Zoe POV
“Hi, Nurse Sally can you give this to Doctor Vince? Please” turan ko at siniguro kong sa nakakaawa kong mukha hindi na makakatanggi si Sally. Sa loob nang tatlong araw na nagpabalik-balik ako sa hospital naging kaibigan ko na ang mabait na si Nurse Sally.
“Sa ginagawa mo tiyak na maiinlove na sa’yo si Doc”
Napangiti ako kay Sally. Kahit alam kong hindi mangyayari ang sinasabi niya.
“Kinakain ba niya ang binibigay ko?”
I was so curious kong hindi niya tinatapon ang pagkaing binibigay ko. I can’t cook kaya bumibili ako nang pagkain sa paborito kong restuarant. Nilalagyan ko nang note ang bawat pagkain na binibigay ko sa kanya……
“Enjoy your meal. This meal is so good, as good as me. Kaya let’s get married na Doc Vince”
Ang note na nilagay ko with smile emoji and a heart. Nakakatawa na daig ko pa ang isang teenager na walang tigil sa pagsunod sa taong hinahangaan.
“Hindi ko alam kong kinakain niya, pinalalagay niya lang sa mesa sa loob nang office niya”
“Busy ba siya ngayon? Sally, can you help me sneak out to his office? Ako na lang ang magbigay sa kanya nang personal”
Alam kong hindi niya ako matatanggihan. Zoe Del Ferrer always gets her way. Lagi kong ginagamit ang mukha kong maamo at puppy eyes na kahit ang ama ko noon hindi maka-hindi sa akin. Ngayon lang ako hindi makawala sa gusto nang Daddy dahil alam kong hindi niya ako papayagan na ibang lalaki ang mapangasawa pero noon pa man pinangarap ko nang mapangasawa ang katulad ni Doc Vince.
“Ikaw talaga baka mawalan ako nang trabaho pag-nagalit si Doctor Mendez sa akin, kung hindi ko lang alam na mapapangasawa ka niya hindi kita tutulongan”
Lihim akong napangiti. Nang unang makita ko si Sally sa hospital sinabi kong fiancé ko si Doc. Alam kong ikagagalit na naman ni Doc sungit pag nalaman niya ang kalokohan ko.
“Thank you, Sally. Your my angel”
Hindi ko napigilan mapangiti. Excited akong makita si Doctor Vince sa kabila nang hindi magandang trato niya sa akin.
“Pumasok ka na habang wala pa si Doc. Ang alam ko nasa silid nang pasyente pa siya ngayon”
Agad akong pumasok hindi ko na hinayaan na magsalita pa si Sally sinarado ko ang pintoan at naglakad ako patungo sa mesa ni Doc sungit.
“Your so sungit alam mo ba ‘yon? A lot of men want to marry me but not you—”
Natigilan ako sa pagkausap sa pangalan niya na nakapatong sa mesa niya nang bumukas ang pintoan. Lumingon ako sa gawi nang pintoan at ang masamang tingin ni Doc Vince ang nalingonan ko.
“How do you get in here?”
“What an interesting question……I open the door to get in”
Pang-iinis ko sa kanya at ngumiti pa ako nang matamis. Nangunot ang noo ni Doc Vince at pinangliitan niya ako nang mata.
“Ano na naman ang ginagawa mo dito Miss Ferrer? Are you bored in your life kaya ang buhay ko ang ginugulo mo?”
“I bring you food. Huwag ka na magsungit. You know what your the best Doctor I have ever known. Kahit masungit ka I will still bring you food. Mabait kaya ako Doc at saka ayaw kong magutom ang fianće ko kaya I bring food for him”
Sa haba nang sinabi ko wala man lang akong nakitang reaction kay Doc Vince nanatiling malamig ang tingin niya sa akin.
“Miss Del Ferrer you’ll never be my fianće. Itigil mo na ang mga kahibangan mo. Huwag mong gulohin ang buhay ko”’
Alam kong ayaw na ayaw niya talaga sa akin. Kahit idahilan ko na dahil sa ama ko kaya ginagawa ko eto pero alam ko sa sarili ko na I like Doc Mendez siya lang ang hinahangaan ko kaya gusto ko lagi makuha ang pansin niya.
“Hear me out, please. I know you don't like me and I don't like you either. After six months nang kasal natin I will tell my Dad our marriage doesn't work out kaya maghihiwalay tayo”
“My answer is still No, Miss Ferrer!” He growled.
I sighed. Hindi ko na alam kong paano ko siya kukumbinsihin na maging asawa ko. Umupo ako sa upoan na nasa harap nang mesa niya. Inalis ko ang paningin sa kanya.
“I’m so sorry for causing you a lot of trouble back then. Alam kong hindi pa ako nakakahingi nang tawad sa’yo sa ginawa ko noon. Just please help me on this one. Gagawin ko lahat nang gusto mo para pumayag ka na maging asawa ko”
Turan ko nang hindi siya tinitingnan. Nakayuko ako at nakatingin sa paanan ko. Narinig ko ang mga hakbang ni Doc Vince na papalapit sa kinaroroonan ko. Nag-angat ako nang paningin sa kanya nang umupo siya sa upoan na nasa harapan ko.
Lumakas ang kalabog nang puso ko nang matitigan ko siya. Bakit ganito ang puso ko tuwing malapit siya? Hindi ko pa naramdaman ang ganito sa mga naging boyfriend ko.
“Zoe Del Ferrer, are you sure sa mga sinabi mo? Do you mean it? Gagawin mo lahat nang gusto ko?”
Sunod-Sunod ang pagtango ko. Muli akong tumitig sa kanya. An amused smile crossed his lips. Hindi ko na naman maialis ang titig sa kanya. Doc Vince cleared his throat.
“Ano ka ba naman Zoe natulala ka na naman sa harapan niya” sigaw nang isip ko.
Sumeryoso ang mukha ni Doc Vince at mariin akong tinitigan……
“You live with me and be my personal maid. You cook for me and do the household. Lahat nang utos ko gagawin mo”
My body froze. Ngayon pa lang pinagsisihan ko na ang mga sinabi ko.
“Do you want me as your personal maid? Are you kidding me!?”
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay Doc Vince. Paano ko gagawin ang mga yan wala akong kaalam-alam sa mga gawaing bahay. I grew up na maraming tagasunod sa akin.
“You heard it right, Miss Ferrer. If you don’t want it you can leave now and don’t bother me again”
Nakikita ko kay Doc Vince na seryoso siya sa mga sinasabi niya. Hindi kababakasan nang ano mang pagbibiro. I don’t have a choice but to agree to it. Tumayo ako at nilahad ang kamay sa kanya.
“It’s a deal. I’ll live with you and be your personal maid”
Kung eto lang ang paraan para pumayag siya gagawin ko. Tumayo din si Doc Vince at hinablot ang palapulsohan ko kaya napasubsob ako sa kanya. Gustong-Gusto ko ang pakiramdam na malapit sa kanya. Nag-angat ako nang paningin sa kanya. Agad niyang inangkin ang labi ko. Sa ikalawang pagkakataon nalasap ko ang napakasarap na halik ni Doc Vince.
“Our deal was sealed with a kiss” I uttered nang bitawan niya ang labi ko.