Pagbalik ni Reden sa dressing room ay pumapalakpak na sinundan siya ni Mama Beth. "Great job, Reden, mukhang kuhang-kuha mo ang kiliti ng mga parokyano," maarteng palatak nito na halatang tuwang-tuwa. Hindi naman nagtagal ay pumasok roon ang boss nila na si Boss Jan. "May kailangan ka boss?" untag ni Mama Beth sa boss nila. "Gusto kong makausap si Mr. Delgado," pormal na tinig ng boss bagay na agad na napansin ng floor director kaya mabilis na nag-excuse at lumabas ng dressing room. Pagkalabas na pagkalabas nito ay nagsalita agad ang kanilang boss. "Nagpunta si Donya Martha sa opisina ko at gusto niyang bawiin ang perang ibinayad niya sa 'yo," palatak ng boss dahilan upang magsalubong ang kilay niya. "Wala na akong isasauli, kung gusto niya ay habulin niya si Pimentel," palatak sa