Chapter 2: Malubhang Karamdaman

1592 Words
Alumpihit na dumulog si Katarina sa hapagkainan dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Redentor kanina. "O, bakit ang tagal mo?" gagad na tanong ni Nanay Estrella sa kanya. Hindi umimik si Katarina at iwas siyang balingan si Redentor. "Hayaan mo na muna siya, nanay, mukhang dinamdam masyado ang biro ko sa kanya," singit nito sa pang-uusisa ng kanilang ina-inahan. Napailing na lamang ang ina-inahan nila sa kanila. "O, siya, kumain na tayo at kanina pa kumakalam ang sikmura ko," wika nito at nagsimula na silang kumain. Nakikiramdam si Katarina ngunit mukhang hindi naman naapektuhan si Reden sa nangyari sa kanila kanina. "Ikaw, Katarina, umayos ka, ginagawa namin lahat ng Kuya Reden mo para makapag-aral ka kaya huwag kang balat sibuyas diyan," paalala ng Nanay Estrella nila. Napabusangot si Katarina sa narinig na parunggit ng ina-inahan. "Mag-aral ka para makahanap ka ng maayos-ayos na trabaho dahil ayaw ko namang habang-buhay kang maging tindera na lamang sa palengke," patuloy na pagpapaalala nito. "Opo, nanay," tanging nasagot niya rito. Nang matapos silang kumain ay si Katarina ang naiwang nagligpit ng pinagkainan nila. Habang nililigpit ang pinagkainan ay narinig ang pagtawag ng Nanay Estrella nila kay Reden. "O, saan ka pupunta, gabi na, a?" palatak nito. Napalingon si Katarina sa direksyon ng kanilang pintuan. "Sa labasan lang nanay, nagyaya kasi si Intong dahil birthday niya," tugon ni Reden. "Naku, tiyak na inuman na naman 'yan, huwag ka nang pumunta," pigil ni Nanay Estrella rito. "Magpapakita lamang ako at babati, uuwi rin agad ako, nanay. Maaga kasi ako sa palengke bukas," tugon naman ito kaya hindi na rin naman ito tumutol. Kahit naghuhugas ng pinggan ay hindi maiwasan ni Katarina na isipin ang guwapong mukha ni Reden. Binubuo sa isipan ang imahinasyong balang-araw ay magiging sila ni Reden at magkakaroon sila ng magaganda at guwapong anak. Napapangiti at napapakinding pa siyang naghuhugas sa ganda ng senaryong pumapasok sa isipan ang hanggang sa bigla ay nagulat siya sa biglaang pagsasalita ng Nanay Estrella niya na nasa likod niya pala. "Masaya ka yata?" untag nito. "Ay, anak ng kabayo!" malakas na tili ni Katarina. "Nanay naman, bakit po kayo nanggugulat," anang niya rito. "Pasensiya ka na kung nagulat kita, bakit mukhang masaya ka ngayon habang kanina ay halos sumayad ang nguso mo sa sahig?" pang-uusisa nito. "Wala po, inay, naalala ko lang po na malapit na pala ang birthday ko," aniya sa ina. Agad rin itong napaisip. "Ay, oo nga, ano? Naku, dalaga ka na talaga, Katarina kaya ayusin mo ang pag-aayos mo sa sarili mo," turan nito. "Opo, inay," aniya at nakangiting bumaling dito. Paniwalang-paniwala kasi itong iyon nga talaga ang rason kung bakit siya nakangiti. *** Kinabukasan ay maagang gumising Katarina dahil may pasok siya sa eskuwela. "Si Reden po, inay?" bungad sa ina na nakaharap sa kalan na halatang isinasangag ang natira nilang kanin kahapon. "Nakaalis na kanina pa," tugon nito. "Maupo ka na at patapos na ako rito," saad ng ina-inahan na agad namang kinatalima ni Katarina nang bigla ay nakaramdam siya ng pagkahilo. "N-Nanay," nauutal na tawag sa Nanay Estrella niya sabay sapo sa kanyang ulo. Nagmamadali siyang dinaluhan ng ina-inahan. "Katarina, anong nangyayari sa 'yong bata ka," puno nang pag-aalalang wika. "Wala pa naman si Reden dito," dinig pang turan nito bago tuluyang nawalan ng malay. "Katarina!" malakas na yugyog ni Estrella ngunit hindi pa rin nagigising si Katarina. Napuno ng pag-aalala lalo pa at hindi ito magawang pulsuhan. Mabilis na lumabas sa kanilang bahay si Estrella at tinawag ang kapitbahay nilang si Tonyo na may tricycle upang itakbo si Katarina sa ospital. Mabilis namang sumaklolo ito at binuhat ang wala pa ring malay na si Katarina. "Diyos ko namang bata ka, bakit namang bigla kang nahimatay," nag-aalalang litanya nito habang lulan na ng tricycle papunta sa pinakamalapit na pampublikong ospital sa kanila. Pagdating sa ospital ay agad naman silang inasikaso ng mga nurses roon. "Manang Estrella, pupuntahan ko si Redentor sa palengke," saad ni Tonyo. "Mabuti pa nga Tonyo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko," maagap na sagot sa lalaki. Kung anu-ano na ang ideya na naglalaro sa isipan ni Nanay Estrella hinggil sa pagkawala ng malay ni Katarina. Isa lang ang naiisip niya, maaaring buntis ito. Mas lalong bumubulusok ang dugo sa isiping may lihim na relasyon ang kanyang mga anak-anakan kaya ganoon ang mga galaw nila. Hindi naman nagtagal ay humahagos na dumating si Redentor na puno ng pag-aalala sa mukha nito. "Nanay, kumusta, anong nangyari kay Katarina?" maang na usisa nito. Mabilis na sinugod ni Nanay Estrella si Reden at binigyan ito ng malakas na sampal. Gulat na gulat naman ang huli sa ginawa ng kanyang ina-inahan. "Nanay," anang ni Reden sa sobrang gulat dahil hindi malaman kung bakit 'yon ginawa ng ina-inahan. Bahagya namang nagulat si Estrella sa nagawa, masyado siyang nadala sa senaryong nasa isip kung ano ang maaaring dahilan ng pagkawala ng malay ng anak-anakang si Katarina. "Umamin ka nga sa 'kin, Redentor, may relasyon ba kayo ni Katarina?" matiim na tanong ng ina-inahan sa kanya. Halos magkasalubong ang noo niya sa narinig na tanong nito. "Nanay, ano naman pong klaseng tanong 'yan," hirit dito. "Sagutin mo ako, Redentor!" halos manginig na turan dahilan upang kabahan si Reden. Kapag ganoon kasi ay tiyak na seryoso na ang ina-inahan. "Wala po, nanay," sagot dito ngunit sa klase ng tingin nito ay tila hindi naniniwala. Napapalunok na lamang siya at baka 'yon na ang pagkakataon para umamin dito na may gusto siya kay Katarina. Matagal ang naging palitan nila ng tingin na tila ba inaarok nito kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Nanay, hindi naman lingid sa amin ni Katarina na hindi talaga kami tunay na magkapatid," panimula niyang wika na mas lalong nagpatiim sa titig ng ina-inahan sa kanya. "Sa totoo lang ay matagal na akong nagkakagusto sa kanya, iwan ko ba pero sa kabila ng kanyang hitsura ay hindi ko maiwasang umibig sa kanya, marahil ay busilak ang puso niya at 'yon ang nagustuhan ko sa kanya," pag-aamin ni Reden sa namumuong damdamin para kay Katarina. Tahumik lamang na nakikinig ang kanyang ina-inahan nang bigla ay nilapitan sila ng isang nurse. "Hello po, ma'am, sir, kayo po ba ang kamag-anak ni Ma'am Katarina Lopez?" pukaw ng babaeng nurse. "Oo, ma'am, kami nga po, anong sakit ng anak ko?" mabilis na usisa ni Nanay Estrella sa nurse. "Si doc na lang po ang magpapaliwanag sa inyo, in the meantime ay nasa ward na po ang pasyente, puntahan niyo na lang po siya roon," bigay-alam ng nurse saka rin agad na nagpaalam. Mabilis na tinungo nina Reden at Nanay Estrella ang ward at doon ay nakita nilang gising na si Katarina. "Kumusta ang pakiramdam mo?" agad na usisa. "Ayos naman na nanay, baka mamaya ay uuwi na rin tayo. Napuyat lang siguro ako," anang ni Katarina sa maaaring dahilan ng pagkawala niya ng malay. Maya-maya ay may doktor na lumapit sa kanila. "Hello po, sino po ang pwede kong makausap hinggil sa kondisyon ng pasyente?" wika nito. Nagtinginan sina Redentor at ni Nanay Estrella. "Mabuti pa ay ikaw na Reden para lubos mong maintindihan," wika ni Nanay Estrella. Walang nagawa si Reden kundi ang sumunod sa doktor. May kabang umahon sa dibdib dahil mukhang hindi basta-basta ang sasabihin ng doktor. Pagdating nila sa opisina nito ay doon niya nalaman na hindi pa nila tukoy ang dahilan ng pagkawala nito ng malay pero ayon daw sa interview nito kay Katarina matapos gumising at ilang beses na raw nitong naramdaman ang pananakit ng ulo na akala lang niya ay migraine. "Sa ngayon ay papauwiin namin siya pero kailangan nating idaan siya sa ilang series of test," saad ng doktor. "Sana lang ay hindi totoo ang hinala ko," hirit pa nito. "Na, ano doc?" lakas-loob na sabad ni Reden sa doktor. Bumuntong-hininga ito. "Karaniwang ganito kasi ang sintomas ng isang brain tumor ocancer, usually, kapag nagpapakita na ng symptoms ay late stage na," hayag ng doktor na talagang gumimbal kay Redentor. 'Brain cancer?' ulit sa isipan. High school graduate lamang siya pero alam niya na kapag sinabing cancer ay isang malubhang sakit at mahal ang pagpapagamot ng ganoong uri ng sakit. "Kaya sinasabi ko sa inyo, sir ay ngayon pa lamang ay maghanda na kayo dahil hindi biro ang gamutan sa ganitong karamdaman," wika pa ng doktor. Halos hindi na nakapagsalita si Reden nang lisanin ang opisina ng doktor. Para siyang naglalakad na hangin patungo sa casher kung saan babayaran ang hospital bill nila para makalabas na si Katarina. Ang ipon niyang ibibili sana niya ng cell phone ay binawasan na niya para makauwi na sila. Kapansin-pansin ang pananahimik ni Reden bagay na hindi nalingid sa paningin ni Nanay Estrella. Nang makauwi sila ay pinagpahinga na muna nito si Katarina sa silid nila bago kinausap si Redentor upang malaman kung ano ang sinabi ng doktor rito. "Anong sabi ng doktor?" usisa. Napabaling si Reden sa nanay-nanayan na noon ay nakatayo sa may pintuan ng silid nila ni Katarina. "Huwag kang mag-alala, tulog na siya," maagap na wika nito nang mapansing alumpihit siyang magsalita dahil baka marinig ni Katarina. "Malubha ba?" untag pa ni Nanay Estrella. Nilamukos ni Reden ang mukha saka yumuko sa kanilang mesa, nang balingan ang ina-inahan ay kitang namumula na ang mukha niya. "Kailangang dumaan si Katarina sa ilang laboratory test, baka daw may brain tumor o cancer siya," bigay-alam kay Nanay Estrella. Tila nanghihina itong naupo sa katapat niyang upuan sa nalaman. "C-Cancer?" naluluhang ulit nito. Tumango-tango si Reden na naiiyak sa kapalaran ng babaeng lihim na iniibig sa kabila ng pangit nitong mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD