Halos mawalan nang kulay ang mukha ko dahil sa kanyang sinabi. Ramdam ko rin ang pagdiin nang dulo ng baril niya sa bewang ko. Hindi rin maiiwasan ang pagsayad nang mainit na hininga niya sa aking batok. Naguguluhan ako sa nangyayari sa aking sarili. Natatakot ba ako o hahayaan ko na lamang na magkadikit ang aming mga katawan. Ngunit kailangan kung umiwas sa lalaki. "S-sa anong dahilan at gusto mo akong patayin? Saka sinabi ko lang ang bagay na iyon upang makaligtas ako," katwiran ko rito. "Talaga? Pati ba 'yung sinabi mong maliit..." ay kasama sa iyong plano para makaligtas ka babae?" "Oo. Pero ibang maliit naman ang ibig kung sabihin. Ano ba sa akala mo?" tanong ko. Naningkit lang ang mata nito. Kaya tumawa ako nang malakas, kahit na may namumuong kaba pa rin sa aking dibdib. "Yun