Malakas na tikhim ang nagpabalik kay Dom sa kaniyang sarili. Hindi niya napigilang titigan ang katawan ng bago nilang graphic artist. "Ahmm!" muling tikhim ng kapatid na naroroon pala.
Agad na tinignan ito. Kita ang pagtataka sa mukha ng kapatid. Hindi tuloy alam kung papaano sasalubungin ang titig nito matapos siyang makitang nakatitig sa matipunong katawan ng kanilang bagong empleyado.
"Mr. Magallenes, hopefully, you're okay with the prepositions I said," baling sa lalaki nasa harapan. Saka bumaling sa kaniyang sekretarya. "And next time Miss Suarez, kung iinom ka. Lunukin mo at hindi kung saan-saan mo ibubuga."
Napalunok si Chris dahil napasama pa yata siya sa pagsunod sa sinabi ng tiyahin pero at least alam niyang epektibo dahil mukhang binabae nga ang kaniyang boss. Nakitang tumayo ang lalaking hubad baro saka nakipagkamay sa kaniyang boss. Nakatingin lang naman ang boss sa kamay nito saka tumingin sa kanila ni Maine.
Saka kinuha ang kamay ng lalaki at pormal na nakipagkamay rito. "Mauuna na po ako," magalang na paalam ng lalaki habang silang tatlo ay naiwang nagtitinginan sa bawat isa.
"What brought you here?" matamang na tanong ng boss sa kapatid nito.
Nakatitig lang si Maine dito habang ang kapatid ay abala sa ilang papeles sa mesa nito at nang mawalang makuhang tugon sa kapatid ay muling nagtaas ng tingin. "I'm asking you?" matigas na wika.
Doon ay siniko ni Chris ang kaibigang nakatulala.
"Ouch! Bakit na naniniko?" angil nito sa kaniya.
"Tinatanong ka ni boss. What brought you here daw?" panggagaya sa sinabi ng boss. Nang makitang bumaling sa kaniya ang boss na tila galit. 'Naku! Lagot ka na naman Chris,' sermon sa sarili.
"Well, nagpunta lang ako dito dahil may itatanong ako kay Chris," pormal ding mukha ni Maine. Mukhang nagalit sa inasta ng kuya nito sa harap ng bago nilang graphic artist. Nagkatitigan pa ang magkapatid bago siya hinila ni Maine.
Nang makalabas sila sa opisina ng kapatid nito ay agad siyang binalingan nito na nakapamaywang. "Ma. Christina," pagbubuo nito sa pangalan niya dahilan para takpan ang tainga.
"Bakit ba Mr. Damian Poblete? Anong problema mo?" balik rito at mas lalo pang nainis ito.
"How many times na sumenyas ako sa'yo? Pagkakataon na sana nating malaman ang katotohanan pero ang slow mo?" gigil nito.
"Ay wow! Anong katotohanan ang gusto mong malaman sa nakita mo? At ako pa ngayon ang slow? Hello, ako lang naman ang nakaisip na bugahan siya ng tubig upang maghubad at makita nating pareho ang reaksyon ng kuya mo. Ako rin ang nagsabi sa'yong pumunta ka para ikaw mismo ang makasaksi. Now, slow pa ba ako sa lagay na iyan?" gigil ding turan rito.
"Nakakainis ka kasi. Kanina pa ako senyas ng senyas na lumayas ka sa harapan nila eh hindi ka nagalaw. Mukhang gusto mong bantayan si kuya?" maya-maya ay hirit nito.
"What?!" gulat na turan dahilan upang ito naman ang mapatakip ng tainga.
"Ewwwww!" tili pa nito dahil pati laway ay tumalsik sa gulat sa sinabi rito. "Kadiri!" dagdag pang diring-diri.
"Diring-diri lang! Paanong nasenyas ka eh, nanlalaki lang naman ang mga mata mo!" gagad sa kaibigan. "Kita mo naman na hindi ba? May padila at pakagat-labi. Alam na this!"
"Nooo!" eksaheradang sambit ng kaibigan.
"Ohhh yes!"
"It can't be!" wika pa nito na tila batang nagmamaktol.
"Why can't be? Hello, ayaw mo noon may sister ka na?" biro rito nang bigla siyang batukan.
"Aray! Grabe, lakas noon ah. Parang Damian na batok!" maktol niya rito.
"Kung magbibiro ka, iyong nakakatawa naman. Hindi iyong nakakabuwisit. Hindi siya mamaring maging katulad ko," wika pa nito.
"Bakit naman hindi? Ikaw nga eh ganiyan. Bakit hindi siya pwede?" maang na turan dito.
Nakitang bumuntong hininga ito saka tumingin sa kaniya. "Well, okay naman kung ganito talaga siya. Pero girl, gusto ko munang magkaroon ng pamangkin bago siya mag-out," anito.
"Girl talaga?" gagad rito. "'Di umpisahan mo nang maghanap ng babaeng ipapain mo sa kuya mo," aniya pa.
Doon ay napatitig ito at nakitang sumilay ang ngiti sa labi nito. Saka sumimangot na tila may naalala. "How about Leticia?" sambit sa kawalan at doon ay napahagalpak siya nang maalala ang eksena kanina.
Nababaghang nakatingin si Maine sa kaniya habang tawang-tawa. Parang nakikinita pa ang hitsura ni Leticia habang nasa loob ng banyo kanina.
"What's so funny?" nakapamaywang nitong tanong na naguguluhan kung bakit siya tawang-tawa.
Pinilit hinamig ang sarili. Sumakit ang tiyan sa katatawa habang ang kaibigan ay naguguluhan pa rin. "Ganito kasi iyon," panimula niya rito at tila nakinig naman ito. "'Di ba pagbalik natin muka sa restaurant ay nabungaran natin Tito mo, medyo bumigat ang tiyan ko kaya nagpunta ako sa opisina namin. Nang nakaramdam akong ka-e-ebs ako. Nang mapansin kong lalabas na ay ginamit ko na ang personal bathroom ng kuya mo. Nasa loob ako nang dumating sila ni Leticia at—"
"What?!" gilalas nitong nanlalaki ang mata.
"Hindi pa tapos! Saglit lang bago ka mag-react," sabad rito.
"Okay fine! What happen? May nangyari ba? Ano? Naghalikan ba? O mas malalim pa roon?" sunod-sunod na tanong nito.
"Huwag na nga? Hindi ka naman nakikinig?" kunwari ay pagtatampo rito.
"Sige na, libre kita bukas." Hawak nito sa balikat niya upang iharap siya rito. Doon ay napangiti siya.
"Okay, basta libre mo bukas. Ayaw ko na nang sushi. Mukhang nasobrahan ako kanina," ngiti pa niya.
"Oo na! Sige na, sploook mo na kasi mga nangyari kanina. Dumating sila ni kuya then?" interesadong-interesado sa kaniyang kuwento.
"Ayon nga, dumating sila at naghalikan—"
"Halikan? Sa labi o sa pisngi?" sabad ulit nito na pinanlakihan niya ng mata. "Ops! Sorry?" wika pa saka bumulong. "Nagustuhan ba ni Kuya?" tanong pa nito. Halos umikot ang mata sa inis sa kaibigan pero dahil manlilibre ito bukas ay nagpigil siya.
"Oo, laplapan sila at dinig ko pa ang ungol ni Leticia—" putol na naman niya nang sumabad na naman ang kaibigan.
"O-M-G! As in, ungol? Like ahhhhh! Hmmmmm! Uhmmmm! Ganoon?" anito na umungol na tila biik.
"Patatapusin mo ba ako o hindi?" napipikang wika na nito.
"Okay! Bilisan mo naman kasi!" wika pa ni na ito pa ang may ganang mainis.
"Okay fine, bibilisan ko. Huwag kang sasabat!" babala rito saka mabilis na tinuloy ang pagkukuwento. "Hayun sarap na sarap na si Leticia sa halik ng kuya mo nang biglang tumunog ang cellphone ko at kapwa sila natigilan saka—"
"That's my call, isn't?" sabad na naman nito na tinitigan na niya ng masama. Doon ay sumenyas itong isasara na ang bibig.
"Yes, that's your call. Kapwa sila nakatingin sa akin nang sagutin ko at sinabi mong papunta ang Tito niyo. Nilakasan kong inulit para marinig ng kuya mo at nataranta. Sa taranta ay mabilis na tinago si Leticia sa banyo kung saan ako nagbawas," aniya saka napatawa.
Walang reaksyon ang kausap at nakakunot-noong nakatingin sa kaniya habang natawa.
"Anong nakakatawa doon?" maang nito.
"Pagkapasok ni Leticia sa banyo ay napatili siya. Ang baho raw kasi ng ebs ko," tawa niya nang biglang humagalpak din si Maine.
Tawanan silang dalawa. "Ito pa, pagkaalis ng Tito ay lumabas si Leticia. Galit na galit dahil tinago ng kuya mo sa banyo na ang baho. Kaya iyon nag-walk out ang lola mo. Sinimot ang amoy ng banyo," aniya saka sila nagtawanan ni Maine.
"Oh my God! Tae lang pala ang magpapalayo sa Leticia na iyan?" turan ni Maine na tawang-tawa pa rin ng mapatigil si Chris dahil nakitang nakapamulsa ang boss na nanonood sa kanila.
"Grabe! Hanep! I can't imagine how Leticia looks like when she's out from the toilet, " saad pa nito na hindi nahalatang natigilan siya. Tawa pa rin ng tawa si Maine kahit pinandidilatan na niya ito ng mata.
"Do you think, that's funny?" tila nang-uusig na mga tingin nito sa kaniya. Napalunok siya sa klase ng tingin niyo sa kaniya. "Kung wala ka nang sasabihin kay Miss Suarez. You may go back to your work," pormal na baling din nito sa kapatid na agad na napatigil sa pagtawa.
Nagkatingin lang sila ni Maine. "Miss Suarez," ulit nito.
"Sir naman?" maktol rito sa pagtawag nito ng Miss Suarez.
"'Di ba sabi ko na ayaw na ayaw kong—" putol nito nang sumabad siya. Alam na niya kasi ang sasabihin nito kaya siya na ang nagtuloy noon.
"Ayaw na ayaw mo ng nakikipagtsismisan. Memorize ko na iyan Sir," sagot rito.
"Alam mo naman pala pero bakit ginagawa mo pa rin?" sabad nito. Napatingin siya kay Maine na nakangisi.
"Hindi naman ako nakikipagtsismisan Sir, nakikipag-usap lang ako," sagot rito na kinainis ng boss.
"Ginagalit mo ba talaga ako Miss Suarez?" maanghang na turan ni Dom. Umiinit ang ulo dahil mukhang natiklo siya ng kapatid kanina at mas lalong nainis dahil sa pagkalitong nararamdaman sa sarili. Idagdag pa ang sekretaryang walang ginawa kundi ang makipagtsismisan sa kapatid. Nagawa pa talaga nitong ikuwento kung gaano kabaho ang tae nito.
"Hindi po Sir, nagsasabi lang po ako ng katotohanan at pawang katotohanan lamang," sagot ni Chris sa boss.
"Ano ang katotohanan doon? Na mas mabaho ang bawas mo kaysa sa imburnal, ganoon ba?" gilalas na wika rito. Napakamot si Chris sa batok sa narinig sa boss nang bulabugin sila ng halakhak ni Maine. Sapo-sapo pa nito ang tiyan sa katatawa. Nang bigla itong mautot.
Kapwa sila nagtingin ng boss na pormal na pormal ang tingin. Gustuhin mang pagtawanan ang kaibigan pero hindi magawa dahil sa kapatid nito.
Natigilan si Maine at bahagyang nahiya. Nang magsalita ang kapatid nito. "Kung uutot ka sa walang tao naman. Ang baho! Baka gusto mo ring magbawas," litanya ng boss saka tumalikod pabalik sa opisina nito. Naiwan sila ni Maine na natitigan saka nagtinginan. Saka humalakhak. Sabay takip sa kanilang mga ilong.
"Baho noon friend. Baka gusto mong sundin ang payo ng kuya mo?" parunggit niya dito.
"Bakit hindi ikaw ang sumunod kay kuya," anito sabay nguso at nakitang nakasilip sa may pintuhan ng opisina ang kapatid nito.
'Patay na naman ako nito,' aniya sa sarili at mabilis na tinungo ang opisina ng boss.