Pagdating ni Dom sa restaurant ay agad na bumungad sa kaniya ang magandang babae. Hindi talaga makapaniwala na ito na ang dating kaibigan. Tinalunton ang kinaroroonan nito at saktong nagtaas ito ng tingin ng matapat siya rito.
Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito.
"Dom?"
"Nathaniel?"
Tumawa ito sa pangalang binigkas niya.
"Call me Athena," wika nito.
Gusto niya sanang magbunghalit sa tawa pero baka hindi na ito ang dating kaibigan.
"Wow! You look so great," papuri saad rito.
"Thanks. Upo ka." Mahinhin nitong kilos.
Hindi niya lubos akalain na bakla pala ito. Wala kasing indikasyong napansin noong high school sila.
"How are you?" simula nito.
Napapitlag siya dahil nabigla siya. Masyadong natuon ang pansin sa pag-aaral sa mukha nito.
"I'm good. I am just wondering how? Hindi ko nahalata noon?" hindi makapaniwalang turan dito.
Ngumiti ito. Maging pagngiti nito ay mahinhin.
"Well, medyo may nararamdaman na ko noon pero pinilit kong iwaksi. Alam mo na, hindi ko pa masyadong tanggap ang sarili ko. Then noong mag-college ako at napunta kami ng Baguio ay doon na tuluyang lumadlad ang kapa ko," nakangiting saad.
"Wow!" aniya sabay usisa sa makinis nitong mukha.
"I heard, Damian did his transformation?" anito patungkol sa kapatid na naging transwoman na. Noong una ay tutol na tutol siya pero ayaw niya namang makitang palagi itong malungkot lalo na nang mamatay ang mga magulang nila.
"Yeah."
"Kaya nga pinag-iipunan ko rin. Gusto ko ng tutal transformation. Ang boses ko at itong legs ko. I'm under-medications para lumiit pero I want to be firm and proportion. Lalo na itong boses ko. Diyahe naman 'di ba? Ang ganda kong tignan tapos boses lalaki."
Tawa nito pero wala namang lumabas na tunog. Marahil ayaw niya lang makatawag ng pansin.
Sa pagkikita nilang iyon ng dating kaibigan ay muli siyang nalito.
Hinawakan nito ang kaniyang palad at napigtad siya.
"Are you okay?" nabahalang tanong nito.
"Yes I'm good. Medyo nabigla lang ako," turan dito.
"Oh, yeah, um-order na nga pala ako ng pagkain kanina."
Nang ilapag ng waiter ang pagkaing in-order nito.
"Thank you," sabayang pasalamat sa waiter.
Nagsimula silang kumain ng magsimula rin itong ilahad ang dahilan kung bakit nakipagkita ito.
"Natanggap mo naman siguro ang email ko kaya nandidito ka?" untag nito.
"Yes. About the reunion?"
"Yeah, ako kasi ang inatasan nila to do the invitation at dahil naririto ako sa malapit ay sinabihan na kita para naman makita kita. It's been 14 or 15 years. Tagal na noon."
"Oo nga eh, ang dami nang nagbago. Ikaw? Nagbago na," pasaring rito na kinatawa naman nito.
"We have too, kung gusto mong sumaya," wika nito. Salitang tagos yata hanggang sa kaloob-looban ng buto niya.
"Hey, Dom, bring your girlfriend if you have," untag pa nito.
"Ha?"
Tumawa ito. "Sabi ko dalhin mo girlfriend mo sa reunion para naman makilala namin."
Napailing siya. Wala naman siyang girlfriend. Ewan ba niya kung bakit ilag siya sa babae. He used to date several women pero lately, nang magbalik ang kapatid na si Damian na ngayon ay Maine ay tila nawalan siya ng gana. Idagdag pang akitin siya ng kaniyang sekretarya at hindi pa nakontento ay naghubad pa talaga ito. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang palayasin ito, ora mismo.
"Don't tell me wala kang girlfriend. Sa guwapo mong iyan at sa ganda ng career mo. Tiyak na nakapila ang mga babae," hagikgik nitong sambit.
"Anyways, darating ang ex mo," turan pa nito na kinakunot ng noo niya.
"Si Kendra?"
"Mismo!"
"'Di ba nakapag-asawa ng Amerikano?" hindi mapigilang bulalas.
"Oy, updated?" ang biro nito.
Kapwa sila natahimik. Naalala niya ang college ex na si Kendra. They used to play in bed. Both open at that time about s*x, iyon 'yong panahong hindi pa siya nalilito.
"Hoy!" untag ni Athena sa kaniya. "Grabe, binanggit ko lang pangalan ng ex mo natulala ka naman. May naaalala ka noh?" tudyo nito.
Nailing siya.
"That's why I told you to bring your girlfriend. Para 'di ka naman alangan dahil tiyak na tutuksuin ka ng barkada kapag pumunta ka kang mag-isa," paalala nito. "Unless you want me to be your partner. Crush pa naman kita noon pa." Tawa nito.
Dahilan para mapatawa rin siya.
"Don't worry. I'll bring her," sagot na lamang para matapos na kahit wala naman siyang girlfriend.
Tama ito. Sa lakas ba namang mang-asar ang barkada nila ay tiyak na siya ang pagti-trip-an ng mga ito. Napapaisip tuloy siya kung sino ang dadalhin niya. Hindi naman pwede si Maine dahil kilala ng mga ito. Hanggang sumingit sa isipan ang bagong sekretary dahilan para mapangiti.
"Aheeeemmmmm. Mukhang may nagpapangiti ah," untag nito.
"May naalala lang ako."
"Mukha nga," sabad nito. "Let's go, may dadaanan pa kasi ako." Paalam nito.
Imbes na tawagin ang waiter upang magbayad ay lumapit na lamang sila sa counter. Saka nilisan ang restaurant na iyon.
"Ahhhhhhhh!" malakas na tili sa may pintuhan ng bahay nila Chris. Nabigla pa siya sa lakas noon. "My goodness, why you're so gwapo today, my pamangkin." turan ng binabaeng tiyuhin.
"Oh, Bonifacio, nandiyan ka na pala?"
gagad ng tiyahing kalalabas lang ng silid nito galing sa pagtitinda sa bangketa.
"Si Ate talaga, 'di ba pwedeng Bonie na lang?" arteng hirit ng tiyuhin.
Agad itong binatukan ng tiyahin.
"Kaya ganiyan ang pamangkin mo dahil nagmana sa'yo."
"Koreksyunal imburnal. Ako ba ang magulang niya? Ako ba ang nagsabing magiging tomboy siya? In scientific explanati—" putol ng tiyuhin nang muling batukan ng tiyahin.
"Nangatwiran ka pa! May pa-sayantipic-sayantipic ka pa!" gilalas nito saka bumaling sa kaniya. "So, kumusta ang lakad mo? Sure na ba ang trabaho na iyan Christina?"
Ngumiti siya rito.
"Opo, Tiyang. Magsisimula na ako bukas kaya nga ito ay inaayos ko na ang requirements ko," masiglang tugon.
"Aba, mainam naman at makakatulong ka na dito sa bahay."
Mula kasi ng mamatay ang ina sa pagsilang sa kaniya ay ang tiyahin at tiyuhing bading na lamang ang nagpalaki sa kaniya. Ang pagtitinda nito sa bangketa at pagtatrabaho ng tiyuhin sa maliit na parlor ang nagpaaral sa kaniya.
"Yes sa unang sahod ko ay ipapasyal ko kayo," sabad sa mga ito.
"Naks naman. Bet ko iyan pamangkin. Go lang nang go! Eh saan ba ang trabaho mo?" maya-maya ay usisa nito.
"Diyan lang sa may Sucat, Tita. Sa isang advertising company."
"Naks, big time na talaga ang pamangkin ko. Sa ano ulit?" tanong.
"Tita naman eh," kamot sa ulo.
"Oh siya, maliligo muna ako dahil maraming customer maghapon," wika nito sabay tayo ay kumending patungo sa maliit nitong silid.
"Ikaw naman, Christina, kung tapos ka na riyan? Aba, bilisan mo at tulungan mo ako rito at makakain na tayo," sigaw ng tiyahin mula sa kusina nila. Agad na inayos ang lahat ng papeles niya. Saka pumasok sa silid upang magpalit.
Masaya siya dahil sa wakas ay maayos na siyang trabaho. Napangiwi nga lamang siya ng maalala ang mukha ni Dominador.
"Grabe, lalaking-lalaki ang pangalan ah, Dominador," ulit niya habang nagbibihis.
"Oy! Ang pamangkin ko. Mukhang lalaki na ang gusto," mapanudyong tinig buhat sa kabilang kuwarto.
Napasapo siya ng ulo. Narinig pala ng Tita Bonie niya ang sinabi.
"Hindi ah, pangalan ng big boss ng kompaniya!" balik turan dito.
"Naks, magpakababae ka na kaya, Chris. Tapos siluin mo para naman yumaman na tayo. Tatanda na yata akong nag-uunat na lang ng buhok eh," saad nito.
"Si Tita naman, gawin pa akong p****k!" angal dito.
"Pupukpukin talaga kita kung hindi mo bibilisan diyan!" bungad ng tiyahin sa may pintuhan.
"Opo, Tiyang. Nandiyan na!" agad na wika.
"Ate, huwag kang masyado. Baka ma-high blood ka. Sige ka, wala pa kaming pampalibing sa'yo," bara pa ng tiyuhin sa kabilang silid. Dahil sa manipis na plywood lang ang naghihiwalay sa silid ay dinig na dinig pa rin iyon.
"Magtigil ka, Bonifacio. Baka sa payat mong iyan. Mauuna ka pang maunat sa kabaong kaysa sa akin," sikmat na turan nito.
"Ahhhhh!" tili ng tiyuhin sa sinabi ng tiyahin. "Knock the wall," anito sabay katok na halos gigibahin ang bahay nila.
Napailing na lamang si Chris. Sanay na siya sa laging bangayan ng magkapatid pero kahit ganito ang mga ito ay masaya na siya. Ang tiyahing si Lourdes ay hindi na nakapag-asawa habang ang tiyuhing si Bonifacio ay dakilang bakla at hanggang ngayon ay walang mahanap na lalaking magmamahal sa kanya.
Agad na lumabas ay tinulungan ang tiyahin.
"Linisan mo ang isda at ipaksiw mo. Nakasaing at naigisa ko na ang sayote para may gulay. Mag-aayos ako ng ibebenta ko bukas. Miyerkules kaya tiyak na maraming tao."
"Okay po, Tiyang," masiglang turan saka agad na sinunod ito.
"Saglit!" Mabilis na napatigil.
"Bakit po, Tiyang?" agad na tanong rito.
"Eh, iyong bago mong trabaho. Magkano naman ang sahod mo?" ngising tanong nito.
Napakamot siya. Nakalimutan nga niyang tanungin. Masyado siyang excited. Ayaw niyang mainis ng tiyahin kaya nag-isip na lamang siya.
"Nasa kinse mil po yata, Tiyang."
Nakitang nanlaki ang mata nito. "Sige! Sige! Basta kapag nasahod ka na. Ikaw na magbabayad ng tubig, kuryente, internet—"
"Teka. May internet ba tayo?" maang na tanong sa tiyahin. Cellphone nga de alog o de p****k. Magkaka-internet pa sila.
"Coming soon, kapag maayos ka na sa work mo. Balak ko kasing e-extend ang business ko online. Iyong katabi nating si Mareng Rosa. Aba, may ganoon na," palatak na wika nito.
Napasapo na lamang ng ulo. Gusto pang makiuso ang tiyahin. At sino naman kaya ang bibili ng tindang agimat at pamparegla nito online.