Hindi na nagawang bawiin pa ni Reden ang tingin sa babaeng pumukaw ng kanyang pansin. Ito mismo ang unang nagbawi ng tingin at sa kilos ng mga kaibigan nito ay tila tinutukso nila ito. "Mukhang patok na patok ka sa mga parokyano, lakas ng hatak mo," kantiyaw ni Intong. "Lakas mong makadelihensiya, suwerte ni Katarina sa 'yo at may kuya-kuyahan siyang napakabait," bulalas nito na hindi matantiya kung sincere ba ito sa kanyang sinasabi o nang-aasar. "Huwag mo akong simulan, Intong dahil alam kong alam mo na kapwa natin kailangan ang mga trabaho natin," banta sa kaibigan. Napangisi ito. "Hanep, maganda naman ang sinabi ko pero bakit mukhang minasama mo na naman, ganoon na ba ako kasama sa tingin mo?" bulalas nito na puno ng paghihinampo ang tono ng boses. "Hindi naman, sa totoo nga ay nag