Zoe POV
“Why was the food I cooked different from the video I watched? Mahina kong turan habang pinagmamasdan ko ang mga pagkain na nasa mesa. Wala akong mapag-tanongan dahil wala si Nay Luz at si Maria, namalengke sila at ang iba naman ay abala sa kani-kanilang gawain.
“I hope he likes it”
Ilang oras ako sa pagluluto. Hindi ko akalain na napakahirap ang magluto. Pinunasan ko ang pawisan kong mukha at leeg gamit ang likod nang palad ko……
“Good morning”
Agad akong napalingon nang magsalita si Doc Sungit. Hinagod ko ang kabuoan niya, mukhang hindi sa hospital ang punta niya dahil sa ayos niya. Naka two-piece suit na parang ang Daddy tuwing pupunta sa opisina niya. He cleared his throat kaya napatingin ako sa kanyang mukha……
“Good morning Señorito, mahal na prinsepe, ang boss ko na ubod nang—”
“Make me a coffee” turan niya na nagpatigil sa iba ko pang sasabihin.
“Make me a coffee” pang-gagaya ko sa sinabi niya. Ang aga-aga nagsusungit na.
“Akala niya ba matatakot ako sa intimidating aura niya tsk tsk” bulong ko.
“Black coffee or with cream and sugar sir?” Patuya kong turan. Hinagod niya ang kabuoan ko……
“Am I looking good with my apron Señorito?” Pangiinis ko sa kanya.
“Black coffee”
Tinalikoran niya ako at tinungo na ang hapag kainan kong saan nakahain ang mga nilito ko. Inisa-Isa niyang tiningnan ang mga pagkain sa mesa. Tumaas ang gilid namg labi niya na halatang pinipigilan ang mangiti.
“It’s my first time cooking kaya huwag mong pagtawanan ang luto ko” seryoso kong turan. Pinaghirapan ko ang bawat pagkain na nasa mesa. Napuyat pa ko kagabi sa panonood nang video kong paano lutoin ang sinangag, itlog at ang longganisa na gusto niya. Sumimangot ako. Titig na titig siya sa akin. Lumambot ang awra niya.
“Huwag kang mag-alala sir mag-aaral akong mabuti mag-luto magpapaturo ako kay Nay Luz” turan ko at tinalikoran ko na siya. Tinungo ko ang coffee maker para igawa siya nang kape. Lahat nang mga ginagawa ko ngayong umaga ay bago sa akin kahit kape nang aking ama hindi ko pa nagawa kahit minsan……
“Awts!” Malakas kong pag daing nang tumalsik ang mainit na kape sa braso ko nang hindi ko sinasadyang mailapag nang may pagmamadali……My body froze when he held my arm. Sinusuri niyang mabuti ang namumula kong braso na sa tingin ko naman ay hindi naman malala.
“Careful Zoe, you’re so clumsy” turan ni Doc Vince na hawak pa rin ang braso ko sa inis ko sa pagsasabi niya na clumsy ako hinatak ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
“I’m not clumsy. Ang aga-aga ang sungit-sungit mo”
Umalis si Doc Vince sa harapan ko at umupo na sa hapag kainan sa dulong bahagi.
“Akala mo hari” mahina kong turan. Inilapag ko ang kape niya sa harapan niya. Muli niyang sinulyapan ang braso ko.
“Hindi na masakit, kumain ka na dali. Let me know kong anong lasa” Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Sinandokan ko nang sinangag at naglagay ako nang longganisa at itlog sa plato niya……Nang magsimula siyang kumain napangiwi si Doc Vince at parang hirap na hirap lunokin ang kinakain niya.
“Is it good? Do you like it?”
“I-It’s delicious” mautal-utal na turan ni Doc Vince. Pinagmamasdan ko ang bawat pagsubo niya. Napapangiti ako na nagustohan niya ang niluto ko.
“Sit down and eat” utos niya.
“Thank you sir but I’m your personal maid hindi ako pwedeng sumabay kumain sa’yo……And I don’t eat a heavy breakfast”
Sinamaan niya ako nang tingin. Nginitian ko siya na nagpa lambot sa expression nang mukha niya. Tumayo eto at mukhang tapos nang kumain. Tumigil eto sa paglalakad nang tumapat sa akin.
“You did great on your cooking kahit first time mo pa lang. Good thing you didn't burn the kitchen”
“Okay na sana ang mga sinabi mo dinugtong mo pa na hindi ko nasunog ang kusina mo. Maybe next time I’ll burn your kitchen”
Pang-iinis ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang matigilan ako sa titig niya sa labi ko……
“I think he wants to kiss me again. Go, Doc Vince, hindi kita pipigilan na angkinin ang labi ko” sa isip ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti sa naiisip ko.
Magsasalita pa sana ako para asarin siya nang matigilan ako nang hawiin niya ang ilang hibla nang buhok ko na tumatabing sa mukha ko. Inipit niya sa tainga ko. Hinaplos niya ang mukha ko gamit ang likod nang palad niya……
“Doc Vince nakakain ka lang nang luto ko bumait ka na nang kaunti”
Sumeryoso ang kanyang mukha at iniwan ako nang walang lingon. Tuloy-Tuloy etong naglakad palabas nang komedor.
“Have a wonderful day at work Doctor Vince” sigaw ko na ikinalingon nito. Ngumiti ako nang matamis sa kanya. Muli niyang pinasadahan nang tingin ang katawan ko.
Kapansin-Pansin ang madalas niyang paghagod sa kabuoan ko. Tanging short at t-shirt lang naman ang suot ko at ang apron na binigay ni Nay Luz kanina bago eto umalis.
“Bye Doc, ingat sa pagmamaneho” turan ko na may kalakasan para marinig niya ako. Hindi ko na nakita ang reaction niya dahil nakatalikod na eto at naglalakad na palayo sa akin. Ang ugong nang sasakyan ang sumunod kong narinig.
“Zoe bakit sunog ang longganisa at ang alat nang sinangag” turan ni Lily ang isa sa mga kasambahay sa mansyon na mas bata sa akin nang dalawang taon.
“Talaga maalat?”
Kinuha ko ang kutsara at agad kong tinikman ang sinangag na niluto ko. Naibuga ko ang kinain ko dahil sa sobrang alat nito…Ang longganisa naman mapait at hindi ko kayang kainin……
“Bakit sinabi niyang masarap ang luto ko at kinain niya nang walang reklamo ang pagkaing nilagay ko sa plato niya?” Naibulalas ko ang nasa isip ko……
“First time I cooked for him he ate it kahit na sobrang alat at sunog” sa isip ko.