Napatingin si Dom sa babaeng biglang tumili. Tila kasi kilala ang boses na iyon at hindi nga siya hagkamali dahil ang kapatid iyon. Kasamaa ang kaniyang sekretarya at maging si Leticia ay nakatingin din pala sa dalawang babae sa kabilang mesa.
“Oh, my God, is that Chris?” turan nito na nagpabalik sa babae ang tingin.
“How did you know her?” maang rito. Kilala nito ang kaniyang sekretarya.
“She’s my college classmate. Wait? Infairness, maganda ang girlfriend," komento pa nito at muling napabaling sa kabilang mesa. Napagkamalan pa yatang girlfriend ng sekretarya ang kapatid niya.
“She’s my broth—I mean sister,” wika. Pati tuloy siya ay nalito kung papaano tatawagin ang kapatid.
“Really?” Tila nanlaking mata nito.
He met Leticia at a friends party. She’s pretty and he knows that from the moment he saw him. She showed interest. Now that he was confused to his feeling, he ask her for a date.
Mabilis naman itong pumayag lalo pa at sa malapit lang pala ang office nito. Maya-maya ay tumayo ito.
Nakamaang siyang tumingin rito na tila nakuha naman ang kaniyang tingin. “Just wanna say hi to Chris and to your sister,” palakaibigang ngiti nito saka tinalunton ang pagitan ng mesa nila.
“Oh, shocks! Paparating ang demonyita,” saad ni Maine ng makitang tumayo ang babaeng kasama ng kuya niya.
“Oh, tanda ko na. Leticia ang pangalan niya,” gilalas din ni Chris na kaya pala tahimik ay kinalkal pa sa utak ang pangalan ng babae.
“Hi Chris long time no see,” matamis na turan nito nang makalapit sa kaniya.
Napatingin muna si Chris sa kaibigan saka sinagot ang bagong dating na babae.
“Oh Leticia, is that you? You look so—” putol na wika ni Chris ng maramdaman ang pag-apak ni Maine sa paa niya. “Long time no see din,” pagtatapos na lamang.
Ngumiti ang babae sa sinabi niya. Saka bumaling kay Maine. “Hi, Dom told me that you’re his sister. Nice to meet you,” nakangiting lahad nito ng kamay.
Nangingiti si Chris. Mukhang hindi nga nakilala ni Leticia si Damian. Hindi pa rin inaabot ni Maine ang kamay nito at nakitang tila nahihiya ang babaeng babawiin sana ito pero agad na kinuha ni Maine.
“Damian Poblete, Dom’s brother but now Maine. Dom’s sister,” matamis na ngiting pakilala nito at nakita ang unti-unting pagdilim ng mukha ng kaharap. Ang kanilang matamis na ngiti ay nawala. “It’s good to see you again Leticia, it’s been five years," wika ni Maine.
Mabilis na binawi ng babae ang kamay nito na inabot kanina. Kita ang pag-iiba ng mukha nito.
“Wait,” tawag pa ni Maine. “I’m telling you now, I don’t like you for my brother. And for sure, you don’t want me to be your sister in law," nakangising turan ni Maine sa papaalis na babae.
Bigla itong bumalik. Napatingin si Chris sa kaibigan ngunit naghihintay lang ito sa gagawin o sasabihin ng babaeng nakitang inis na inis.
Isang pilit na ngiti ang binigay. “What if, Dom’s gonna marry me? You have no choice than to call me, Ate,” parang pang-aasar ni Leticia.
Halos umusok ang bunbunan ng kaibigan kaya agad na inawat ito.
“Relax lang, girls. Kalma," awat sa pagitan ng dalawang babae.
“Is there any problem here?” maawtoridad na boses ni Dominador sa likuran nila.
Tumingin ito sa kaniya. ‘Bakit sa akin ka nakatingin. Wala akong kasalanan,’ inis sa isipan.
“Wala naman, Kuya, nakikipagkumustahan lang kami kay Miss Leticia Gallardo. It’s been a while,” sagot ni Maine sa kapatid na noon ay tumingin kay Leticia na tila kumukuha ng kompirmasyon na wala nang nangyayaring hindi maganda.
“Oh yeah, college classmate ko sila. Matagal rin ang limang taon, akalain ko bang ang daming nabago. Pati kasarian,” hirit nitong parinig.
“Whatever!” bulong ni Maine sa tabi.
“Our food is in the table,” imporma ni Dom sa babae saka salitang tumingin sa kanila ni Maine.
Nang makaalis ang dalawa ay tinignan pa ang mga itong pabalik sa mesa nila. “Grabe, nakakamatay tumingin ang Kuya mo ah,” angil kay Maine.
“s**t! Hindi pwede ito?” gilalas naman ng katabi na hindi yata narinig ang sinabi. “Hindi ako maaaring maging sister in law ang demonyitang babaeng iyon,” inis na wika nito.
“Relax,” awat rito.
“Isa ka pa!” Baling nito sa kaniya na saktong pasubo ng sushi dahilan para mabitin sa ere.
“Ha! Bakit ako nasali,” busangot na wika.
“Kanina ka pa relax ng relax diyan at kung hindi ko pa inapakan ang paa mo ay pupuriin mo pa talaga ang babaeng iyon sa harap ko.” Tila batang nagseselos ito.
Tumawa siya na mas lalong kinainis ng kausap.
“Maine, ang poise," paalala rito.
Mukha namang bumalik ito sa sarili at tumiwid na naupo. “Kung ayaw mo kay Leticia, then set your brother a date sa babaneg gusto mo,” suwesyon dito.
Matagal ang reaksyon nito hanggang sa tumili ito ngunit impit na. “Ang brainy mo doon Ma. Christina falls. You’re right,” tila batang napagbigyan sa gusto.
Kapwa sila napalingon sa mesa ng dalawa at saktong sinubuan pa ni Leticia ang lalaki. Muli ay kapwa nagtinginan.
“Ew! Talaga, may pasubo-subo pa!” gilalas ni Maine na agad na tinawag ang waiter upang magbayad na dahil naalibadbaran na ito sa nakikitang aktuwasyon ng kuya niya at ang babaeng kinaiinisan nito.
Paano ba naman kasi, bukod sa school achievement ay magkatunggali rin ang mga ito sa lalaki. Of course nanalo si Leticia dahil ito ang babae dahilan para mainis ng todo ang kaibigan.
Pagdating sa opisina ay isang matandang lalaki ang tila naghihintay sa kanila.
“Good to see you tito,” bati ni Maine ng makita ito.
“Good to see you too hijo—oppss hija pala," tawa nito dahilan para mapatawa na rin si Maine.
“Ikaw talaga Tito? What brought you here? Wala namang conference ah?” turan ni Maine rito.
“Nothing, just to look around. Bawal ba akong pumunta sa opisina kung walang meeting?” maang nito.
“Ah, hindi naman po. I just wondering,” sabad ni Maine.
“Mukhang wala pa ang brother mo. It’s been past one?” komento nito na batid na may laman iyon.
“Kuya just had his break. In a bit he’ll be back. Have a seat tito,” yakag ni Maine sa panauhin.
Sumenyas na lamang si Chris na papasok na sa opisina ng ama.
Medyo naalibadbaran sila sa tiyuhin ni Maine, mukhang may bad vibes itong dala at biglang bumigat ang pakiramdam. Pagpasok sa opisina ng amo ay mas lalong bumigat ang pakiramdam.
“Oh, napasobra yata kain ko. Naii-ebs ako,” turan sa kinauupuan at hindi mapakali. Tumingin sa orasan at saka mabilis na tumayo. Hindi na niya kaya, kaya mabilis na pumasok sa opisina ng boss at nakigamit ng banyo.
Pagkaupo sa inidoro ay naginhawaan siya. Naparami yata ng sushi na kinain. Nang mailabas ay parang gumaan ang pakiramdam at mabilis na nag-ayos ng sarili. Naghuhugas na siya ng kamay nang marinig ang dalawang tinig na nag-uusap.
“Wala ka bang sekretarya?” tinig ng babae.
“Meron baka kasama pa ng kapatid ko,” usal ng amo.
Maya-maya ay narinig ang halikan ng dalawa.
“Ohhh,” singhap ng babae.
“Holy, Mama,” bulong sa sarili nang mapagtanto ang ginagawa ng dalawang bagong dating. Hindi tuloy alam ang gagawin kung lalabas ba sa banyo o hindi. Amoy pa naman niya ang ebs na nilabas.
“Do you like it?” usal ng boss.
“Ohhh, yes I like it," sagot ng babaeng tila nahuhumaling.
‘Oh, noh!’ hindi mapigilang hiyaw ng isipan. Doon ay naalala ang kaniyang pakay. Sa naririnig ay mukhang lalaki naman ang amo. Sumilip siya sa pintuhan at nakitang naglalaplapan ang dalawa.
“Lalaki nga,” anas sa sarili. Sarap na sarap naman si Leticia sa lampungan nila. Nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya.
Kapwa natigilan ang dalawa sabay tingin sa kaniyang kinaroroonan.
“Chris? What are you doing there?” gulat na gilalas ng amo.
“Sorry, Sir, nakigamit lang ng banyo," aniya sabay bunot ng cellphone sa bulsa. Si Maine iyon. “Hello,” bulong rito.
“Is my brother there? My uncle is coming," anito.
“What? Your uncle is coming?” tila eksaheradang turan para makuha ang pansin ng amo at hindi nga siya nagkamali. “Sir, your uncle is coming," ulit pa rito.
“I heard you,” anito na hindi mapakali.
Natigilan silang tatlo nang marinig ang katok sa pintuhan. Mabilis na lumabas si Chris sa banyo upang tunguhin ang pintuhan. Muling kumatok ang nasa labas.
Hindi malaman ni Dom ang gagawin dahil hindi nito pwedeng makitang may babae sa opisina niya lalo na at hindi doon nagtatrabaho. Wala siyang choice kundi ang papasukin si Leticia sa banyong nilabasan ng sekretarya.
“Ew! Ang baho!” dinig ni Chris na bulalas nito ng ipasok ng kaniyang amo sa banyo.
‘Nakikiamoy ka lang kaya huwag ka nang magreklamo. May mabango bang ebak,’ ngisi niya.
Muling kumatok ang nasa labas.
“Open the door Chris," utos ng amo na noon ay nakaupo na sa mesa nito.
Mabilis na pinagbuksan ang nakatok at kunot noo itong nakatingin sa kaniya.
‘Makatingin itong matandang ito eh,’ aniya sa sarili. Iba talaga ang pakiramdam niya, akala niya kanina dahil naii-ebs lang siya. Iyon pala ay iba lang talaga ang pakiramdam rito. Mukhang napamanahan din siya ng tiyahin ng powers este kakayahan nitong kumilatis ng tao.
Nagtuloy ito sa harap ng amo. Agad na sumunod.
“Sir, do you want some coffee?” Offer sa bagong dating na muling tumingin sa kaniya na tila may ibang iniisip. Mukhang pinag-iisipan pa sila ng masama ng ama dahil natagalan silang pagbuksan ito.
“Yes please,” turan saka bumaling sa boss.
“What brought you here uncle?” tanong ni Dom sa tiyuhin.
Tumawa ito. “Well, just wanna look around. Sa tuwing may meeting na lang kasi ako nakakadalo at nakakapunta rito. By the way, pauwi ang pinsan mo. He’s getting married, ikaw kailan?” tanong nito na tila nang-uuyam.
Napabuntong-hininga si Dom, hindi alam kung ano ang pakay doon ng tiyuhin. Kung naroroon lang ba para sabihan siyang kailangan na rin niyang magpakasal o may iba pa. Tumingin ito sa nasa mesa niya. Iyon ang inihahandang presentation para sa susunod na conference meeting nila. They lost one client at kailangan niyang makahanap ng ipapalit bago ang conference.
“Kape niyo po, Sir,” lapag ni Chris sa kape.
“Thank you,” anito at akmang sisibat na si Chris nang magsalita ang matanda.
“Bakla ka ba?” tanong nito.
Napatigil si Chris at napatigin sa amo na pormal ang mukha.
Napatawa siya. “Grabe sir, galing mong magpatawa. Bakla agad. Lalaki po ako,” mabilis na sagot.
Tumawa ang matanda at pagbaling sa amo ay nakitang naiiling ito.
‘Matandang ito, bakla talaga?’ aniya sa isipan.