DAWSON Masakit ang ulo at halos hindi maimulat ang mga mata na nagising ako. nakakakulili ang paulit-ulit na tunong ng nag-riring na cellphone na hindi ko alam kung nasaan dahil lango ako sa alak ng umuwi dito sa penthouse kagabi. Saglit na naputol ang tawag at muli ay malakas na nag-ring na naman ang cellphone ko. Tanging ito lamang ang naririnig kong ingay dito sa silid ko dahil tulad ng dati ay napakatahimik dito. "What do you want?" inis na tanong ko kay Zandro na siya palang paulit-ulit na tumatawag simula kanina. I wonder kung bakit ako na naman ang tinawagan nito at ano ang ang kailangan niya dahil supposed si Cyria ang ginugulo dapat ni Zandro ngayon at hindi ako. "Where's Ria?" bungad nito agad sa akin. "Bakit mo hinahanap sa akin?" inis na tanong ko. Ginising niya ako ngay