"Miss Suarez, can you make me coffee," utos na lamang rito. Napangiti si Chris. "Sure, Sir. Strong o mild?" tanong rito. Doon ay nagtaas ito ng tingin. "Mild," anito at saka bumalik sa pagkakayuko nito. "Hot or warm?" tanong ulit. "Miss Suarez, ipagtitimpla mo ba ako ng kape o sisisantehin na talaga kita?" gagad rito. "Sabi ko nga, Sir. Ipagtitimpla na kita ng mild but hot coffee," aniya rito saka lumabas. Mabilis na tinungo ang pantry. Pasipol-sipol pa siya habang nagtitimpla nang makita ang dalawang lalaki na nag-uusap sa hindi kalayuan. Masyado siyang naintriga dahil nagbubulungan ang mga ito. Parang naghahalikan sa anggulong kinaroroonan. "I told you! Kailangan na nating makakuha ng video!" giit ng isang boses. "Pero hindi pa ako handa!" giit naman ng isa. "Hindi ka handa o