Zoe POV
“What are you doing here?” tanong ni Doctor Mendez at masama akong tiningnan na nginitian ko lang.
“Is that how you treat a patient?” patuyang turan ko. Kahit galit ang nakikita ko sa kanya hindi ko pa rin maialis ang paningin ko sa kanya. Kaya maraming humahanga kay Doc Mendez dahil sa angkin nitong kagwapohan. The hottest Doctor nang bansa……
“Your not my patient. What do you want? Your wasting my time. Maraming mas nangangailangan nang oras ko kasya aksayahin ang oras ko sa isang katulad mo”
I rolled my eyes sa kasungitan niya. I crossed my legs at mataman ko siyang pinagmasdan.
“Ganyan ba dapat ang doctor kasungit sa katulad kong may nararamdaman? I need my heart checked. Sumasakit kasi pag nakakarinig ako nang masasakit na salita. Am I dying Doc? Masakit din ang nasa ibaba ko maybe you can check it too”
Umigting ang panga ni Doc Vince at nagsasalubong ang kilay niya. Bago ako pumarito ilang beses ko pang pinangako sa sarili ko na iiwasan kong magsalita nang ikakagalit niya pero hindi ko na naman nagawa dahil sa pagsusungit niya.
“Are you that desperate to be fvcked by me? Hindi ka pa ba nakukuntento sa mga nagiging boyfriend mo? Leave now before I throw you out of this hospital”
“Looks like your updated sa buhay ko Doc. You can have me here if you want”
Kahit naman papalit-palit ako nang boyfriend kahit minsan hindi ko pinagkaloob ang sarili ko sa kahit kanino. My reputation is far from who I am.
“Kahit siguro maghubad ka sa harapan ko hinding-hindi ako mag-iinit. A woman like you is never what I wanted to be with”
Ganon na ba ako kababa sa paningin niya para magsalita siya nang ganyan? Paano ko pa masasabi sa kanya ang pakay ko?
“You don’t have to like me. I’m here to talk to you. Pareho lang natin hindi gusto ang isa’t-isa”
Pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Ilang taon man ang lumipas hindi mawala ang paghanga ko sa kanya pero alam kong hindi ang kagaya ko ang gugustohin ni Doc Mendez.
“I’m busy. I don’t have time to talk to you, Miss Del Ferrer. Huwag mong sayangin ang oras ko dahil gusto mo nang attention. My time is precious. Mas maraming nangangailangan nang oras ko kaysa sa babaeng katulad mo na walang alam sa buhay”
Bago pa ako makapag-salita naiwan na akong mag-isa sa silid. Nagmadali akong tumayo at lumabas kailangan kong makausap si Doc kung kailangan kong sundan siya kahit saan siya magpunta gagawin ko.
“Doc hindi ka ba naaawa sa akin. Ganyan ka ba talaga pag-ayaw mo na sa isang katulad ko?” sigaw ko na ikinatingin nang mga taong nasa waiting area. Lihim akong napangiti sa kalokohang naisip ko. Malalaking hakbang na bumalik si Doctor sa kinaroroonan ko. Hinablot ang palapulsohan ko at hila-hila na ako.
Lahat nang madaanan namin nakatingin sa kamay ni Doc na nakahawak sa akin. Titingin at magbubulongan na binalewala ko lang dahil sa malakas na kalabog nang puso ko at may gumapangan na parang kuryente sa katawan ko sa paghawak ni Doc sa akin.
Kahit masakit ang pagkakahawak niya sa palapulsohan ko hindi ko eto ininda ang mahalaga masabi ko ang lahat sa kanya. Eto na ang pagkakataon ko kaya hindi ko na sasayangin pa. Alam kong mahihirapan na naman akong magkaroon nang pagkakataon na makaharap siya.
Binuksan ni Doc ang isang pintoan at pabalibag na isinara. Nakakaladkad ako sa malalaking hakbang niya at nang marating namin ang isang sofa sa loob nang silid na pinasokan namin pabalya niya akong binitawan. Tumama ang hita ko sa dulo nang sofa kaya napangiwi ako sa sakit. Nang tingnan ko si Doc Mendez nakatingin siya sa hita ko na hawak ko. Nakatitiyak ako na magkakapasa eto.
“Kung hindi lang kita kailangang makausap hinding-hindi ako magpapakita sa’yo” Pagtataray ko sa kanya na matamang nakatingin pa rin sa hita ko na binitawan ko na. Dahil sa suot kong dress na hanggang sa gitna lang nang hita ko ang haba kaya kitang-kita ang pamumula nang hita ko.
Umalis si Doc Mendez sa harapan ko at tinungo ang maliit na refrigerator sa loob nang silid na kinaroroonan namin. Sa tingin ko eto ang opisina niya dahil sa magarang mesa may nakapatong na isang bagay na may nakaukit na pangalan ni Doc Mendez.
Nang magbalik siya sa kinaroroonan ko inabot niya sa akin ang isang icepack.
“May puso din pala ang isang katulad niyang insensitive” mahina kong turan.
“Stop murmuring! Start talking”
Hindi ako nakapagsalita, bigla akong nakaramdam nang kaba. Napatitig ako sa kanya.
“Miss Del Ferrer—”
“Let’s get married, Doctor Vince”
“What the hell are you talking about?! Are you out of your mind, Zoe? hinding-hindi ako magpapakasal sa isang katulad mo. Hindi pa ako nababaliw para sirain ang buhay ko”
“You are so harsh to me. Ayaw ko din naman magpakasal sa’yo but my Dad wants you to be my husband. Let’s get married for six months and pretend you love me in front of my Dad. Kahit kasal na tayo you can do whatever you want I don’t mind”
“You think I ‘gonna agree to that? That’s bullshit! Leave now Zoe. Hinding-Hindi ako papayag na magpakasal sa isang katulad mo”
“Why? It’s just a contract marriage. Bakla ka siguro talaga kaya—”
Isang mapagparusang halik ang nagpatigil sa mga sasabihin ko pa. Sa buong buhay ko ngayon ko lang nagustohan ang isang halik nang lalaki. Napakasarap nang halik ni Doctor Vince. Pinikit ko ang mata ko para lalong maramdaman ang halik niya……
“Mas masarap ba ang halik ko kaysa sa mga naging boyfriend mo?”
Nag-init nang husto ang mukha ko nang pagmulat ko nang mata makita ang nakakalukong ngisi ni Doc Mendez.
“Bakit naman kasi may papikit-pikit ka pang nalalaman Zoe? So embarrassing” mahina kong pagkausap sa sarili ko.
“My answer is No, Zoe. Umalis ka na marami pa akong pasyente”
Bumuntong hininga ako. Bagsak ang balikat kong tumayo at naglakad patungo sa pintoan……
“You can’t say No to Zoe Del Ferrer Doc Vince Mendez. Hindi ako titigil sa pagsunod sa’yo hanggang hindi ka pumapayag”
Nabuhayan ako nang loob matapos kong sabihin lahat nang nasa isip ko sa kanya nang lingonin ko siya. Matamis ko siyang nginitian bago ko tuloyang nilisan ang opisina niya………