Napailing na lamang siya sa tiyahin. Saka muling hinarap ang isdang lilinisan. Sana nga ay maging maayos ang trabaho niya sa kompaniya ng kaibigang si Maine. Muling napailing ng maalala ang isa pang trabahong gagawin. Ang bantayan ang kapatid nito.
"Aba! Smiling fish ah," tinig ng tita Bonie.
"Tita naman, bakit ka nanggugulat?" wika niyang lingon rito.
"Nagulat ka ba sa lagay na iyan? Saglit, bakit ka nakangiti kasi sa isdang hawak mo?" turan pa nito.
"May naalala lang po ako Tita."
"Sus! Baka si Dominador na iyan ah!" tawa nito.
"Tita Bonie talaga," ungot pa.
"Oh siya, tapusin mo na iyan para naman makakain na tayo paglabas ko ng banyo. Nagutom ako," saad bago pumasok sa banyo nila.
Mabilis na nilinisan ang isda saka naghiwa ng isasahog rito. Masyado siyang excited sa bagong trabaho.
Matapos ng trenta minutos ay nakaluto na siya. Agad na dumulog ang tiyahin at ang tita Bonie niya.
"Basta Christina, kapag maayos ka na sa trabaho mo ay ikaw na ang magbayad sa kuryente, tubig at internet." Mabilis itong sumubo na tila magutom.
"Ahhhhh! May internet ba tayo ate? Cellphone nga natin kailangan pang alugin," turan ng tita Bonie niya.
"Basta napag-usapan na namin ni Christina iyan," gagad ng tiyahin dito.
"Taray! At hindi niyo ako sinama. Magtatampo na ako niyan?" tawa naman nito.
"Naku Tita, kaya magsimula ka na mag-ipon ng pambili mo ng smart phone para naman makikabit ka sa internet ni Tiyang," tawa rito.
"Kabit? Oh noh, ayokong maging kabit," turan nito nang biglang batukan ng tiyahin.
"Ayyyy!" tili pa ng tita Bonie niya.
Napatawa na lamang siya. Kahit papaano ay alam niyang magkasama ang dalawa sa pagtanda kahit parang aso't pusa.
Kinabukasan ay maagang pumasok si Chris sa trabaho. Agad siyang sumaludo sa security guard ng building. Ngumiti ito nang makilala siya.
"Hanep! Porma natin ah?"
"Good morning manong. First day ko kaya kailangang presentable," tawang turan rito.
"Naks! Good luck," turan nito.
Kumindat siya rito saka pumasok. Nang saktong marinig na sumaludar ang security.
"Good morning sir," dinig na tinig nito.
Agad na lumingon at nakita ang mukha ng bagong dating.
Lalaking-lalaki ang tindig. Nasa 5'9 ang taas at malaki ang pangangatawan. Mukhang alaga sa gym.
Dahil sa pag-aaral sa kaanyuan nito ay hindi nahalatang nasa tapat na pala ito.
"Hi Ma. Christina falls," tinig ni Maine na nagpabalik sa kaniya. Kasunod pala nito ang kuya nito.
"Good morning sir," bruskong bati sa amo.
Napahagikgik si Maine.
"Good morning daw Kuya," untag ni Maine dito.
"Good morning din Miss—"
"Sir, pwede bang Chris na lang. Naaalibadbaran ako kapag Miss eh," putol niya sa sinasabi nito.
"See? I told you kuya. I found someone, na wala kang magiging hassle," untag ni Maine.
"Okay Chris. My sister will orient you about your job," wika saka mabilis na tumaas.
Agad siyang lumapit kay Maine.
"Grabe, ang cold ng kuya mo ah?" bulong rito.
"Hot iyan si Kuya. Hindi mo lang kita," hagikgik nito.
"Gaga! 'Di kami talo!" agad na salag.
Mabilis silang sumunod sa lalaki. Nasa first floor lang ng building ang opisina ng mga ito. Kaya mas madali sa kanilang sa hagdan na lamang kaysa makipagsiksikan sa elevator.
Nang ganap na makapasok sa bungad ng opisina ng boss ay nakita niya ang isang bakanteng mesa.
"This is your area," turan ni Maine.
Mula roon ay kita ang mesa ng boss dahil sa glass door pero may parte ng opisina nito na kubli. Kung hindi siya tatayo sa may mismong pintuhan talaga.
Mula sa kinaroroonan ay kita ang kapatid nitong abala na. "This is the pantry. My brother likes black coffee. No sugar, no cream," imporma pa nito.
"Anong lasa noon?" maang na turan.
"Try mo? 'Di mapait!" tawa nito.
"Kasing pait ng lovelife niya?" gagad na kinatawa nilang dalawa. Nakitang nagtaas ito ng tingin at tumingin sa kanila.
"Narinig ka yata?" bulong ni Maine.
"Chris, can I have a coffee please," dinig na wika nito.
"Do it?" Senyas ni Maine.
"Agad siyang nag-brewed ng kape sa coffee maker. Tinuruan siya ni Maine kung paano ang gagawin.
Matapos ay agad na nilapag sa mesa ng lalaki.
"May ipag-uutos pa po ba kayo boss?"
Nagtaas ito ng tingin. Tila ba may nais sabihin.
"Wala na. Just call me Sir," pormal na wika nito.
"Areglado boss este Sir," ngiti saka lumabas.
Nakasilip lang si Maine at paglabas ay impit na humagikgik. "Grabe ang titig ni kuya sa'yo ah," turan nito.
Halos batukan ito sa narinig.
"Teka nga lang, akala ko ba nandito ako para alamin ang sekreto niya? Bakit feeling ko, binubuyo mo ako sa kaniya? Uunahan na kita. Lalaki ako!" tuwid na turan na kinahagikgik ng kausap.
"Lalaking walang lawit," anito.
Kung hindi lang ito nagpasok sa kaniya sa trabaho ay kanina pa inumbagan.
"Grabe, purke't natanggal na ang lawit. Lalaki pa rin naman," balik rito.
"Correction, babae na po ako. Transwoman," pag-uulit nito.
"Ewan ko sa'yo!" aniya.
"Ma'am Maine, nandito na po iyong bagong applicant natin for the graphic artist." Sungaw na ulo ng isa sa HR nila.
Agad na bumaling si Maine sa kaniya.
"Maiwan muna kita. Titignan ko lang itong bagong graphic artist namin baka bagong fafa," ngisi nito saka umalis.
Naiwan siyang natitigilan.
"Chris," tawag ng boss.
Nataranta siyang pumasok sa opisina nito.
"Yes boss," agad na turan.
Nagsalubong ang may kakapalang kilay nito.
"Yes Sir," pagtatama sa unang sinabi.
"Kindly give this papers to the head of graphic design team," wika nito habang abot ang papeles na kanina pa nito inaaral.
"Okay po sir," turan saka mabilis na tumalima.
Napailing si Dom sa bagong sekretarya. Kahit papaano ay wala na siyang alalahanin pa. Naguguluhan na rin siya sa kaniyang damdamin. Ngayon lang ito nangyari sa kaniyang nalito siya sa kaniyang kasarian.
Pagdating ni Chris sa opisina ng buong graphic team ay nakita si Maine. Ngumiti ito nang makita niya at sa harap ay isang guwapong lalaki. Mukhang magiliw niyang inuusisa ang lalaki.
'Not bad,' aniya sa isipan ng makitang ala Jericho Rosales ang datingan ng lalaki. Kaya pala tudo ang ngiti nito.
Agad na nagtanong sa isang babaeng naroroon. Maganda rin ang babaeng napahawi pa ang buhok ng makita siya. Ngumiti siya rito.
"Miss, saan ang head ng graphic design?" tanong rito.
Nakitang medyo nadismaya ito ng marinig ng boses niya. Akala yata kanina ay lalaki siya. Sabagay, ang guwapo kaya niya. Diyahe lang ang kaniyang boses dahil kahit anong gawing pababain ang tono ay babae pa rin.
"Sa pintuan na iyan. Katok ka lang," anito sa kaniya. Agad na ngumiti at nagpasalamat pero napalis na ang matamis nitong ngiti.
Mabilis na tinungo ang pintuhang tinuro ng babae. Isang katok ang ginawa.
"Pasok," tinig ng lalaki.
Agad na pinihit ang seradura at pumasok nang bigla itong tumili. Napakunot agad siya at napahawi sa buhok niya. Tila ito nabato-balani sa kaniya. Agad na lumapit rito.
"Sir, pinabibigay ni sir Dominador," turan at doon ay nadismaya rin ito.
"Gosh! Natanso ako doon ah! Akala ko guwapo na," pasaring nito.
"Guwapo naman ako Sir ah?"
"Ay! Sir talaga, pwede bang madam na lang?" wika nito.
"Okay madam na kung madam," saad nang papihit na siya upang bumalik sa opisina ng boss ng bumalik ito.
"Bakit po madam?"
"Pipirmahan ko lang ito tapos pakibalik kay boss. So, ikaw ang bago niyang sekretarya?" usisa nito.
"Yes," tuwid na sagot.
"Well, mukhang hindi ka naman maghuhubad sa harap niya."
"Ako? Maghuhubad? No way highway!" Turan.
Natawa ang kausap. Bihis lalaki ito pero kapag nagsalita ay malalaman mong bakla ito.
"Good," anito. Sabay abot sa kaniya ang napirmahan nitong papeles.
"Wait? May naaamoy ka ba?" tanong rito.
Huminghot-singhot ito. "Don't tell me umutot ka?" gilalas nito.
"Hindi. What I mean is si boss Dominador. May naamoy ka bang kakaiba sa kaniya?" tanong rito na tila close.
Napatitig ito sa kaniya.
"Well, bukod sa amoy ko ang hininga mo sa lapit sa mukha ko. Wala naman na akong naaamoy. Ang guwapo kaya ni boss," muling tili nito.
Hindi pa man nakakalayo rito ay bumukas ang pintuhan at niluwa noon si Maine at ang bagong aplikante.
"Ay! Speaking of guwapo. May guwapo nga!" tili nito.
"Ferdinand, meet Juaquin. The head of the team," pakilala ni Maine.
"Ahemmm! Just call me Juaque. Masyado kasing lalaki ang Juaquin," hirit nito.
"Ahemmmmmm!" mahabang tikhim ni Chris dahil mukhang may tensyon sa pagitan nina Maine at ni Juaquin dahil sa lalaking nasa harapan. Well, guwapo naman talaga ang lalaki pero medyo naaalibadbaran siya rito.
Hindi niya alam kung bakit medyo mainit ang dugo rito. Mukhang kumapit na rin sa kaniya ang mga agimat na tinda ng tiyahin niya. Pati yata ugali ng tao ay naaamoy na niya.
"Juaque, ikaw na ang bahala kay Ferdinand. Since under siya ng team mo magtatrabaho," turan ni Maine nang tila matauhan ito. Saka siya hinila palabas.
"Anong ginagawa mo rito? You should, look after my brother?" gagad nito.
"Grabe, ano iyon? Minu-minuto kong titignan kuya mo at hello. Inutusan niya akong papirmahin ito kay Juaque," aniya sa hawak.
"Okay, bumalik ka na. Be alert," paalala nito.
"Yes madam," aniya rito.
"Wait!" dinig na tawag nito nang nakailang hakbang pa lamang siya.
"Bakit po madam?" uyam rito.
"Bakit nga pala ang lapit ng mukha mo kay Juaque kanina?" dinig na tanong nito.
"Wala lang, inaamoy ko lang. Baka kasi kasing amoy siya ng kuya mo," tawang wika.
"Gaga! Mas mabango doon si Kuya noh?"
"Sus! Selos ka naman. Oo na, mas maganda ka na kay Juaque," hirit niya rito.
Nang marinig ang boses ng boss niya.
"What took you so long?"
"Oh sorry boss, kailangan niyo na po ba ito?" agad na tugon rito. Nang makitang nakapamulsa ito at matiim na nakatingin sa kaniya.
"Grabe makatingin 'tong kuya mo ah?" bulong kay Maine.
"Mukha bang hinuhubaran ka?" hagikgik nito.
"Gaga! Mukha nga akong binabalatan," sagot dito.