CYRIA Nagising ako kinaumagahan na pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa katawan ko. Tama nga ang hinala ko dahil nasa pagitan ako ni Zandro at Dawson na parehong mahimbing ang tulog. Hindi manlang nag-abala na magpalit ang mga ito dahil suot pa rin nila ang damit ng dumating sila galing opisina kagabi. Malakas ang t***k ng puso ko na inalis ang mahigpit na pagkaka-pulupot ng braso ni Zandro sa bewang ko at kamay ni Dawson na nasa kanang dibdib ko. Ngayon lang bumalik sa akin ang naganap na tagpo sa pagitan naming tatlo bago sabay-sabay kaming nakatulog habang nasa pagitan ako ng dalawang lasing na lalaking hindi ako sigurado kung naalala ba nila ang nangyari kagabi sa amin. Bukod sa kailangan kong gumamit ng banyo ay nakasanayan ko na ang gumising ng maag