"S—sir?!" malakas na sabad sa sinabing iyon ng boss. Natakot talaga siya, hindi sa boses nito kundi sa isiping mawawalan siya ng trabaho. Hindi pa man siya sumasahod ay mawawalan na siya ng trabaho. Ayaw na niyang bumalik sa bangketa. Ngayon pang nagugustuhan na niya sa de aircon na opisina ng boss tapos na papalayas siya ng wala sa oras. "Sorry Sir, hindi ko po sinasadya," awat rito na binalikan ito. Sapo pa rin nito ang ulo. Halos umikot ang paningin ni Dom nang tumama ang pintuhan sa kaniyang noo. Kinapa niya iyon ay mas lalong nainis ng makapa ang bukol. "Sir, bakit naman kasi kayo sumunod agad," hirit pang turan ng kaniyang sekretarya. "Kasalanan ko pa ngayon! Bakit ka kasi nambabalibag ng pintuhan. Sh*t! Ang sakit," gilalas ni Dom. "Kuya, okay ka lang ba? Masakit ba?" tinig ng k