Chapter 15: Mayamang Pamilya

1609 Words

Nang hindi pa rin makaimik si Katarina ay lalong nagduda ang katulong na kausap. Naging malalim ang pagtitig sa kanyang mukha hanggang sa makita itong tila may naisip. "Wala rito si Ma'am Katherine, nasa Amerika siya kaya makakaalis ka na," mabilis nitong sambit saka tumalikod. "Manang! Manang!" tawag sa babae. Itatanong sana niya kung kailan ito babalik pero mabilis na nakalayo ang katulong. "Manang!" sigaw pang tawag nang magulat si Katarina nang biglang may bumusina sa kanyang likuran. Mabilis na gumilid bago pa siya sagasahan ng magarang sasakyan papasok na sa malaking gate ng bahay na tinitingnan. Akala niya ay lalagpasan siya nito ngunit nagbaba ito ng bintana at sumungaw ang guwapong mukha ng isang lalaki. "Hi, miss," anito saka naglabas ng isang libong piso na iniabot sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD