"Ano ka bang bata ka? Paupuin mo nga iyang kaibigan mo," sita ng mom ni Neil sa kanya. Lumabas ito mula sa kusina. Saglit na tumigil si Shawn sa pangungulit nito sa kanya. Mas lalo itong napangiti nang patago na si Neil lang ang nakakakita. "Nako, hijo, pagpasensyahan mo na itong si Neil. Maupo ka muna habang ini-slice ko ang dala mong cake." Iginiya ng mom ni Neil si Shawn sa sofa. "Ano pala pangalan mo, hijo?" tanong nito ng makaupo si Shawn. "Oh I forgot to introduce myself, tita." Shawn scratched the back of his head, softly laughing. "I'm Shawn nga pala, tita." "Kiguwapong pangalan, ijo. Bahay sa 'yo. O siya, maiwan ko muna kayo ni Neil na mag-usap." Lumapit ito kay Neil at bahagya nitong kinurot ang tagiliran ni Neil. "Asikasuhin mo nga nang mabuti iyang kaibigan mo. Bisita pa ri