Part 3
"So, are you excited? Alam mo nakita ko naman ang potential mo kaya't ikaw talaga ang gusto namin doon sa midnight segment," ang wika ni Evelyn na aming head.
"Pwede bang pag isipan? Mam?" tanong ko naman.
Natawa siya, "ano ka ba Vincent, ang opportunity ay hindi pinag iisipan dahil ito ay agad na gina-grab. Ano bang pumipigil sa iyo para hindi subukan? Ang sabi ng mga DJ's dito ay the best ka daw sa bibigay ng advices, bakit hindi iyon ang gamitin mo sa iyong segment? Tiyak kong magiging malaking asset ka dito sa Dreame Romance, darling," ang dagdag pa niya sabay kuha sa kanyang bag. "Oh paano, I have to go, may meeting pa ako with the marketing and promotional team."
Napabuntong hininga na lamang ako noong maiwanang nakaupo sa silya sa kanyang opisina. Ilamg sandali naman ay pumasok si Anna dala ang dalawang tasa ng mainit na tsokolate. "O, uminom ka para mawala ang tensyon sa isipan mo" ang wika nito.
"Tensyon talaga? Ewan, nagdududa lang ako sa sarili ko, kung kaya ko bang gawin ang isang bagay na parang napaka imposibleng gawin," ang wika ko naman.
"You mean yung pagtanggap mo sa segment na pang hating gabi?"
"Oo, kayo na nga mahuhusay ay nahirapang magpa-rating e, ako pa kaya?" tanong ko naman.
"Alam mo my dear, may kanya kanya kasi tayong trip sa buhay, siguro ay hindi lang talaga namin trip na gawin yung midnight segment kaya di kami tumagal doon. Pero ikaw? Napaka-fresh mo tiyak maraming ideas ang papasok sa iyo para mapansin ang segment mo," ang wika naman niya.
"Ideas like what? Sino naman ang manghihingi ng payo sa dis oras ng hating gabi," ang wika ko naman habang napapakamot ng ulo.
"Anyway, itry mo pa rin, kapag wala talaga edi mag play ka ng music. Alam mo kaming mga nasa midnight segment before ay kusang umaalis. Di ka naman iffired ng management kung kaunti ng listeners mo. Basta subukan mo lang at saka na tayo mag isip ng bagong pakulo," ang wika niya at habang nasa ganoong posisyon kami ay pumasok na ang isang staff sa silid. "Miss Annabel happy noon time segment niyo na po," ang wika nito.
"Sige susunod na ako," ang tugon ni Annabel sabay vocalize, "may papa raffle ako ngayon, ang mananalo ay magkakamit ng brand new walkman series at free na cassette tape love song! Battery not included no, bumili sila ng kanila," ang wika nito sabay tapik sa aking balikat.
At iyon nga ang set up, noong maghapon iyon ay pinagdesisyunan ko kung kakagatin ko ang pagiging DJ sa midnight segment. Ang totoo noon ay wala naman talaga ang plano kong maging ganoon pero dahil nandito na nga ako ay bakit hindi ako ay bakit hindi ko kaya igrab ang break na ibinibigay sa akin? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako convincing kaya't ang isip ko ay magulo pa rin.
Karaniwan sa mga midnight DJ sa ibang bansa ay nag pplay lang ng love songs at bumabati sa mga listeners na gising pa o yung mga nakaduty sa mga grave yard. Kailangan kong mag isip ng kakaiba para hindi naman sayang ang aking effort na pag upo doon kung sakali lang na talagang papayag ako. Ito ang mga bagay na gumugulo sa akin habang nakatingin ay Annabel na noon ay bumubula ang bibig sa kadaldalan ON AIR, alive na alive siya ngayon, ibang iba sa mga duty niya doon sa Midnight Segment na halos pati buhok sa kili kili ay nabubunot niya sa sobrang boring nito. Ngayon ay full power siya at tuwang tuwa sa kanyang ginagawa.
"Jasmine, makinig kang mabuti sa tanong ko para manalo ka ng brand new sony walkman 1990 with free classic love songs cassette tape! Eto ang tanong, nagtutuli ka ba? Hahaha joke lang! Sino ang kumanta ng sikat na awitin noong 1983 na ang title ay Almost Over You? (Kumanta pa si Anna) Now I'm almost over you, I almost shook these blues."
"Tina Turner?" ang sagot ng caller.
"Tina Turner is.... Wrong. Dahil ang tamang sagot ay si Sheena Easton. Anyway bumati ka na lang sa mga friends mo dyan," ang wika ni Annabel.
"Hi, binabati ko po lahat ng friends ko sa Don Emiliano National High School at sa crush ko po na si Carla Jane, itong tomboy na to ay patay na patay sa iyo. I love you! Salamat po DJ Anna and salamat po Dreame Romance!" ang wika ng caller.
"Oh say niyo, may pa I love you pa si Jasmie sa kanyang crush na si Carla Jane! At dahil love is in the air, narito ang kantang pinasikat ni Gary Valenciano, Di Bale Na Lang," ang wika nito na feel na feel ang pagbigkas ng kanyang mga salita.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay tumabi sa akin si Krishmar. "Alam ko na, bakit hindi ka na lang magpacontest? O kaya ay magpa raffle sa midnight segment?" tanong niya.
"Hindi pa naman ako nag coconfirm na gagawin ko yung show," ang wika ko naman.
"Ano ka ba tol, sayang iyon. Subukan natin magpamigay ng rafle, question and answer din. Ang mananalo ay magkakaroon ng mga cassette tape ng mga love songs," ang wika nito.
"Mahal ang isang original cassette tape, saan naman tayo kukuha ng budget?" tanong ko naman.
"Naku, no need to buy, mayroon ako 5 doon na bigay ng tito ko from US, original ito ay naka seal pa, mga classic rock at love songs. Tapos mayroon din si Anna bigay naman iyon ni Evelyn kaso doble doble yung tape kaya malamang ipamimigay na lang niya yung mga kadoble nito. Ano tol, try mo, wala naman mawawala," ang pamimilit ni Krishmar.
"Oo nga naman, wala pang nagttry magpa contest sa midnight segment at mayroon pa akong tatlong duplicate ng cassette tape ni Celine Dion doon. Pwede mo iyon ipa premyo," ang excited na wika ni Annabel.
"Subukan natin tol, ang midnight segment ay talaga boring pero alam namin na kayang kaya mo ito," ang wika ni Krishmar habang nakangiti.
At iyon ang set up, dahil sa suporta ng aking mga kaibigan ay ginawa ko ang pinakamahalaga desisyon sa aking karera na tanggapin ang pagiging DJ ng midnight segment na kanila namang ikinatuwa, atleast ay wala ng rotation na magaganap sa mga DJs dahil noong walang nakaupo sa segment na iyon ay napipilitan silang magsalita para magtrabaho sa gabi. Ngayon ay masaya sila dahil nabawasan ang kanilang work loads.
At ang aking napagdesisyunan ay magkaroon ng parafle para sa mga listeners bilang panghatak. Ito ang pinaka the best na paraang naisip namin para mayroong makinig sa akin. Sinabihan ko rin ang ilang mga kaibigan ko na abangan ang aking segment alas 11:30 hanggang 1:00 ng umaga.
"DJ Vincent, DJ Vin? Ano sa palagay mo?" tanong ni Evelyn sa akin.
"Gusto ko yung medyo misteryoso, mas maganda siguro kung Midnight DJ, as simple as that," ang sagot ko naman.
"O sige ikaw si DJ Midnight. Maganda rin at very catchy," ang pagsuporta ng aming head.
KINAGABIHAN..
Dumating ang unang gabi ng aking segment, dito ay sinamahan ako ni Annabel bilang pagsuporta. Kumakabog ang aking dibdib noong mga oras na iyon. Ito ang first time kong magsasalita ON AIR bagamat paminsan minsan ay pinaglalaruan ko ng mikropono ni Anna at nagsasalita ko sa kanyang studio.
"Teka paano ko sisimulan?" bulong ko sa kanya.
"Oh edi bumati ka, 11:45 na pala, after ng love song na iyan ay pwede ka na mag start. Pwedeng "magandang hating gabi, Pilipinas" ganern! O ayan na push! " ang hirit nito sabay tulak sa akin paupo.
Huminga ako ng malalim bago ako magsimula, kinontrol ang aking boses sa mahinahon at mababang tono bagamat ay lambing at pang eenganyo ito. "Magandang hating gabi, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod na si DJ Midnight at ito ang Dreame Radio Romance," ang intro sabay tingin kay Annabel na noon ay nakangiti at kinikilig sa kanyang silya. Pati ang mga staff na kasama ko noong gabing iyon ay nakikinig lang at sinasabi nila na maganda ang registered ng boses ko sa radyo.
At iyon ang simula ng aking segment, binuksan ko ito sa pamamagitan ng pagsasabi na mayroon akong parafle questions sa mga caller na makakasagot ng aking tanong. Habang naghihintay ng caller ay pinatugtog ko muna ang isang opm love song na top sa weekly hit chart.
"May tatawag naman kaya?" tanong ko naman.
"Opkors! Ang ganda ganda ng boses mo sa radyo grabe nakakainlove! I'm sure mayroong tatawag!" ang wika nito at bago matapos ang kanta ay nag-ring na ang telepono kaya naman napalundag kami ni Anna, mabilis akong umupo at sinagot ang tawag.
"Hello DJ, can I make a request?" tanong nito, nagulat ako dahil ang tumawag ay ang kapit bahay namin bilang pagsuporta. Wala naman akong choice kundi ang tanungin siya at pabatiin.
Nagsunod sunod ang mga caller at ang lahat ay mga kakilala ko lang din, mga kaibigan namin ni Anna at ilang mga staff sa umaga. Lahat sila ay nagpakita ng suporta bagamat walang tumawag sa akin na ibang tao, ang ibig kong sabihin ay yung hindi ko kakilala.
Ang ending ay naubos lang ang prizes sa kanilang lahat. Bagamat ginawa ko naman ang best ko para makakuha ng tagapakinig. "Ang daming tumawag ha, 12 callers! Not bad! Winner na winner na to!" ang wika ni Anna noong matapos ang aking segment.
"12 callers at ang lahat ay kakilala natin, yun yung mga taong ininvite natin na makinig diba? Walang tumawag na galing sa ibang lugar," ang wika ko.
"Ano ka ba, first day mo pa lang naman and you really did a good job! Hello nung first day ko nga sa segment na iyan nakapag ahit pa ako ng kilay at binti dahil wala akong caller! Malay bukas mayroon ka ng bagong parokyano! Tomorrow is another day," tugon niya sabay akbay sa akin.
"Pero mga kaibigan at kamag anak rin natin yung callers," ang tugon ko rin.
"Shhh, malay mo bukas iba na diba? Malay mo mas winner!"
Noong mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o madidisappoint pero ang pinakamagandang nangyari sa akin ay ang masasabi kong flawless na pag DDJ ko sa segment. Iyon ang bagay na ikinatutuwa ko, hindi ko akalaing may talent rin pala ako at naririnig pa nila ang boses ko sa radyo. "Ano ka ba wag mong isipin yun, im sure bukas mababago ang lahat," ang wika pa ni Anna.
KINABUKASAN.
Sa pagbubukas ng gabi ng aking segment ay sinubukan ko ulit iparafle yung mga natirang prizes pero ngayon ay dalawa o tatlong kamag anak ko na lang ang tumawag at ang ending ay naluge ako the whole time. Ang tanging nagawa ko lang ay mag play ng music at kunwari ay bumati sa mga nagpapa greet pero ang totoo ay inibento ko lamang ito upang hindi magmukhang tanga. "At happy listening rin sa mga security guards sa kanilang grave yard duty. Love is in the air, kaya ang kanyang ito ang magpapadama sa inyo na ang pag ibig ay nandito lamang. Ito ang kantang pinasikat ni Michael Johnson, I'll always love you.
Habang tumutugtog ang love song ay tumayo muna ako para magtimpla ng kape. Hindi ko maiwasang malungkot, ewan, nag iisip ako kung paano ko pagagandahin ang aking segment at kung paano ako tatangkilikin ng taga subaybay, at kung iisipin ko ang oras ay talagang limitado na lang ang nakikinig ng radyo sa ganitong mga oras.
Noong mga sandaling iyon ay napabuntong hininga na lang ako at pinagmasdan ko ang studio. Wala akong kamalay malay na ang pinasok ko ay isang nakaka challenge na bagay.
Natapos ang aking segment, walang magandang ganap, bukas ay gagawa na lang ako ng mga listahan ng mga kapit bahay na babaitiin ko. "Sir, sabay ka na sa akin, dadaan din naman ako doon sa kanto," ang wika ng staff na si Carlo habang nakangiti.
Sumakay ako sa kanyang trisikel, "mukhang mahirap mag DJ sir ah, pero ganun talaga mahirap ang listeners sa gabi lalo't ganitong oras ay tulog na ang mga tao," ang wika nito.
"Sinabi mo pa," ang tugon ko.
"Nga pala sir, mayroon sana akong favor sa iyo bukas," ang wika nito.
"Hmmm, ano ba yun?" tanong ko naman.
"Sir, pwede po bang basahin mo yung love letter ko para sa girl friend ko? Birthday niya kasi bukas at iyon lang talaga ang magagawa ko," ang wika niya.
Natawa ako, "diba mas maganda kung personal at sa pribado mo ibigay ang love letter mo? Okay lang ba sa kanya na maraming makaalam ng nilalaman nito?" tanong ko naman.
"Oo naman sir, saka para malaman din ng iba kung gaano ko siya kamahal. Ang expresyon ng pag ibig ay hindi tinatago, ito ay isinisiwalat sa lahat," ang wika ni Carlo sabay hindi sa kanto.
"O sige ba, ibig mo sa akin bukas yung love letter mo para sa GF mo at ako na ang papahayag nito sa kanya," ang tugon ko sabay abot ng baryang pamasahe.
"Naku wag na po sir, hindi po ako naniningil ng upa. Pero alam mo sir, ang ganda ng boses mo sa radyo, para nakikita kong sisikat po kayo," ang hirit nito.
"Bolero, pero sana ay magdilang anghel ka, Carlo," ang sagot ko habang nakangiti.
Itutuloy.