Doc Sungit

1113 Words
Zoe POV “Is this your house?” Hindi ko napigilan ang humanga sa mansyon ni Doc Mendez. Ang balita noon pinatayo niya eto para sa fiancé niya. “What do you think? Uuwi ba ako dito kong hindi ko ‘to bahay?” Hindi ko alam kong matatawa ako o maiinis sa sagot niya. Unang apak ko pa lang sa mansyon niya pinapakitaan na ako nang kasungitan. Hindi nagkakalayo ang laki nang mansyon namin sa mansyon ni Doc sungit. “Where is my room?” “Señorito magandang hapon po” Tinitigan ako nang may katandaang ginang na nakasuot nang uniporme. Hindi sila nagkakalayo nang yaya Alma ko kaya lang mukhang masungit ang ginang na nasa harapan ko hindi katulad ni yaya Alma na sobrang mabait at maalaga sa akin. “Manang Luz this is Zoe ang bago niyong makakasama. Take her to her room” Ngumiti ako kay Manang dahil sa pagtataka na nakikita ko sa mata niya. Akala ba ni Doc sungit magrereklamo ako papatunayan ko sa kanya na hindi ako susuko sa mga pagpapahirap na gagawin niya sa akin. “Hello po Nanay Luz tara na po samahan niyo na ako sa silid ko baka magalit ang amo nating masungit pag hindi pa ako nawala sa paningin niya” turan ko at humawak ako sa braso ni Manang Luz. Nang tingnan ko si Doc Vince nakatitig siya sa kamay kong nakapulupot sa braso ni Manang. Tinaasan ko siya nang kilay. “Kung may ipaguutos ka po Señorito nasa silid lang po ako. Maliligo lang po ako para fresh akong tingnan sa unipormeng ipasusuot n’yo sa akin” Patuya kong turan at inaya ko na si Manang na dalhin ako sa aking silid. “Iha ikaw ba talaga ang bagong katulong na sinasabi ni Señorito Vince? Akala ko girlfriend ka niya. Ang ganda-ganda mo naman” Napangiti ako sa mga tinuran ni Manang. Mukha lang pala siyang masungit. Magaan na agad ang loob ko sa kanya. Kahit naman laki ako sa layaw marunong akong makisalamuha sa mga taong naninilbihan sa amin. “Opo Manang ako po ang bagong personal maid ni Doc sungit” Sabay pa kaming nagtawanan ni Nanay Luz. “Can I call you Nay Luz na lang?” Napamaang si Nay Luz sa akin at muli kong nakita ang pagtataka sa mukha niya. “Mukha ka talagang mayaman. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita nang bagong katulong na sobrang ganda at magaling mag-English” “Nay Luz tama na ang papuri sa akin kailangan ko nang maligo baka mag-utos na ang amo natin” Napangiti si Nay Luz at iginiya ako patungo sa magiging silid ko. Naglakad kami sa isang easily hanggang marating namin ang pinakahuling pintoan sa pasilyong nilakad namin. Namangha ako nang mabuksan ni Manang ang silid…… “Wow! This room is similar to my room sa bahay namin” Nagtuloy-tuloy ako sa loob mas lalo akong namangha nang makita ko ang malaking balkonahe na may napaka-gandang view nang hardin. Akala ko sa isang maliit na silid niya lang ako patutuloyin…… “Alam mo bang pinaayos ‘to ni Señorito Vince sa amin. Pinapalitan lahat nang gamit dito pati ang kama. Kaya lahat nang bagay na narito ay bago. Kung makikita mo lang ang itsura niya na natataranta kong anong ayos na gagawin sa mga bagong gamit na binili niya para dito” I was surprised by what Nanay Luz just said. Hindi ko akalain na pinaghandaan niya pala ang pagtira ko dito. Nakaramdam ako nang saya. I love the layout of the room……Nagustohan ko nang husto ang ayos nang balkonahe na may outdoor furniture na pwede akong magbasa nang libro tuwing wala akong ginagawa. “How does he know my favorite color?” I muttered. Nang igala ko ang paningin ko sa loob nang silid makikita ang lavender color sa bawat sulok nang silid. “Magpahinga ka na muna ako na muna ang bahala sa gawian sa kusina. Pinagbilin kasi ni Señorito na simula bukas ikaw na ang magluluto nang almusal niya” “What? Pakiulit po? Tama ba ang naririnig ko? Ako magluluto?” Sa lahat nang pwede niyang ipagawa sa akin bakit ang pagluluto pa…… “Oo iha ikaw na daw maghahanda nang pagkain niya simula bukas. Kinausap niya kaming lahat na huwag na siya ipagluto” “Ano po ba ang mga gusto ni Doc na almusal?” tanong ko kahit alam ko sa sarili ko na wala akong alam sa pagluluto. Ang tanging naisip ko ay manood nang mga video kong paano magluto. “Mahilig si Señorito sa sinangag at daing na bangus. Minsan naman omelet lang. Bukas magluto ka na lang nang sinangag, itlog at longganisa tiyak na mapaparami ang kain ni Señorito” Hindi ako nakapagsalita dahil wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi ni Nay Luz. “Nay Luz can you write on the piece of paper the list of food he likes, please” turan ko. Tiyak na mapupuyat ako mamayang gabi sa panonood nang mga video sa y**be para pag-aralan ang mga pagkain na sinasabi ni Manang. Umupo ako sa gilid nang kama nang makaalis si Manang sa silid ko. Ngayon pa lang nakakaramdam na ako nang inis kay Doc Vince…… “Bakit naman pagluluto agad ang gusto niyang gawin ko? I hate you na Doc na ubod nang sungit” Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tumitig ako sa kisame. “You can do it, Zoe. Huwag mong hayaang ang Doctor na masungit na ‘yon na pagtawanan ka dahil wala kang kaalam-alam sa gawaing bahay” turan ko habang nakatitig pa rin ako sa kisame. Nawala na sa isip ko ang pagligo kakaisip kong paano ako magluluto bukas. I sighed. Sunod-Sunod na pagkatok sa pintoan ang nagpabangon sa akin. Nagmadali akong umalis nang kama at naglakad patungo sa pintoan nang may pagmamadali sa pagaakala kong si Nay Luz dala ang hinihenge kong listahan…… “Nay Luz ang bilis mo——” Kahit na nakapambahay lang ang suot ni Doc ang hot-hot niya pa ring tingnan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang tinitigan ko siya. Ang puso ko ang lakas nang kalabog ngayong nasa malapit siya…… “Fvck stop biting your lips” Sigaw ni Doc Vince na ikinagulat ko. “Bakit ba? Gusto mo ikaw ang kakagat, Hmmm?” Pang-iinis ko sa kanya……Mabilis ang naging kilos ni Doc Vince, ikinulong ang mukha ko sa palad niya at siniil nang maalab na halik ang labi ko. Sa ikatlong pagkakataon muli kong nalasap ang masarap niyang halik. “Galitin ko na lang siya lagi para halikan niya ako” Sa isip ko at lihim akong napapangiti……Doc Sungit na mahilig manghalik……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD