.
"Tara na! Gutom ako, libre mo ba?" bawi kay Maine sabay akbay rito.
"Eww! Huwag ka nga, baka sabihin nila syota kita," anito sabay tanggal sa kaniyang kamay.
"Grabe siya oh," nguso rito. "Oh, siya basta libre mo," aniya sabay kindat saka nagpatiunang naglakad.
Agad silang napunta sa katapat na restaurant. Lahat ay napapatingin kay Maine. Para kasi itong artista, masayadong pulido ang pagkakagawa sa mukha niya.
"Ganda ko 'di ba?" pagyayabang nito.
"Oo na maganda ka na," aniya. Saka mabilis na sumenyas sa waiter dahil gutom na siya.
Matapos iabot ng waiter ang menu ay agad na tinuro ang lahat ng gusto.
"Hep! Saglit. Bakit lahat yata oorder-in mo? Hindi purke libre," wika ni Maine.
Natawa si Chris. "In-order-an na kita. Masyado ka kasing focus sa pagpapa-cute mo sa mga lalaki." Gagad niya rito.
Napangiti ito. "God! Paano ba naman kasi ay Papa-ble naman sila. Look?" Nguso nito sa lalaki sa likuran niya at kinailangan pa nitong balingan bago makita at halos humagalpak siya sa tawa ng makita ang lalaking sinasabi nito.
"Iyon? Guwapo ba iyon? Aba, kabaong na lang pwede nang ihukay," turan sa payat na lalaking nakahalukipkip.
"Gaga! Iyong nasa gilid," turan nito at binaling ang ulo nang mapagsino ang tinitignan nito. Tumawa mg malakas si Chris. Mas lalong napantastikuhan si Maine sa reaksyon niya.
"Gaga! Hindi ikaw ang tinitignan niya," turan nang mahamig ang sarili.
"At sino naman aber? Ikaw?" anito sabay tawa. "Don't tell me nag-iba ka na ng s*x preference. Dahil ba kay Kuya ha? Ha?" diga nito dahilan para muling batukan.
"Ouch! Gosh bakla, nawala iyong poise ko doon. Nakatingin siya oh." Nguso nito kaya agad na napatingin at nagtama ang mga mata nila ng lalaking tinitignan.
Agad siyang tumayo. "Hoy! Christina! Hoy, saan ka pupunta?" Pigil ni Maine pero dere-deretso lang siya. Kilala niya ang lalaking nagpapakilig rito. Hindi niya alam, ay silahis ito. Maganda ang katawan dahil gym instructor sa pipitsuging gym sa kanilang lugar.
"Ahhh! Sabi ko na nga ba, ikaw iyan Chris. Kanina pa kita tinitignan," wika nito ng makita siya.
"O-M-G! You're—"
tinig buhat sa likuran nila. Sumunod pala si Maine sa kaniya at ngayon ay nanlalaki ang mata nito.
"Oppss! Huwag mo na ituloy. Baka marinig ka ng ka-date. Papa niya nasa military. Hindi siya out," bulong ni Chris kay Maine sabay tingin kay Francis o France.
Eksaheradang bumuntong-hininga si Maine. Napurnada na naman kasi ang sana ay love life nito. Dumadami na talaga ang ka-federasyon nila. Mayroong out at in katulad ni France este Francis. Takot mag-out dahil baka ipalapa raw siya ng ama sa dragon.
Agad silang nagpaalam kay Francis lalo pa at nakitang tila nainis na ang babaeng ka-date nito. Pagbalik sa mesa ay saktong dumating ang pagkain nila. Dahil kapwa gutom ay agad na dinaluhan ang masarap na pagkain na nakahatag.
"Grabe, sarap talaga kapag pangmayaman," hindi mapigilang turan habang nginunguya ang sushi sa bibig.
Nakatalikod si Maine sa may main entrance ng restaurant habang siya naman ay nakaharap rito. Kitang-kita niya ang bawat papasok at ngayon ay nakitang papasok doon ang boss.
Halos maibuga ang nasa bibig ng mapagsino ang kasama nito.
"Hey, don't look at me like that?" puna ni Maine sa nakatulalang kaibigan.
"Hoy!" Tampal sa balikat nito.
"Oh s**t!" gilalas niya.
"What?" sabad ni Maine.
"Sa likod mo ang kuya mo at kasama si—" apuhap sa pangalan ng isa sa kaklase nila noong college.
Agad na lumingon si Maine at nakita ang kaniyang mortal enemy.
"It can't be. No way! Hindi ko papayagang maging hipag ko ang kaaway ko," anito saka muling tatayo.
Agad na inawat si Maine. "This is what you want. At least siya may matris," paalala rito.
Medyo napaisip ito. Umupo rin at kapwa pinanood ang dalawa habang papunta sa mesang laan sa mga ito.
"She changed a lot," puna.
"Ano? Mas maganda pa rin ba siya kaysa sa akin?" gagad ni Maine.
"Insecure lang?" agad na wika rito.
Agad na sumubo. "s**t! Sabi ko na nga ba? Sana tinudo ko na ang dibdib ko nang ipagawa ko."
Agad itong binatukan. Sa lahat pa ng mapapansin nito ay ang dibdib pa.
"Aray ko naman. Nakailan ka na ah," sikmat nito.
"Gaga, look down," saad.
"Ha!" anito sabay ngisi sa kaniya. "Ako dibdib lang nakita ko. Ikaw pati baba," nakakalokong ngisi ni Maine sa kaniya.
"Gaga, iyong legs ng Kuya mo bakit nakaganoon. 'Di ba babae lang ang nagpapatong ng legs sa kabilang legs nito?" wika. Agad na napatingin si Maine lalo na at nakapatong pa ang isang kamay sa lamesa na tila pumipilantik.
"Oh, nohhh!" eksaheradang tili nito na pumukaw sa pansin ng kanilang tinitignan.