"Ano'ng sabi?" untag ni Nanay Estrella niya nang maibaba niya ang kanyang cell phone. Napatitig na lamang si Reden sa ina-inahan, tinatantya kung sasabihin ba rito ang paghahanap sa kanya ng kanyang ama. "May naghahanap po sa 'kin," mahinang wika. "Ganoon ba? Sino naman daw?" usisa pa nito. Nagkibit-balikat siya at minabuting hindi na lamang sabihin ang hinggil sa kanyang tunay na ama. Ngunit kapansin-pansin na hindi mapakali si Reden matapos ng pag-uusap nilang 'yon sa cell phone ng kanilang kapitbahay. "Ayos ka lang ba anak?" untag ni Estrella. "Opo, inay, iniisip ko lang kung papaano mapapadali ang paglikom natin ng pera para sa operasyon niya," pagsisinungaling niyang wika sa ina-inahan tukoy kay Katarina na noon ay tulog pa rin at walang malay. "Ginagawa mo na ang pinakamadali