Zoe POV
“How am I going to talk to Doctor Mendez about sa pagpapanggap na magkasintahan kami at kong papayag siyang maging asawa ko sa loob nang anim na buwan? Pero paano ko siya mapapapayag kung kong hindi ko man lang siya makausap at malapitan?” I sighed.
Ilang araw nang walang tigil akong nagpapabalik-balik sa hospital na pag-aari ni Doctor Mendez pero lagi akong bigo. Doctor Mendez owned the hospital kaya hindi ako basta makalapit sa kanya kailangan kong dumaan sa ilang tao bago ko makaharap si Doctor Mendez.
“Beshie maghanap ka na lang nang iba na magpapanggap na fianće mo. Call mo ang mga ex mo for sure willing ang mga ‘yon. Just pick one”
I rolled my eyes sa tinuran ni Kara. She’s crazy, magsasalita nang walang kabulohan.
“That’s not going to happen. I’m not ‘gonna beg them to help me. I’ll dump them because they are all freaky and possessive and my Dad likes Doctor Mendez”
“So you have to beg Doctor Mendez para maging asawa mo? That’s going to be challenging for you. He doesn't like you at all. Ang tingin sa’yo ni Doctor Mendez ay babaeng mapaglaro, spoiled brat at sassy……And enemy. Anong gagawin mo, bff? You just have a month”
Sinamaan ko nang tingin si Kara.
“You're not helping at all! Lalo mo lang pinasasakit ang ulo ko sa mga sinasabi mo. What are you doing here anyway? You know I’m busy right now”
Maarteng hinawi ni Kara ang buhok at binalewala lang ang pagsusungit ko sa kanya. Tiningnan ang kuko at nagpahid nang lip tint sa labi. Katulad ko isang anak nang bilyonaryo si Kara kaya lang ang pagkakaiba namin she’s a bit crazy. Walang pakundangan kong ibigay ang sarili sa lalaking matipohan.
“I’m helping you by telling you the truth. Walang epekto ang beauty mo kay Doctor Mendez. College days pa lang natin crush mo na siya pero hindi ka niya type noon pa man. Remember the day nang tanongin mo siya nang bakla ka ba doc sa maraming tao, sa party nang high society dahil hindi ka man lang niya pinapansin kahit nagpapansin ka sa kanya. Nasayang ang effort mo na nagpaganda nang ilang oras para sa kanya”
“Kara stop reminding me about that incident. I know na enemy ang tingin niya sa akin but I’m not bucking out if I need to beg I will. I know my Daddy alam kong gagawin niya ang mga sinabi niya and you know I can’t live without karangyahan. I’ll be miserable. I don’t even know how to cook. Wala din akong alam sa mga gawaing bahay”
“Good luck gurl. I can’t help you but I can support whatever your plan” maarteng turan ni Kara.
Kung sassy ako mas sassy si Kara. Mga bata pa lang kami malapit na kami sa isa’t-isa. She’s my sister by heart. My pagkakataon na nagkakatampohan kami dahil sa sobrang pagka maldita namin.
“You know me, I’m not ‘gonna back out easily. I’m going to lure him. I’m Zoe Del Ferer wala pang lalaki na hindi nahulog sa charm ko”
“Si Doctor Vince Mendez lang ang ayaw sa’yo. And remember mahihirapan ka because her fiancé cheated on him. He thinks women are all the same” She smirked.
“Kara best friend ba talaga kita? Your so annoying”
Kanina pa ako naiinis sa walang tigil na pagsalungat ni Kara sa mga sinasabi ko. Tuwing nakikita ko si Doctor Mendez sa mga party na dinadalohan namin nang aking ama kahit minsan hindi eto sumulyap sa akin o ngumiti man lang. Dumistansiya din ako sa kanya dahil ayaw ko nang maulit ang nakaraan. Kung tingnan man ako nito galit at pagkainis ang nakikita ko sa mata niya. Kahit limang taon na ang nakalipas hindi pa rin nakakalimotan ni Doctor Mendez ang mga naganap.
Agad kong dinampot ang telepono ko nang may maisip ako. Nagpa-appointment ako nang check-up gamit ang pangalan ni Kara.
“Your so smart bff. Kaya lang bakit naman pangalan ko pa”
“Just let me use your name para makausap ko si Doctor Vince” Nilambingan ko ang boses ko para pumayag na si Kara kahit wala naman na siyang magagawa dahil nakapag-pa-appointment na ako.
“As if naman I could stop you and you already made the appointment” Napangiti ako sa mga sinabi ni Kara dahil ‘yon din ang nasa isip ko.
“See you tomorrow Doctor Vince Mendez. Hindi mo ako mapipigilan sa paglapit-lapit ko sa’yo. Mahuhulog ka din sa akin” I uttered.
“Confidence to the highest level Zoe Del Ferrer” Pang-aasar ni Kara at tumawa pa eto nang nakakaluko.
“Umalis ka na nga. Kailangan kong pag-aralan tong mga document na binigay ni Daddy”
“Tito Miguel started punishing you, Zoe. First, He wants you to work. Second, He asks you to get married. Paano na ang travel natin sa Paris next month? Looks like your life is going to have a big change now that your working and pursuing Doctor Mendez. Ilang araw ka nang hindi sumama sa bar”
“This is not ‘gonna take long. Pagnapapayag ko na si Doctor Mendez na maging asawa ko at iharap kay Daddy magagawa ko ulit ang mga kinagawian ko. I know my Daddy kaya kailangan ko siyang sundin”
Alam kong mahihirapan akong paamohin si Doctor Vince. Limang taon akong umiwas sa kanya simiiula nang nagulo ko ang buhay niya. Hindi ang katulad ko ang gugustohin niya. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi niya noon na hindi niya type ang isang katulad ko.
“Good luck bukas, kailangan mong magpakabait para makausap mo siya. Aso’t pusa pa naman kayo tuwing nagkikita kayong dalawa. Just pretend your nice na after five years nang gulong ginawa mo sa buhay niya”
Tumayo si Kara at tumatawa habang papalabas nang opisina ko. Gagawin ko ang lahat para suyoin ang masungit na si Doc Vince. Pursuing Doc Vince now is my top priority.
Hindi ko alam kong kaya kong manahimik lang pag-pinagsalitaan niya na naman ako nang masasakit na salita……