Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Reden nang lumbas siya sa entablado kung saan ay nagkikislapan ang mga ilaw. Mabuti na lamang at magaling ang make-up artist nila at natapalan nito ang putok nilang labi. Kahit nahihiya si Reden ay pinagbuti niya ang paggiling at pag-indayog sa may pole. Lalong naghiyawan ang mga bakla at matrona sa kanyang ginawa. Lahat ng nakikitang ginagawa ng mga macho dancer na nagpe-perform doon ay ginawa niya. Matapos uminit ang lahat ng parokyano sa kembot at giling niya ay bumaba siya sa entablado. Lahat gustong hawakan siya, lahat gustong maka-score pero ang kahit papaano'y pakonswelo ay ang halagang iniipit ng mga ito sa kakarampot niyang saplot mahawakan lang ang may kalakihan niyang hinaharap. Lalong naging wild ang mga audience sa kany