Tila mababaliw si Reden sa sandaling 'yon, para kasing paglaho ng pera nìya ang pag-asa na mapagamot pa si Katarina. Hindi tuloy nakatulog pa pabalik ang mga kasamang sina Palanca at Cervantes dahil tinulungan na siyang mabawi ang pera kung kinuha man ito ni Pimentel. Panay ang tawag nila sa kasamahan pero mukhang nagpalit na ito ng sim card dahil hindi na nga ito matawagan. "Hindi ko aakalaing kaya tayong tarantaduhin ni Pimentel," bulalas ni Palanca. "Masyado siyang desperado, dapat kasi ay hindi ka nag-iiwan ng pera dito," turan pa ni Cervantes na tila sinisi pa siya kung bakit siya nawalan. Nanlulumong napasapo si Reden sa ulo, plano pa naman niyang ibalik 'yon kay Martha oras na malamang hindi naman ganoon kakumplikado ang sakit ni Katarina. Napatingin sina Cervantes at Palanca