Part 4

2045 Words
Part 4 Ito ang ikatlong gabi ko sa midnight segment. Katulad kahapon ay wala naman akong ineexpect na anything, basta ngayong gabi ay gagawin ko ang best ko para pakinggan ng kung sinuman ang may gustong makinig sa akin. Apat na DJ ang naupo dito noon at ngayon nga lang daw may tumatawag at nag reresponse sa aking mga pa events. At isa itong good feedback mula sa management bagamat ang aking rating ay mababang mababa pa rin. "Magandang hating gabi, ako po muli si DJ Midnight at dito ang Dreame Radio Romance. Ngayon ay napaka espesyal na gabi dahil babasahin natin ang isang liham ng pag-ibig mula kay Carlo, ang kanyang liham ay para kay Jessica Santos na kanyang kasintahan na nagdiriwang ng kaarawan ngayon. Ito ang unang beses na babasa ako ng liham ng pag ibig, at kung nasaan ka man Jessica Santo, sana ay nakikinig dahil ang bawat kataga na aking bibigkasin ay inaalay sa iyo si Carlo," ang wika ko sabay tingin kay Carlo na noon ay nasa aking harapan, naka ngiti ito at nag thumbs up pa. "Jessica, unang beses pa lamang na makita kita ay nahulog na agad ang puso ko sa iyo. Ikaw ang pangarap na matagal ko nang inaasam asam. At ngayong nandito ka ay hindi ko papayagan na mawala ka pa sa akin. Simple lamang ang pangarap ko sa buhay at iyon ay ang makasama ka, yung gigising ako sa umaga na nasisilay ang ganda ng iyong ngiti. Simpleng tao lamang din ako at alam kong hindi ko kayang ibigay ang lahat ng nais mo, wala akong magarang sasakyan, wala rin akong mamahaling gamit ngunit sinisigurado ko sa iyo na tunay at tapat ang pagmamahal ko. Ikaw lang ang yaman ko at ikaw lang ang pinagmamalaki ko. Mahal na mahal kita at sana ay maramdaman mo itong isinisigaw ng puso ko," ang pagbabasa ko at noong mapatingin ako sa aking paligid ay nakikinig silang lahat. Si Carlo ay halos naiiyak na habang ninamnam ang bawat katagang sinasambit ko para sa kanyang minamahal na kasintahan. Samantala ipinakita na naririnig ang boses ni Vincent sa mga nakabukas na radyo tabi ng mga nakaduty na empleyado sa mga ospital o maging yung bantay na guard sa malalaking gusali na naka night shift. Hindi nila pinapasin ang radyo dahil busy sila ngunit may mangilan-ngilan na nakikinig dahil talagang maganda ang boses ni Vincent at napakalambing nito at talagang na sstun ang karamihan. "Ang sweet naman ng letter sender na iyan, sana may lalaking ganyan diba? Yung asawa ko nga noong anakan ako ng dalawa hindi na ako pinapansin ng walanghiya," ang wika ng isang nurse na nakikinig. Patuloy ako sa pagbabasa ng liham, "Balang araw ay pakakasalan kita at sisiguraduhin kong ikaw ang magiging pinaka masayang bride sa buong mundo. Ang pangarap na iyon ay hinding hindi mawawala sa aking puso at isipan. Maligayang karawaan sa iyo, Jessica. At nais kong malaman mo na ang bawat kataga ng liham na ito ay galing sa puso ko. Nagmamahal, Carlo." Tahimik. Napabuntong hininga ako, "mga kaibigan, tunay ngang ang pagmamahal ang pinakamagandang bagay sa buong mundo. At para sa iyo Jessica, mahal na mahal ka ni Carlo at sana ay huwag kang susuko sa kanya. Handog ko ang kantang ito para sa inyo na pinamagatang All My Life ng America.” “Ang awiting ito ay masasabi kong bagay na bagay sa inyong dalawa dahil ito ay tungkol sa wagas na pagmamahalan ng dalawang tao. Minsan sa sobrang pagmamahal natin ay masasabi nating nakahanda tayong ibigay ang lahat para sa taong iyon at sumusumpa rin tayo na sila ay ating mamahalin hanggang tayo ay nabubuhay dahil sa kanila tayo nakakatagpo ng kaligayahan at sila rin ang nagsisilbing tanglaw sa ating mga daan. Yung tipong nakakalimutan natin ang mga masasamang karanasan natin sa nakaraan dahil ang makasama sila sa hinaharap masyadong maganda at purong kaligayahan lamang ang ating nararamdaman. Habang tumutugtog ang love song ay pinalakpakan ako ng mga staff na kasama ko noong gabing iyon. At dito ay natanggap rin ako ng tawag kay Annabel na noon ay naiyak dahil sa sulat na aking binasa ON AIR. Wala naman akong kamalaymalay na ganoon ang impact ang aking pagbabasa, nilagyan ko lang ito ng feelings at dinaan sa malamyos na boses. Katulad ng dati ay natapos ang aking segment katulad ng dati ay walang ganap, walang response. Gayon pa man ay buong pusong nagpasalamat si Carlo sa pagbabasa ko ng kanyang liham. "Wala iyon, ang mahalaga ay napangkinggan ni Jessica ang iyong mensahe sa kanya," ang wika ko habang nakangiti. "Tumawag si Jessica doon sa labi sir, umiiyak ito at talagang naappreciate niya yung letter. Alam mo sir mas maganda kung magbasa ka na lang sulat sa segment, grabe nakakakilabot, ang husay mo magbigkas ng mga salita, tumatagos talaga at damang dama namin," ang wika ni Carlo na hindi maitago ang paghanga. "Salamat, yung makarating lang kay Jessica yung mensahe mo ay masaya na ako," ang tugon ko rin sabay tapik sa kanyang balikat. "Pwera biro talaga sir, mahusay po kayo at talagang yung boses niyo ay nakakahalina ng listener, sana po ay madiscover talaga kayo," ang wika niya ulit. KINABUKSAN. "Grabe Vince, congratulations, ang ganda ang segment mo kagabi, basahin mo naman yung love story ko ON AIR," ang wika ni Annabel noong makita kami sa palengke araw ng linggo. "Love story mo? Mayroon ka ba no?" tanong ko naman na may halong pang aasar. "Syempre naman no, naalala mo ba si Joselito yung crush ko noong college? Pinakagandang love story iyon ng buhay ko," tugon niya. "Si Joselito yung campus heartrob na nagtanggal ng letter G sa salitang PAG-ASA. Puro bad memories ang mayroon sa Joselito na iyan diba? At siya rin ang dahilan kaya ka naglasing doon sa bar ng naka uniform at muntik ka nang hindi makagraduate," ang sagot ko naman. "Talaga kailangan ipaalala mo sa akin lahat ng bad memories ko with him? Pwede namang yung mga kilig moments lang diba?" "Yung mga sweetness na ginagawa niya sa iyo ay ginagawa rin niya sa iba. Yun ang totoo sa ayaw at sa gusto mo. Teka, maganda ba talaya yung segment ko kagabi?" paglilinaw ko pa. "Yes naman, ang ganda ng registered ng boses mo sa radyo, alam mo pwede ka maging narrator sa mga pelikula o kaya ay sa mga dulaan. Pwede ka na doon sa Gabi ng Lagim, sa Matud Nila. Promise may future ka," ang wika niya habang nakangiti. "Kaibigan kasi kita kaya mo nasasabi iyan, pinupuri mo ako para hindi ko bitawan yung midnight segment at para hindi kayo magkaroon ng rotation kung sino magiging DJ sa gabi," ang sagot ko naman at habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating ang pinsan ni Annabel. "Ate Anna, ate Anna! Ang nanay mo may kaaway sa kanto!" ang wika nito habang tumatakbo. "Hala, sino na naman iyan? Diba nakipag away lang siya last week? Ginagawa na bang hobby ng nanay mo ang pagiging war freak?" tanong ko naman habang tumatakbo kami. "Kaaway po ni Aling Marites si Aling Marisol dahil mahilig daw itong manulsol," ang sagot ng batang pinsan niya. Pagdating namin sa kanto ay nandoon nga ang ina ni Anna na nakikipaghampasan ng upo at talong sa kanto. "Walanghiya ka, sinasabi na nga ikaw ang kabit ng asawa ni Aling Sioni, walang hiya ka Marisol!" ang sigaw ng nanay niya. "Inay, tama na. Bakit nakikialam ka sa kanila? Umuwi na tayo!" ang wika ni Annabel. "Paano iyang si Aling Sioni ay pinagbibintangan akong kabit ng asawa niya. At ang mahilig mag imbento ng kwento ay iyang si Marisol! Ang twist ng kwentong ito ay siya pala ang kabit! Ang kasalanan niya ay ipinapasa sa iba! Hayup ka Marisol, Mareng mahilig manulsol at manira! pak syet ka maah nigaaaah!" ang sigaw ng nanay niya kaya naman inawat na namin ito at inilayo dahil masyado na silang pinagkakaguluhan ng mga tao sa kanto. "Inay, nakakahiya naman bakit kailangan mo pang gumawa ng eksena doon sa kanto?" tanong ni Anna. "Anak hindi ako gumagawa ng eksena, sinasabi ko lang ang totoo! Kapag may katwiran ay ipaglaban mo!" ang wika ng kanyang ina. "Eh inay lagi ka naman nasa katwiran kaso ang pakikipagbasag ulo ay hindi talaga maganda," ang sagot ng anak niya. "At alam niyo ba kung paano ko nalaman na iyang si Marisol ang kabit ng asawa ni Aling Sioni? Nakita ko sila doon sa bukid magkapatong! Napaka imoral at napakalalaswa!" ang hirit pa nito dahilan para mapangiwi na lang ako. Tabi tabi kasi ang bahay dito sa kanto kaya ang usapan ng lahat ay naririnig ng iba. Halos araw araw ay naglalaban ang mga tsimosa kaya't araw araw ay may gulo talaga. Gayon pa man ay masasabi kong consistent talaga ang nanay ni Anna dahil simula pagkabata namin ay talagang hitik na ito sa impormasyon at talagang lagi siyang advance, mga bagay na talagang pinagmumulan ng gulo. "Nakakaloka yung nanay ko, grabe talaga," ang wika ni Anna. "Natural, kaya nga kausapin mo yang nanay mo na sana magbakasyon muna siya sa pagiging tsimosa dahil baka next time ay barilin na lang siya doon sa kanto," ang hirit ko naman. "Hay nako, matagal ko na sinabi sa kanya ang mga bagay na iyan," ang tugon niya habang sumasakit ang ulo. "Pero alam mo Vincent naisip ako," ang dagdag pa niya. "Good," ang simple kong sagot. "Good? Hindi mo ba itatanong kung ano yung naisip ko?" "Hindi, diba naisip mo lang naman? Bakit kailangan ko pang alamin?" tanong ko naman. "Kaloka ka naman e, ganito, naisip ko na magbasa ka na lang ng mga letters iyan ang pinakamahusay na bagay na pwedeng mong magawa," ang suhestiyon niya. "Saan naman tayo hahanap ng mga letter sender? Sobrang busy na ang mga tao ngayon at isa pa ay may letter sender na rin kina DJ Sofia sa kabilang station baka sabihin nila gaya gaya puto maya tayo," ang sagot ko. "Sa tanghali naman yung mga letter sender nila, saka parang yung iba dun ay super cliche na. Puro tungkol sa mga taong nagkakilala sa simbang gabi, mga babaeng namamasukang katulong at magiging jowa yung amo nila at in the end ay maahon sila sa hirap. O kaya yung story ng panget na student na magugustuhan ng campus crush!" ang hirit nito. "Iyan kasi ang gusto ng mga tao at karaniwan ang mga ganyang palasak cliche na plot ng mga stories ay tinatangkilik pa rin ng mga tao. Saka kung magbabasa ako ng letter ay may magsesend ba? Saka mas maganda sana yung kakaiba naman." "Kakaiba ba kamo? Naku kung gusto mo ng ganyan ay hintayin mo na lang na magsend ng letter yung kapre at white lady dyan sa Balete Drive baka sakaling may kakaibang letter kang mabasa," ang hirit ni Anna. Tawanan kami. Araw ng lunes, isang ordinaryong araw sa station, habang abala ako sa pagsusulat ng mga plans ko para sa segment mamayang gabi ay nagulat ako noong pumasok ang guard dala ang isang sobre. "May sulat po para kay DJ Midnight," ang wika nito sabay abot sa akin ng sobre. Naka address ito sa Dreame Romance Station at nakapangalan sa akin. Galing ito sa isang tao na ang codename ay "Mr.Crush". Noong mga sandaling iyon ay hindi ako makapaniwala, pero gayon pa man ay napatingin ako ng seryoso sa kanilang lahat. "Wow, mukhang may nagsesend na ng letter sa iyo," ang wika ni Anna habang nakangiti. "Yeah right, alam ko naman na ikaw ito, im sure ginawa mo lang ito para paniwalain ako na may magsesend ng liham sa akin," ang wika ko naman. "Hala, ano ka ba friend, hindi ako noh! Maghapon tayong magkasama last day. Basta I swear to God na hindi sa akin galing yan," ang pagtanggi nito. "Sure ka? Close your heart? Hope to die?" tanong ko naman. "Yeah, mamatay man ako, hindi talaga sa akin galing iyan," ang tugon ni Anna. "So kung hindi sa iyo ay pwedeng kay Krishmar ito o kaya ay kay Jean galing, sino sa inyo?" tanong ko naman dahil iniisip ko talaga na nag-ppower trip lang sila pero lahat sila ay seryosong umiling at itinanggi ang aking paratang. Wala akong nagawa kundi ang mapaupo at titigan ang sulat na dumating na hindi ko alam kung kanino nanggaling. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD