Matamang nakatayo si Reden sa tapat ng malaking bahay ng ama nang may sasakyang biglang huminto sa tapat. "Anong kailangan mo, hijo?" tanong ng driver ng sasakyan na nagbaba ng bintana. Napapahid si Reden ng luha at napatitig sa lalaking kumausap sa kanya na pilit niyang minumukhaan kung ito ba ang kanyang ama. "Hello, ano ang kailangan mo?" untag ng babaeng nasa passensger seat ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan. Agad na pumasok na marahil ay anak ito ng lalaking kumausap sa kanya. "Sweetheart, mukhang pepe yata, hindi nagsasalita," bulalas ng babae at sa narinig ay napagtanto ni Reden na asawa ng lalaki ang babae. Kung pagbabasehan kasi ang edad nila ay tila anak na ng lalaki ang babae. "Ano'ng kailangan mo?" matigas na tanong ng lalaki sa kanya na mukhang naalerto. Halatang tatawag