Chapter 35

2352 Words

DAWSON Nagtataka ako dahil lumipas na ang ilang oras ay hindi pa bumabalik si Zandro. Hindi rin nito sinasagot ang bawat tawag ko kaya wala akong ideya kung nasaan na ang magaling na kaibigan ko, dahil mukhang hindi na naman ako naalala nang dahil kay Cyria. Ganito naman lagi si Zandro pagdating sa babaeng iyon. Siya ang kahinaan ng kaibigan ko at baka ikabaliw pa nito kung mawawala si Cyria sa kan'ya. Ito ang dahilan kaya kahit sagad hanggang buto ang galit ko sa anak ng babaeng sumira sa pamilya ko ay hindi ko nagawang saktan o lumapat man lang ang daliri ko sa makinis na balat sa leeg nito, gaya ng matagal ko ng gustong gawin noon para makaganti sa kanila ng magaling kong ama. Alam ko na nakabakod si Zandro kay Cyria. Kaunting kibot at hingiin ay binibigay nito ang gusto ng asawa ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD