CYRIA "Where are you?" mariin na tanong ni Dawson mula sa kabilang linya ng tawagan ako. "Dito sa room ni mommy," tipid na sagot ko. Wala akong ganang makipag-usap sa ngayon dahil ang bigat ng dibdib ko. Mas gugustuhin ko pa na dito na lang muna ako sa loob ng silid ni mommy mamalagi sa mga oras na ito lalo na at alam kong galit na naman si Dawson at hindi rin maganda ang mood ko. "Uuwi na tayo," seryosong sabi nito. Ramdam ko sa tinig ni Dawson na galit pa rin ito. Ayaw kong makipag-talo o magkaroon nang kahit anong sigalot sa kan'ya kaya kahit mabigat ang hakbang ng mga paa ay naglakad ako palabas ng silid ni mommy. Hindi ko akalain na ang sayang naramdaman ko kanina habang papasok sa bahay na ito ay kabaliktaran ngayong aalis na naman ko. "Nasaan po si daddy?" tanong ko sa nakas