Chapter 9:

1593 Words
Mabilis na tinungo ang opisina ng boss lalo at naroong nakasilip ito. Tila sinisiguradong susunod na siya rito.  "Miss Suarez," tawag nito sa kaniya. "Chris po Sir," pagtatama rito. "Miss Suarez," ulit pa ng boss at nakakunot na lumingon dito.  "Chris nga po Sir," giit rito at nakakunot noo ring lumingon ito sa kaniya. "Y—yes Sir," hintakutang wika. "I told you—"  "Yes I know Sir. Walang tsismis," bara sa pasisimulang sermon ng boss. "Are you kidding me Miss Suarez!" gigil na wika nito. "Yes Sir! Este no Sir. Alam ko naman kasi iyon sir. Ang kapatid mo kasi ang kulit," paninisi kay Maine na pasimuno ng lahat. Napatigil na lamang si Dom at hinamig ang sarili. Hindi nga ito mang-aakit at maghububad sa harapan pero tsismosa naman yata. "Next time Miss Suarez, what happens here, stays here. Maliwanag ba?" saad nito. "Sir naman, hindi naman ako tsismosa ah," kamot niya sa batok.  "Wala akong sinabing tsismosa ka. I'm making it clear, what's happens here, stays here. Proud ka pang ikuwento kung gaano kabaho ang—"  "Sir naman, huwag mo nang ulit-ulitin," bara ulit sa boss.  Napatigil si Dom at natatawa sa hitsura ng kaniyang sekretarya. "Do I make myself clear?" tanong nito. "Yes Sir, you're clear. Beks ka," saad niya sabay tutop sa bibig. "What did you say?" gagad ni Dom dahil hindi masyadong naintindihan ang sinabi ng sekretarya. "Sabi ko, maliwanag po. Maliwanag na maliwanag," nakangisi rito. Doon ay nakitang pumasok ang boss sa salaming pintuhan. "Maliwanag ba?" panggagaya niya rito nang bigla itong lumingon mula sa loob ng salaming pintuhan. Bigla ay napatigil siya saka ngumiti ng matamis rito. Tinungo na lamang ang kaniyang upuan para hindi siya makita nito. Hindi pa man nag-iinit ang puwetan sa upuan ng mag-text si Maine.  Napatapik siya sa noo sa nabasang mensahe nito. Aba! Sinuswerte na yata ito. Hindi lang siya sekretarya, secret agent rin siya tapos paghahanapin pa siya ng babaeng ipapain sa kapatid nito. 'Ano ka sinusuwerte?' aniya sa isipan saka in-ignore ang mensahe ng kaibigan. Inabala ang sarili sa papeles na nasa mesa kahit hindi naman iyon kailangan pa ng boss. Walang limang minuto ay tumunog ang cellphone niya. Hindi pa smart phone kaya ang lakas ng tunog dahil nakalimutan pang i-silent. Agad na sinagot. "Hello!" inis na wika. "Ay galit lang?" patuyang wika ni Maine. "Why you're ignoring me?" tanong pa nito. "Hindi noh! Busy lang ako," kaila rito. "Ano? Kailangan nating maghanap ng babaeng ipapain natin kay kuya," giit nito. Muli siyang napasapo ng ulo. "Pati ba iyan, trabaho ko din?" maang rito. "Of course. Don't worry, kapag nagkapamangkin ako ay may premyo ka sa akin," wika nito. Napangiwi siya. "Ano ako bata? Hoy Damian, hirap din ng pinapagawa mo kaya. Nakakamatay na ang irap ng kuya mo. May kasama pang dumadagundong na boses nito," turan dito nakinatawa pa ng kaibigan. "Buwisit! Bahala ka na nga!" aniya ng akmang papatayin. "Oh siya, magkita tayo mamaya. Dinner, libre ko. May pa-take out pa ako," pang-eengganyo pa nito. Nabitin tuloy sa ere ang daliring pipindot sana sa end button. "Okay fine!" aniya nang magsalita pa ang kaibigan. "Do you think, babalik pa ang Leticia na iyon?" tanong nito.  "Sa baho ng naamoy noon tiyak hindi na babalik. Kung nakita mo lang talaga hitsura kanina. Tiyak—" putol niya ng marinig ang pagtikhim ng boss na nakahalukipkip sa may pintuhan nito habang matiim ang titig sa kaniya. "Tiyak na lagot ako sa kuya mo. Pahamak ka talaga, nandito ang kuya mo at galit na galit na nakatingin sa akin," gilalas kay Maine na noon ay tawa pa ng tawa kaya pinatayan na niya ito. "S—sir?" agad na tayo. Matiim na tumitig si Dom sa sekretarya. Mukhang sinasagad nito ang kaniyang pasensiya. "Sinasagad mo ba talaga ang pasensiya ko Miss Suarez?" inis na tanong rito. Ngumiti si Chris sa boss. "Hindi po boss," sagot rito at mas lalong nagsalubong ang kilay nito.  "I told you, call me Sir," wika nito na pilit hinahamig ang sarili. "Yes, Sir," gagad naman rito. "Miss Suarez, you're here to work right?" tanong pa nito. "Yes! Correct!" aniya na ala Kris Aquino. Mas lalong nangunot ang noo ng boss. "Are you annoying me?" maang na naman nitong tanong. "No Sir, sinasagot lang kita," sabad rito. Kita ang pagtaas baba ng dibdib ng boss na tila kinakalma ang sarili at huwag siya nitong pagalitan. "Make me coffee," anito saka pumasok na sa salaming pintuhan. "Make me coffee," panggagaya ulit rito. Ganoon na lamang ang gulat ng makitang matiim itong nakatingin sa kaniya.  "May sinabi ka ba Miss Suarez?" mariing wika nito. "Nothing Sir, sabi ko nga. I will make you coffee now?" anita saka tinungo ang pantry. Habang hinihintay ang coffee maker ay hindi mapigilang isipin kung sino ang pwedeng ipain sa boss. Hanggang sa pumasok sa isipan ang dati nilang kaklase noon. Pigura pa lang ng katawan ay pang kama na. Tignan lang kung hindi tatayo ang dapat tumayo sa kaniyang boss.  Sa isiping iyon ay napangiti siya saka mabilis na tinungo ang opisina ng boss. "Here is your coffee Sir," masiglang wika rito. Nag-angat ito ng tingin na agad nginitian. 'Oh, bakit ka na naman ganiyan makatingin?' aniya sa isipan ng makitang tumingin ang boss at tila sinusuri pa yata ang mukha niya. "Miss Suarez, siguro naman ay hindi mo ako papatayin sa pait ng kapeng ito," saad nito. Napatawa siya sa birada ng boss. "Don't worry Sir, lalanggamin ka lang sa tamis niyan," banat na biro na kinataas ng kilay ng boss. "Oh noh!" sapo sa mukha. "Okay po sir, sa labas lang ako. Call me if you need something," wika rito saka aalis na nang magsalita ito. "Is my sister asked you to watch over me?" tanong nito na nagpapikit sa kaniya. Hirap pa naman siyang magsinungaling.  "No sir," aniya na hindi lumilingon rito. Napapikit siya. Napamaang si Dom sa nakikitang repleksyon ni Chris sa salaming pintuhan. "Are you sure?" paniniguro pa. Ngumisi ito. "Yes sir," dinig na turan nito. "Are you really kidding me Miss Suarez. I saw your reflections at the glass door," pambubuko rito doon at napatingin sa harapan nito at nakita ang repleksyon. "Now! Tell me, is my sister ask you to watch over me? Kaya palagi kayong magkasama dahil nagre-report ka sa kaniya?" mga akusa nito sa kaniya. Tila walang kawala si Chris sa mga binabato ng boss sa kaniya. "Sir naman, ano naman ire-report ko tungkol sa'yo?" kunwaring wika rito. "Teka, bata ka ba para bantayan ko? Nasabi ko lang naman iyong nangyari kay Leticia, wala naman sigurong masama doon 'di ba?" turan dito at nakita ang bahagya nitong tingin. Nagdidiwang ang kalooban dahil mukhang madali lang namang mauto ang boss. Nang walang narinig buhat sa boss ay lumabas na siya. Mabuti at isang oras na lang ay pa-out na sila. Ilang inat at unat sa kinauupuhan habang hinihintay ang bawat pag-ikot ng orasan at nang ganap na alas singko ay tumayo na siya. Sinilip ang boss at nakitang naghahanda ito. Pinagmasdan ang boss at mukhang normal naman ang kilos nito. "Sayang," usal niya. "Sayang talaga," tinig sa kaniyang likuran. "Ay sayang!" gulat na turan at nabungaran ang nakangising mukha ng kaibigan.  "Oy, mukhang naghihinayang ka kuya," tudyo nito. "Huwag mo akong simulan Maine baka hindi ko tumuloy. May naisip pa naman na akong pwedeng ipalapa sa kuya mo," saad rito. "Ay! Ang sagwa naman ng ipalapa. Pwedeng ihain na lang," anito. Agad na binatukan ito. "Ganoon din iyon. Ginawa mo lang putahe," saad dito.  "Sinech itey?" tanong nito. "Ayaw ko na! Nakakainis ka kasi eh, parang mukha pang gusto mo akong ibuyo sa kuya mo!" busangot rito. "Nagtampo naman agad. Paano iyong pina-reserve ko doon sa gustong-gusto mong kainan. Sayang, plano ko pa naman sanang order-an ka ng bucket of friend chicken for your Tita Bonie and Tiyang Lourdes," wika nito. Halos tumirik ang mata sa ginagawa nitong pang-aakit sa mga gagawin nito.  Wala siyang nagawa kundi hilain ito upang makalabas na sila dahil galit na naman ang hitsura ng kapatid nito. "Kasasabi ko lang Miss Suarez," dumadagundong na boses nito. "Patay na naman ako!" angil niya kay Main. "Sir, bakit hindi itong kaptid mo ang pagsabihan mo," maktol rito. "Ha? Bakit ako?" eksaheradang sabad naman ni Maine. "And wait lang kuya? Bakit ba ang init ng ulo mo? Don't tell me nagseselos ka?" ngising bawi ni Maine dito na kinakunot naman ng noo ni Chris.  'Ano na namang pinagsasabi ng babaitang ito,' aniya sa isipan. "Nagseselos? Saan o kanino? Kay Chris? Hindi ah?" sunod-sunod na turan ng boss sa kapatid nito. Mas lalong tumawa ang kaibigan na agad binatukan. "Aray ko naman, makapangbatok. Mas daig mo pa ang lalaki," salag nito. "Lalaki naman ako ah!" agad na bara dito nang biglang may tumawa sa tabi nila at nagkatinginan sila ni Maine. Doon lang nakitang tumawa ang boss. Napapantastikuhang binalingan nila ito. Napansin naman agad ni Dom ang mga mapanuring tingin ng dalawa sa harapan. Agad na tumigil saka pormal na nagsalita. "That was funny Miss Suarez," pormal na wika nito saka iniwan na ang mga ito.  Muling nagkatinginan sina Chris at Maine habang nakatingin sa lalaking papaalis sa kinaroroonan nila. "What do you think?" bulong ni Maine sa kaniya habang nakatingin sa likod ng kapatid nito. Pormal naman ang lakad nito. Lalaking-lalaki nga eh. "I'm thinking of the food I'm going to order," kalog na english niya rito. Doon ay ito naman ang nambatok sa kaniya.  "Si kuya ang tinatanong ko hindi ang kakainin mo! Basta libre talaga," anito na kinatawa niya. "Of course, well, he's still your brother no matter what. Anong magagawa nating kung lalaki talaga ang tipo. Iyon lang, iyong tipo mo, tipo rin niya." Malakas na tawa niya saka tinungo na ang pintuhan. Nang biglang tumili si Maine.  "O-M-G! Girl, babae ka talaga!" tiling wika nito. Nabaghan siya sa sinabi nito. Napaisip kung napakending ba siya sa paglalakad. "Girl, may extra ka ba?" taas kilay nitong tanong. "Magpapalibre ba ako sa'yo kung may extra ako?" turan nitong nakabusangot. Tumawa ng malakas si Maine.  "Gaga! May tagos ka!" hagalpak nito ng tao na nagpangiwi sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD