Personal Maid

954 Words
Zoe POV “Dad pumapayag ka agad sa gustong mangyari ni Doc Vince? Hahayaan mo akong tumira na kasama siya?” Hindi ako makapaniwala na pumayag agad ang aking ama na tumira ako sa iisang bubong kasama ni Doc Vince at maging maid niya. I thought I could get away with the deal with Doc Vince kapag sinabi ko sa aking ama ang gustong mangyari nito. “Sweetheart I trust Doctor Vince alam kong hindi siya gagawa nang hindi maganda sa’yo. He is way to good para gawan ka nang masama” “Daddy naman parang sinabi mo na rin na ako ang hindi gagawa nang maganda sa kanya. How can I be his maid if I don't even know how to cook? Can I bring Yaya Alma with me?” Isang malakas na tawa ang pinakawalan nang aking ama na pinagtaka ko…… “Dad stop laughing! What so funny?” “Zoe anak you can’t bring your Yaya. Kailangan mong matutunan ang mga gawaing bahay lalo na kapag naging mag-asawa na kayo ni Doctor Mendez. Don’t worry I know na hindi ka niya pababayaan” Kung alam lang nang aking ama na pag pumayag si Doc Vince sa gusto kong mangyari magiging kontrata lang ang kasal namin. Ang pagiging personal maid niya ang paraan para mapapayag ko siya sa kasundoan. Nakukunsensya ako sa pagsisinungaling sa aking Ama nang sabihin kong gusto akong gawing personal maid ni Doctor Mendez para turoan ako na matuto sa buhay bago kami magpakasal. “Dad what if Doc Vince is not what you think he is? Are you going to let your only daughter be with him? Sinusubokan kong magbago ang isip nang aking Ama. Hindi ko alam kong kakayanin ko ang buhay sa loob nang bahay ni Doc sungit. “I trust Doc Mendez, Zoe. Kinausap niya na ako tungkol sa pagtira mo sa bahay niya……And I think it’s a good idea para matuto ka na anak” Nanglaki ang mata ko sa tinuran nang aking Ama hindi ko akalain na inuhan pa ako nang masungit na ‘yon na kausapin si Daddy kaya pala nang sabihin ko kanina ang gustong mangyari ni Doc Vince hindi man lang nagulat ang aking Ama. “I can’t believe he did that. Paano ang trabaho ko sa office? Akala ko you want me to learn our business” “The office can wait. Mas gusto kong mag-asawa ka na para magkaapo na ako” “Dad!” I slammed my foot on the floor sa pagkainis ko kay Daddy at kay Doc Vince mukhang pinagkakaisahan nila akong dalawa. Handa na akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa nang magsalitang muli ang aking Ama…… “Get your stuff ready, Doctor Vince is on the way to pick you up” “What? Now?” “Yes, Sweetheart” Napalingon ako nang may magsalita sa likoran ko. Ang taong hinahangaan ko na kinaiinisan ko na ngayon. Nagmamadali ba siya na pahirapan ako? Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi…… “What's he up to? Bakit may pahalik-halik pa at pa Sweetheart pa ang Doctor na masungit?” mahina kong turan. “Ang bango-bango niya naman parang pinaghandaan ang pagsundo sa akin” “You two are a perfect match” turan ni Daddy at matamis na ngumiti sa amin” “This is what you want right? Ang ipakita sa ama mo na gusto kita. Just smile Sweetheart” bulong ni Doc Vince at muling hinalikan ang pisngi ko. “Pumapayag na siyang magpanggap kami?” sa isip ko. I gazed at him intently. Natigilan ako nang pumulupot sa baywang ko ang isang braso niya at kinabig ako nang husto palapit sa kanya. “I will take care of her Tito Miguel. You don’t have to worry she’s in good hands” Tumaas ang kilay ko sa mga tinuran niya. “Take care daw baka plano niyang pahirapan ako” mahina kong turan. Mahina niyang pinisil ang baywang ko kaya nag-angat ako nang paningin sa kanya. Hindi ako nakapagsalita nang makita ang matamis na ngiti ni Doctor Vince. Nakakaakit ang ngiti niya. Ang mapula niyang labi at ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin…… “Killer Smile” sigaw nang isip ko. “Zoe anak baka matunaw na si Doctor Mendez sa titig mo” Nag-init nang husto ang mukha ko sa tinuran nang aking Ama. Kahit kailan talaga pahamak ang ama niya…… “I'm going to pack my stuff” Kumawala ako sa pagkakahawak ni Doc Vince at nagmadali akong makalayo sa kanila. Narinig ko pa ang tawa ni Daddy at ni Doctor Vince. “Nakakainis naman, bakit ba ako nagkakaganito sa harapan niya?” Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi pakiramdam ko pulang-pula pa rin ako. Binagsak ko ang katawan ko sa kama nang makapasok ako sa silid ko. Maraming magbabago sa buhay ko sa pagtira sa bahay ni Doctor Mendez alam kong hindi niya ako papayagan na gawin ang mga kinagawian ko…… “Kaya ko bang gawin ang mga gawaing bahay? Being the personal maid of Doctor Mendez sounds exciting” Napangiti ako. Kung kanina naiinis ako sa pagpayag ni Daddy agad na tumira ako sa bahay ni Doc ngayon naman masaya at excited ako na makakasama ko si Doctor Vince araw-araw. Sa ilang araw na pagsunod-sunod ko sa kanya nakakaramdam ako nang kakaibang paghanga sa kanya. Noon pa man hinahangaan ko na siya ngayon matinding paghanga ang nararamdaman ko. Ang hindi ko maipaliwanag na malakas na pagtibok nang puso ko tuwing malapit siya ay nagpapagulo sa isipan ko. Hindi lang ako makapaniwala na agad na pumayag ang Ama ko na tumira ako sa bahay ni Doc Vince…… “Kung papahirapan niya ako, papahirapan ko din siya”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD