CYRIA Gaya ng gusto ni Dawson ay sa silid na niya ako natulog at dito na rin daw ako matitira. Wala akong ibang dinala pagpasok ko, maliban sa sarili ko dahil pinaiwan ni Dawson ang lahat ng mga damit ko sa dating silid na tinuluyan ko. Ayon sa kan'ya ay hindi ko na kailangan ang mga iyon, lalo pa at may binili naman siyang mga damit para sa akin na siyang araw-araw na isusuot ko. Hindi ko alam kung paano naging damit ang mga binigay niya lalo na at halos wala rin naman itong natakpan sa katawan ko. Pakiramdam ko nga ay wala na akong damit kapag suot ang mga ito dahil bukod sa manipis at maikli rin. Too sexy, iyan ang malimit na naririnig ko kay Dawson. Wala akong reklamo dahil ito ang gusto ng asawa ko. Isa pa, maayos ang lahat sa pagitan namin bagay na pabor sa akin at gusto ko. Mar