DAWSON Hindi nagtagal ay lumabas ang doktor mula sa operating room kung nasaan si Cyria. Sabay kaming napatayo ni Zandro at mabilis na lumapit dito pero nag-taas lamang ito ng kamay at nagmamadali na tumakbo kasunod ang isang nurse papunta sa kung saan. "What's going on? Bakit wala siyang sinabi?" frustrated na tanong ni Zandro sa akin. "I don't know, I don't have any idea," sagot ko na mapahilamos na rin ng kamay sa mukha. Hindi ako mapakali, sigurado ako na may hindi nga magandang nangyari kay Cyria sa loob dahil kung wala ay posibleng kinausap na kami ng doktor na lumabas at hindi iyong nagmamadali siyang tumakbo palayo sa amin. "Fvck!" narinig kung mura ni Zandro sabay suntok sa pader. Nailing na lamang ako na nanghihina na na-upo. Panay rin ang ring ng cellphone ko at for the fi