Kinabukasan ay maagang gumayak si Chris. Halos hindi nakusot ang inalmerol niyang polo shirt na tinernuhan ng slacks na itim at itim na leather shoes.
Mabilis na humarap sa salamin at nagpahid ng gel sa buhok at tinaas pa iyon. Sabay kindat sa sarili.
"Ang guwapo ko talaga!" yabang na wika habang nakatitig sa salamin.
"Aba! Mukhang maganda ang work na papasukan mo ah. Pormang-porma ka eh," sita ng tiyahin.
Matamis ang ngiting pinukol rito.
"Naku! Sinabi mo pa, Tiyang. It's worth to wait," maganang wika.
"Oh siya. Good luck at sana hindi ka umuwing luhaan," wika nito habang inihanda ang dadalhin nitong tinda.
"Good luck talaga sa akin!" bulong pa sa sarili saka kinuha ang inihandang resume at ilang papeles sa kaniyang bag pack.
Agad namang natunton ang sinabing address ni Maine. Pagbaba pa lang ng dyip ay napatingala siya sa tayog ng building na sinabi ng kaibigan.
"Poblete Building," basa sa nakasulat sa harapan nito. Mukhang tama naman ang building na tinitignan. Mas lalong lumuwag ang ngiti sa mabilis na tinungo ang entrance.
"Saan po ang punta natin, Sir?" tanong ng security guard.
"Ah mag-aapply kasi ako, Manong," turan dito.
"Ay! Grabeng bata 'to oh! Tomboy ka pala?" 'Di mapigilang gilalas nito nang marinig ang kaniyang boses.
"Grabe ka naman, Manong." Kamot sa ulo niya.
"Oh, sa sekretary ba ni Sir Dom? Sa second floor. Ito ang numero mo." Bigay ng queue number. Pagtingin doon ay nanlaki ang mata ng ika 149 siya. Napasapo siya ng ulo ng wala sa oras.
Iisang posisyon pero sa dami nilang mag-aapply eh baka hindi pa siya ang mapili.
Agad na kinuntak si Maine.
"Hello, this is Maine—."
"I know! Nasaan ka?" maawtoridad na turan.
"Ay, galit lang 'te. Nandito sa building namin. You, where are you? Ang tagal-tagal mo. Ang dami ng nakapila," arteng wika nito.
"Nandito na rin sa building niyo at nandito sa dulo ng pila. Hindi mo naman ako in-inform na pahabaan ng pila ito?" gilalas na turan.
"Oh, sorry na, Maria Christina falls. Hindi rin kasi ako in-inform ng HR na ilalagay ang photo ni Sir este Kuya sabay sabing wanted secretary for a handsome big boss. Ayan, hindi lang pahabaan. Paseksihan pa!" Tawa nito.
"What the hell is happening?" gagad ni Dom nang makapasok sa building nila.
"Ah, Sir, pila po ng mag-aapply for your secretary," turan ng kaniyang HR head.
"Whaaaaaat?!" dumadagundong na boses ni Dom dahilan para mapalingon ang mga babaeng tila rarampa.
"Ah, Kuya! Baka naman pwedeng ibaba mo ang boses mo. Para kasing magigiba ang building natin," awat ni Maine sa Kuya niya. Ang aga eh, mukhang Biyernes santo ang mukha.
"Isa ka pa!" Baling sa kaniya.
"Hello! Bakit ako? Teka lang, ang ganda kaya. See? Para silang modelo. Let's start." Ngiting baling sa HR head.
Nakitang nailing ang Kuya niya saka tinungo ang opisina nito.
"Hey, Kuya. Ayaw mo bang mag-screen ng new secretary mo. Baka matulad sa una?" Pahabol rito.
"I will leave it to you. You know what I need. No hassle!" diin sa huling dalawang salita.
"Sure, my big bro. I'll give you someone that has no hassle." Ngisi ni Maine nang biglang mag-ring ang cellphone at speaking of Maria Christina. She's calling her.
"So, nandito ka na?"
"Yes. At the end! At the end!"
"I know! Ulit-ulitin mo ba naman. Okay, see you later," saad niya. Mukhang banas ito pero ikanga nila. Sa hinaba-haba ng pila. Ang huli pa rin ang panalo.
Napapansin niya kasing tila may tinatago ang Kuya niya at minsan ay nakatitig sa lalaking empleyado nito. Magdadalawang buwan pa lang siya mula nang makabalik galing Thailand dahil doon nagpalit ng katauhan. From Damian to Maine.
"Next!" tawag sa babaeng seksi. Sumenyas na umikot ito at umikot din naman. "Perfect!" malakas na turan. 'Uto-uto,' pilyang wika ng isipan. Saka sinenyasang ilapag ang resume nito.
"Okay. We'll call you in three days after reviewing your CV. Next.!" tawag ulit niya. Kagaya ng sinundan nito ay wala ring itulak-kabigin dito.
Bagot na bagot na si Chris at nagugutom na pero kasing bagal yata ng usad sa EDSA ang pila. Mas lalong nanlaki ang mata ng makitang mag-aalas dose na at tatlo na lamang silang natira.
"No! No! Don't tell me, break time pa!" banas na wika. Nang maya-maya ay lumabas sa isang pintuhan si Maine at ngumiti ito ng ubod tamis sa kaniya.
Ngingiti rin sana siya ngunit umangal na ang alaga sa tiyan dahilan para magtawanan ang dalawang kasamang natira.
"Next!" tawag ni Maine. Napangiti siya dahil mukhang ito ang mag-iinterview sa kanila.
Mabilis na natapos ang dalawa at siya na ang huli.
"Grabe, ginutom ako sa haba ng pila," bulong dito.
"You're in!" saad nito.
"Ha?"
"You're hired. Ikaw, ikaw ang kailangan ng Kuya ko," may kalakasang wika nito.
Agad na napakunot-noo si Chris dahil hindi makuha ang ibig sabihin ni Maine.
"Hindi ka naman siguro masyadong chismosa. Hindi rin mang-aakit at mas lalong hindi maghuhubad sa harap ng boss!" matatas at malakas na wika.
Halos malaglag ang panga sa sahig sa pinagsasabi nito. Nang biglang lumabas ang lalaki sa pintuhang nilabasan kanina ni Maine.
Matangkad, matipuno, guwapo at respetado. Sa suot nitong three piece suit. Agad na nagtama ang kanilang mga mata. 'Oh! Bakit ganiyan ka makatingin. Alam ko, mas guwapo ako sa'yo. Gago!' aniya sa isipan.
Tumayo si Maine at lumapit sa Kuya nito. "Kuya, she's your new secretary. Hindi ka na lalandiin at lalong walang maghuhubad sa harapan mo dahil hindi kayo talo." Hagikgik ni Maine.
Nakitang pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Okay," pormal na wika nito.
Kumindat si Maine sa kaniya.
Nang maya-maya ay umalis ang kapatid nito.
"Hey, Kuya. Saan ka pupunta?" H
habol na tanong ni Maine.
"I have a lunch meeting? Why?" anito.
"Taray?" usal niya.
"See?" turan naman ni Maine. "Kaya ko siya gustong bantayan para malaman ko ang galaw niya. Iyong sekretary niya. She tried to seduce him pero walang epek. Ayon tuloy napalayas. Kaya—"
"Kaya naisip mong baka katulad mo siya?" gilalas na pagtatapos.
"Exactly! At ayaw kong mangyari iyon," tila maiiyak na wika nito.
"Bakit? Dahil may magiging kaagaw ka na sa lalaki?"
Agad siyang binatukan nito.
"No! Maria Christina, imagine if pareho kaming bakla. I mean, pusong babae eh 'di wala nang magtutuloy sa lahi namin. Kahit man lang makapag-anak si Kuya bago magladlad," gagad nito.
Agad ding binatukan ito.
"'Di dapat bago mo pinutol ay nag-anak ka muna!"
"Iyon na nga eh. 'Di ko naisip, kaya ngayon pa lang ay aagapan ko na si Kuya," wika nito.
"So, ang gagawin ko lang ay bantayan ito. Ganoon ba?" tanong rito.
"Yes."
Muling tumunog ang kaniyang tiyan dahilan para magtawanan sila.
"Okay, fine. Libre ko na," agad na wika ni Maine dahilan para mas lalong lumawak ang pagkakangiti.
"Dapat lang."
Agad nilang tinungo ang malapit na restaurant at ganoon na lamang ang gulat ng makita nila ang kapatid nito roon na may kausap na magandang babae.
"Mukhang may tinatago nga. Mukhang may syota," parinig kay Maine.
Agad silang humanap ng pwesto na hindi masyadong mahahalata ng dalawa. Pinagmasdan ang bawat galaw ng mga ito, nang muling tumunog ang tiyan niya.
"Grabe! Anaconda yata ang laman ng tiyan mo. Kanina pa naangal."
Mabilis nitong tinawag ang isang waiter at umorder. Matapos nilang ibigay ang order ay makitang nagtatawanan ang dalawa.
"Sa tingin mo, nagkamali lang ako ng pang-amoy?" bulong ni Maine.
"Malay ko! Ako, iisa lang naaamoy ko ngayon. Pagkain." Ngisi rito. "Mukhang ang sarap-sarap dito. Iba kapag may mayamang kasama."
"Loka! May bayad ito, kapag sumahod ka na!" wika.
Saka muling binalingan ang dalawa ngunit wala na sa kinauupuhan ng mga ito.
Agad silang nagtinginan.
"Anong ngiti iyan?" untag ni Maine.
"Mukha namang maloko ang Kuya mo ah."
"Well, mas mainam na iyon kaysa naman maging beki. Putol ang henerasyon kapag nagkataon." Tawa nito saka mabilis na nilantakan ang kalalapag pa lamang na pagkain sa mesa nila.
Magana silang kumain nang biglang masipat ang pares na papalabas. Halos mabulunan si Maine nang makitang ang inaakalang babaeng ka-date ng Kuya nito ay isa palang ka-federasyon.
"Ayos ka lang ba?" agad na tanong rito.
"What is that?" gilalas matapos lunukin ang sinubong pagkain.
"Malay ko. Baka bakla ang tipo. At least hindi siya bakla," turan naman.
"Girl, ganoon din iyon. Siya man o hindi ang bakla. Kapag iyon ang nakatuluyan ay tiyak na wala ring magiging anak. Kagaya ko lang din siya na walang matris!" bulalas nito.
"Oh, relax. Teka lang, bakit mo ako tinawag na girl?" maang na turan na tila naalibadbaran.
"Anong gusto mong itawag ko sa'yo, Tomboy ganoon?"
"Grabe?"
"See?"
"Ikaw, ano itatawag ko sa'yo? Sir?" balik-saad rito.
"May, Sir bang maganda?" anito sabay taas ng mga kilay nito.
"Oo na, ikaw na ang maganda," aniya. "Libre mo eh." Hirit pa na kinatawa nilang dalawa.
"Basta, be alert. Kailangang malaman natin kung may tinagago ba si Kuya."
"Sure! Mukhang hindi lang sekretary ang trabaho ko nito. Maging undercover agent." Tawang wika sabay subo. "Ang sarap talaga 'pag libre." Palatak pa at muli ay naging magana sila.
Well, sana nga ay hindi gumaya ang boss sa kapatid nito kung hindi ay manganganib talaga ang lahi. Sayang, guwapo pa naman.