Hindi nawala sa isipan ni Reden ang patungkol sa tunay na ina ni Katarina kaya kahit mukhang hindi naalala ng Nanay Estrella na ibigay ang address ng babaeng sinasabi nitong ina ni Katarina ay siya na mismo ang humingi rito. "Nanay, maaari ko bang kunin ang address ng Katherine na 'yon?" maang niya sa nanay-nanayan dahilan upang agad na mapakunot ng noo na tila ba nakalimutan agad ang naging usapan nila kahapon. "Desidido ka bang puntahan siya?" tanong nito. "Magbabakasakali lang nanay, wala naman sigurong mawawala," sagot ni Reden. Batid na tila nag-aalinlangan ang nanay-nanayan pero napilitan ding ibigay sa kanya. Paglabas nito ng silid ay may maliit na papel itong hawak kung saan sinulat nito ang address. Agad namang inusisa ni Reden 'yon at mukhang hindi naman kalayuan sa kanila,