Chapter 7:

1682 Words
Pagkabalik ni Chris sa kaniyang mesa ay sumilip pa siya sa pintuhang salamin. Iba talaga ang nararamdaman sa matandang panauhin ng boss. Base sa ekspresyon ng mga ito ay mukhang may tensyon sa pagitan ng dalawa. Naalala ang babae sa banyo dahilan para mapangisi siya. "Sarap na sarap ka pa sa halik ah," aniya sa kawalan. Mukha namang wala silang problema sa boss. Positive na lalaki ito dahil nagagawa namang makipaglaplapan kay Leticia. "Tito, if you came here para pagsabihan ako kung ano ang gagawin ko sa kompaniyang ito ay amkakaalis na kayo!" malakas na tinig ng boss. Mukhang galit na galit na ito sa tiyuhing nakangisi pa. "Don't be too rude!" anito sa kaniya. "I'm doing my best to respect you Tito, but you provoke me!" pigil na turan dahil baka hindi matantiya ito. Nakitang tumayo ang tiyuhin. Batid niya namang noon pa man ay gusto na nitong angkinin ang kompaniyang iniwan ng magulang sa kaniya. Alam niya lang ay may 10% itong shares sa kompaniya nila habang ang magulang ay 60% at ang natitira ay sa limang kasosyo nila. "Huwag kang masyadong mapangmataas," anito na matalim na tumitig sa kaniya. "Hindi ako ganoon Tito, ang ugali ko ay depende sa taong kaharap ko!" wika saka sinalubong ang matatalim nitong titig. Ngumisi ito sa kaniya. "Okay, aalis na ako dahil baka makalimutan mong tiyuhin mo pa rin ako at masuntok mo pa ako!" pasaring na saad nito saka naglakad. Napakuyom ng kamao si Dom sa asta ng tiyuhin. Kung hindi nga lang ito matanda kahit tiyuhin ay kanina pa nasuntok. Higit kaninuman ay sila ang may-ari ng kompaniya. Nang makalabas ang panauhin ay nakitang tumingin pa ito sa kaniyang sekretarya. Saka muling naglakad. "Bye po sir, balik kayo," turan dito pero sa loob-loob kabaliktaran. Hanggang sa may tumili sa loob ng opisina ng boss. Agad siyang napatakbo roon at nakita si Leticia na hindi maipinta ang mukha. "My goodness! Kung alam ko lang naikukulong mo ako ng trenta minuto sa banyong ito ay hindi na ako sumama. It's so stinky! Blaahhhhh!" anito na tila nasusuka. "Ang bahooo!" arteng tili pa nito. Agad siyang napatingin sa mukha ng boss at nakitang nagpipigil ito ng tawa pero nang makita siyang nakatingin dito ay naging pormal ang mukha. "I'm sorry—" putol na alo sana ng boss dito nang magmartsa palabas ng kanilang opisina. Gustong magdiwang ni Chris sa pa-walk out queen ni Leticia. Hindi na poproblemahin ng kaibigan kung magiging sister in law ito. May magandang naidulot rin pala ang pag-ebs. Pabalik na rin sana siya sa kaniyang pwesto nang tawagin siya ng boss. "Chris, can you please look for the air freshener at the toilet cabinet and spray," turan ng boss. Pati yata ito ay nakiamoy na rin. Agad na tumalima upang gawin ang inuutos nito. Saka lumabas papunta sa kaniyang pwesto. Nang muli siyang tawagin ng boss. "Chris," tawag nito. Mabilis na tinungo ang kinaroronan ng amo ag nakitang may inaabot itong papeles. "Can you give this to the graphic head and ask the new graphic designer to come," utos nito sa kaniya na agad namang sinunod. Nang muli na naman siyang tawagin nito. "Chris." "Yes, Sir?" agad na sabad rito. "Just do what I asked you to do and come back," paalala ng boss. Ngumiti siya rito sabay kamot sa ulo. Akala yata ng boss na makikipagtsismisan na naman siya. "Yes, sir. Areglado," turan dito. Naiiling na lang si Dom sa sekretarya. Sabagay, mas mainam na ito kaysa sa iba. Muli ay naalala ang halikan nila ni Leticia. Tila mas lalong naging magulo ang kaniyang damdamin. Noong una ay gusto naman ang halikan nila pero noong nagtatagal ay biglang nandidiri siya. Pipigilan na sana niya ito sa pagkapa sa kaniyang katawan nang bulabugin sila ng malakas na pagtunog ng cellphone ng kaniyang sekretarya. Para siyang nakahinga ng maluwag pero natabunan sa pagdating ng hindi inaasahang bisita. Agad na tinalunton ni Chris ang opisina ng graphic design. Nakita roon ang kaibigang si Maine at nagtatanong nag mga titig nito kaya nilapitan muna ito. "Hey? Anong nangyari?" usisa nito. "Bawal tsismis ngayon," bulong rito. "Bakit?" maang na turan. "Binalaan ako ng kapatid mo. Bibigay ko lang ito kay Wacky este Juaque tapos hihilain ko iyong bagong graphic designer niyo," wika rito. "Bakit?" muling tanong nito sa kaniya. "Aba! Malay ko ba?" sagot naman sa pang-uusisa nito. "Naku! Sabi nang walang tsismis. Oh siya, pupuntahan ko muna si Madam Juaque," ngisi rito. "Madam? Kailan pa naging madam ang tsonggo?" hirit nito. "Bakla ka ng taon!" "Excuse me, transwoman na ako. Ikaw? Ikaw ang tomboy ng taon," halakhak nito dahilan para agad na batukan ito. "Ah—aray! Grabe makabatok ha?" angil nito. "Nakakainis ka kasi. Bahala ka, hindi mo malalaman ang nangyari kay Leticia," aniya saka ngumisi. "Aha! I know that smile, sige na. Splook mo na itey. Anong nangyari sa kaniya?" interesadong tanong nito. Doon ay humakbang na siya papunta sa opisina ni Juaque. "Hoy! Chris, ano? Tell me?" pamimilit nito. Mas lalong lumuwag ang ngiti niya. "Libre mo ulit ako," anya sabay taas kilay rito. "Ay, kalilibre lang kaya kita?" anito na nakabusangot. "Dinner mamaya, doon ko na sasabihin. Alam kong ikatutuwa at ikatatawa mo ang sasabihin ko." Tumalikod at pinihit ang pintuhan ng lalaking pakay. "Ayyy!" matinis na tili nito. Maging siya man ay nagulat sa nabungaran. "O—M—G! Hindi ba uso ang kumatok sa'yo?" tili nitong pilantik ng mga palad. "Ano ba kasing ginagawa mo?" maang na tanong rito. Pawis na pawis ito habang nakaupo sa desk nito. "Ha? Ako? Anong ginagawa ko?" suno-sunod na wika nito na may kasama pang hingal nito. Lumapit siya sa desk nito at nanlalaki ang mga mata. "What?" Taas kilay rito na tila makakita ng multo. "Nothing, anong kailangan mo?" maang na wika nitong napapalunok. Nahihiwagahan na siya sa kaharap. Kakaiba ang kinikilos nito. "May ginagawa ka ba?" tanong na niya rito. "Wala ah!" agad na sabad nito. "Pinapabigay ni Sir Dom," abot sa folder. Hindi ito tumayo kaya napilitan siyang lumapit pa lalo rito. Nakita niyang pagkakataon iyon upang makita ang ginagawa nito. Isip kasi niya ay may itinatago itong lalaki sa ilalim ng desk nito ngunit hindi lalaki ang nakita kundi siyang thermal pants. Sa gilid ay nakita ang isang jumping rope. Napangisi siya rito. Napansin nito ang pagngisi niya. "Well, kailangan kong magbalik alindog. Kakabugin ko iyang si Maine. Tsk!" taray nitong wika. Napatawa siya. Hindi lang pala sa mga babae uso ang salitang insecure. Maging sa binabae rin pala. "Okay, ipagpatuloy mo iyan. Hihiramin ko lang pala iyong bago niyong graphic designer," pagpapaalam pa rito. "Why?" agad na sabad nito na nakataas pa ng kilay na animo'y aagawan. "Grabe maka-why?" panggagaya sa sinabi nito. "Utos ni boss Dom, malay ko ba? Baka gustong makihati," tawang biro rito saka lumabas na. Hinanap ang pakay at agad naman itong nahanap. "Pare, pinapatawag ka ng boss," turan rito. Nakitang tumingin ito sa kaniya ng mula ulo hanggang paa. "Pare, may problema ba?" diga rito. Doon ay ngumiti ito. "Wala naman," anito na may ngiting aso sa labi. Mas lalong nainis sa lalaking kasama. Humakbang pabalik sa opisina ng boss at ramdam namang sumunod ang lalaki sa kaniya. Pagpasok sa opisina nang boss ay pinaalam ditong kasama na niya ang lalaki. "What took you so long?" pormal na tanong nito. Napakamot siya ulit ng batok. "Sir naman, hinanap ko pa kasi ito—" "Never mind. Make us coffee," wika nito kaya agad na tumalima at iniwan ang dalawang lalaki. Nabigla si Dom ng makita ang bago nilang graphic designer. Guwapo ito at matipuno ang katawan. "Pinapatawag niyo raw po ako sir?" maang na tanong nito. Nakatulala lamang si Dom sa guwapong mukha ng lalaking nasa harapan. Hindi malaman kung bakit nawiwili siyang pagmasdan ito. "Sir?" dinig na untag nito. "Ahmmmm! Yes?" agad na bawi. Mukhang nahalata nito ang ginawang pagtitig rito. "Tinatanong ko lang sir kung bakit niyo po ako pinatawag?" magalang na tanong nito. "Oh yes, regarding sa kontrata mo sa kompaniya. Alam mo naman siguro ang rules rito. We give six-month provisions. Then, we will review your performance if you did well. You will be regular. Is it okay with you, Mr. Magallanes?" tanong sa lalaking kausap. Ngumiti ito at lumabas ang magkabilaan nitong biloy. Parang matutunaw ang puso sa ngiting iyon ng lalaki. Pinilit itago ang nararamdaman kilig sa sandaling iyon. Nililito siya kanina sa damdamin pero parang sa pagdating ng lalaking nasa harapan ay tila nakumpirmang may paghanga rin siya sa kapwa niya lalaki. Pabalik na si Chris sa opisina ng boss nang makita sa salaming pintuhan kung papaano hagurin ng boss ang lalaking kaharap nito. Bigla ay kinutuban siya. Gumagana naman ang powers na pinamana ng kaniyang tiyahin. Lalo pa nang nakitang napakagat labi pa ang boss. "Oh noh!" bulong sa sarili. Maging siya ay naloloka na sa amo. Kanina ay sarap na sarap itong nakipaglaplapan kay Leticia. Ngayon naman ay tila nagnanasa sa lalaking kausap at may pakagat labi pa. Napabuntong hininga siya saka mabilis na tinungo ang pintuhan habang hawak ang tray. Nilapag iyon sa desk ng amo saka nagpaalam. Tumingin siya sa amo at sa lalaki. Nakamaang pa ang amo ng sa tray ay may dala rin siyang tubig. "That's mine," aniya sa boss na kumot ng noo. Wala naman siyang balak inumin. May gusto lang siyang malaman gamit ang baso ng tubig na iyon. Ayon kasi sa turo ng tiyahin niya. Mas makikilatis ang tao sa pamamagitan ng pagsaboy rito ng tubig. Kaya umarteng iinom nang biglang nakita ang babaeng papasok sa kinaroroonan nila ay naibuga ang tubig na nasa bibig sa lalaking kausap ng boss. "Chris!" gilalas ng boss. "Oh sorry! Pare, tanggalin mo na lang ang damit mo," utos rito. Agad naman iyong hinubad ng lalaki at sa gilid ng mata ay nakitang titig na titig ang boss sa abs ng lalaki. Ganoon din naman ang panlalaki ng mata ni Maine sa labas ng pintuhang salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD