Nagpaalam na din si Matteo sa mga pulis na kausap nito. Pero hindi ko pa rin inaalis ang ulo ko sa balikat nito. Hindi pa naman kasi kami nakakalayo sa mga pulis. Natanaw ko agad ang kotse nang lalaki kaya nag-iisip naman ako ngayon, kung papaano makakatakas sa mga kamay nito. "Umalis ka na sa pagkakahanday mo sa balikan ko dahil kanina pa ako naiinitan," asar na wika nito. "Teka lang muna at ako'y nasusuka, 'di ba buntis ako?" baliw na wika ko. "Talaga, buntis ka?" tanong nito. "Oo, buntis ako. Dito ka lang muna susuka lang ako doon, nakakahiya namang dito pa ako magkalat," wika ko at sana'y makalusot ako. Hahakbang na sana ako nang pigilan ako ni Matteo. "Sasamahan na kita dahil walang taga himas ng likod mo," wika nito. "Huwag na kaya ko naman dito ka na lang. Saka mabaho ang su