Agad na napatigil si Dom saka tumitig ng matiim sa kaniyang sekretarya. "Talaga bang sinasagad mo ang pasensiya ko, Miss Suarez?" turan upang pagtakpan ang pagkapahiya. "Hindi po, Sir," agad na tugon ni Chris. Mabilis na tumayo ng tuwid si Chris at hindi napaghandaang nasa likod lang pala niya si Ferdinand na nakatunghay sa kaniya dahilan upang mag-umpugan ang ulo nila. "Aray ko! Bakit ka nandiyan?" hawak sa ulong baling dito na hawak din ang mukha niya. "Hmmmm!" tikhim sa may pintuhan ang bumasag sa kanilang tatlo. Bumalik pa ang tiyuhin ni Dom at matamang nakatingin sa kanilang tatlo. "What's happening here?" tanong nito ng lahat sila ay nakahawak sa kani-kanilang ulo. "Ano 'to, love triangle?" maang nito. "Nooooo!" sabayang sabad nina Chris at Dom habang si Ferdinand ay tahimik laman