Nagtungo si Reden sa sala upang manuod ng TV habang naiwan naman sa kusina ang Nanay Estrella nila na nagligpit ng pinagkainan nila. Hindi naman nagtagal ay sumunod roon ang ina-inahan at maharang naupo sa kabilang upuan na tila makikipanuod sa kanya. "Saan ka na naman kukuha ng ipanggagastos sa MRI na 'yon?" usisa nito. Napatigil si Reden dahil iniiwasan talaga niyang magsinungaling sa kanyang nanay-nanayan. "Babale siguro ulit ako—" putol na turan ni Reden nang maramdaman ang pagdantay ng palad ng ina-inahan sa kanyang palad. "Anak, hindi na bibinta sa 'kin 'yan, alam kong mahirap kang pabaliin ng amo mo dahil halos kasisimula mo pa lang sa trabaho," palatak ng ina. Napalunok si Reden dahil mukhang tiklo na siya nito. "Umamin ka nga, anak, ano ba talaga ang trabahong inalok sa 'yo