Chapter 3: Pagnanasa ng Nakaraan

1582 Words
Napahagulgol si Nanay Estrella sa sinabi ni Redentor hinggil sa maaaring karamdaman ni Katarina. "Diyos ko, anong pagsubok itong binigay mo sa 'min?" usal nito habang yakap-yakap ni Reden. "Gagawa ako ng paraan para mapagamot natin si Katarina," determinadong turan sa ina-inahan. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanya. "Mahal ko siya, nanay, kahit anong pigil ko ay hindi ko magawang pigilin ang damdamin ko sa kanya," tuluyang amin ni Reden sa nanay-nanayan. "Paano? Mahal yata ang gamutan ng sakit na 'yon?" puno ng pag-aalalang sambit nito habang humihikbi. Humugot ng malalim na paghinga si Redentor, ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa ina-inahan dahil mas lalo lang itong manghihina. "Magdodoble kayod ako, nanay, gagawa ako ng paraan para hindi ka na mag-alala," ani Reden. "Hindi ko maiwasang mag-alala, anak, para ko na kayong tunay na anak ni Katarina at hindi ko kayang mawala kayo sa 'kin," malungkot nitong saad. Napangiti si Reden sa narinig na sinabi ng ina-inahan, sabagay, noon pa man ay ramdam nila 'yon ni Katarina dahil hindi sila nito pinabayaan. "Nanay, aalis muna ako," paalam sa ina-inahan. "Saan ka pupunta, gabi na, a?" awat nito. "Kakausapin ko lang si Intong, nanay, may nabanggit kasi si Intong noong birthday niya na may trabaho raw na inaalok sa kanya. Baka pwedeng ako na lang ang ipasok niya," sagot sa ina. "Ganoon ba? O, siya mag-iingat ka at umuwi ka rin agad," paalala pa ng ina sa kanya. Mabilis na nagtungo si Reden sa bahay nina Intong, narinig kasi niya ang kuwentuhan nila noong nagtungo siya sa birthday nito. Malaki raw ang sahuran sa kanyang trabaho kaya nagawa niyang magpainom sa barkada nila at maghanda ng marami, may naiuwi pa nga siyang pagkain para sa ina at kay Katarina. Pagdating kina Intong ay naghahanda naman itong pumasok, sa sentro sa kabilang bayan kasi ang trabaho nito. May motorsiklo si Intong kaya madali para sa kanya ang mag-uwian galing sa trabaho. "O, Redentor, napasugod ka yata?" maang na turan ng kaibigan nang malabasan siya nito sa kanilang sala. "Itatanong ko sana kung tumatanggap pa sa sinasabi mong trabaho?" agad na sabad kay Intong. Napakunot-noo ito dahil noong ialok nito sa kanya ay tahasan siyang tumanggi dahil hindi niya maiwan ang Nanay Estrella at si Katarina. "Akala ko ba ay hindi ka interesado at ayaw mong iwan ang nanay-nanayan mo at kapatid mo," wika nito. "Nagbago na ang isip ko, kailangan ko ng malaking pagkakakitaan," bulalas niya. Natitigilang nakatitig si Intong sa kanya, marahil ay nababaghan sa nakikitang hitsura niya. "May sakit si Katarina, Intong, kaya pakiusap kung pwede ay ipasok mo ako sa pinagtatrabahuan mo," pakiusap niya rito. Kita ni Reden ang matiim na pagtitig ng kaibigan na tila ba tinatantya kung ipapasok siya sa trabaho o hindi. "Bakit 'tol wala na ba 'yong trabaho na sinabi mo noong isang gabi?" untag niya sa kaibigan. "Ha? M-Meron pa naman pero sure ka ba?" untag nito sa kanya. "Oo, kailangan kong kumita ng malaki-laki," turan sa kaibigan. Muli siyang tinitigan nito bago pumayag. "Sige 'tol, ihanda mo ang ilang gamit mo at dadalhin kita bukas ng gabi sa trabaho," payag ni Intong sa kanya. Awtomatikong napangiti si Reden sa narinig na pagpayag ng kaibigan. "Salamat 'tol, kailangan ko lang makaipon para sa magiging gamutan ni Katarina," aniya. "Naku, mahal na mahal mo ang kapatid mong 'yon kahit hindi mo tunay na kapatid ay gagawin mo ang lahat para gumaling siya," hirit nito. Napangiti na lamang si Reden, mukhang wala namang malisya ang pagkakasabi ni Intong sa sinabi nito hinggil sa pagmamahal kay Katatina. "Sasabihin ko na sa 'yo, Reden, puyat ang kalaban sa trabahong ito, dapat din ay matapang ka," paalala ni Intong. "Ano nga palang trabaho mo?" hindi maiwasang itanong dito. "Call boy," sagot ni Intong na kinapula ng mukha ni Reden. Tumawa ng malakas si Intong nang makita ang reaksyon niya. "Loko! Security guard sa isang malaking club, tawag nila doon bouncer," paliwanag nito na tawang-tawa pa rin. "Ikaw kung gusto mo ng malaki-laking kita, pwede kang pa-take-out sa mga matrona at bakla," hirit pa ni Intong na hindi maampat-ampat ang pagtawa dahil mas lalong namula si Reden. Nabigla si Reden sa narinig na magiging trabaho niya ngunit kalaunan ay naisip niyang hindi mapapagamot ng kanyang pagiging mahiyain si Katarina. "Ano, kaya ba?" untag ni Intong sa kanya. "Oo naman," mabilis na tugon ni Reden. "Mayayaman ang mga parokyano doon kaya mabilis kang makakaipon kung alam mong dumiskarte," kindat pa ni Intong saka isinukbit ang maliit nitong bag upang makaalis na bago pa ito ma-late sa trabaho nito na magsisimula ng alas nueve ng gabi. Nang makaalis si Intong ay nagpaalam na rin siya sa nanay nitong nanunuod ng TV sa sala nila. "Sige, mag-iingat ka, pagpasensiyahan mo na ang kaibigan mong 'yon masyadong maloko," hirit pa nito. Batid niyang napakinggan nito ang naging usapan nito. Napangiti rin siya. "Ayos lang po, sige po, tutuloy na po ako," tuluyang paalam sa ginang. Pauwi na si Reden nang mapadaan sa tindahan sa kanilang kanto, lalampas na sana siya nang tawagin siya ni Maureen, ang dating kasintahan. "Reden," tawag nito. Hindi sana ito papansinin ngunit humarang ang babae sa daraanan niya. Tinitigan niya ito ng matalim. "Galit ka pa rin ba sa 'kin?" untag nito. "Sinong hindi magagalit sa ginawa mo, pinagsabay mo kami?" palatak ni Reden kay Maureen. "S-sorry, sinagot ko lang naman si Francis kasi kailangan ko ang pera niya pero ikaw ang mahal ko," palatak nito dahilan upang mas lalong mainis si Reden sa sinabing dahilan ng dating kasintahan. Para kasing ipinamukha nito kung gaano siya kahirap. "Ang babaw mo!" aniya saka iniwasan ang babae pero mabilis siya nitong niyakap. "Please, Reden, miss na kita, miss ko na ang mga yakap at halik mo," sumamo pa ni Maureen na maagap siyang niyakap nito bago pa siya makalayo. "Maureen!" banas na turan ni Reden saka mabilis na tinanggal ang nakayakap na kamay ng babae. "Pwede ba, tigilan mo na ako dahil wala akong balak makihati!" aniya kahit pa may ilang tao na naagaw ng atensyon dahil sa eksenang ginawa ng babae. "No, Reden, hindi ako makapapayag na mawala ka sa 'kin," matigas na wika ni Maureen. Siya pa ang may ganang magmatigas gayong ito ang nagloko sa relasyong meron sila. Ayos naman ang relasyon nila pero unti-unti ay nare-realize ang puwang na iniiwan ni Katarina sa puso, idagdag pang nalaman niya ang panloloko ng kasintahan kaya tuluyan itong kalasan. "Wala na tayo, Maureen mula nang lokohin mo ako," saad sa babae saka iniwan ito ngunit maagap naman nitong hinawakan ang kanyang braso. "Please, Reden, miss na miss na kita," bulong ng babae sa kanya sabay haplos ng braso na nagpapahiwatig na gusto siya nitong maka-s*x. Piniksi niya ang kamay ng babae at hindi na sana niya papansinin ngunit naging mapangahas si Maureen at marahan at palihim na hinaplos ang kanyang kaumbukan. Matagal na rin noong huling may nangyari sa kanila kaya kung tutuusin ay tigang na tigang siya. Napansin yata ni Maureen na natahimik siya kasabay nang sunod-sunod na paglunok kaya napangisi ito. "Stop it, Maureen," inis mang wika pero totoo ay nasasabik siyang makasiping ito. "Come on, Reden, alam kong nasasabik ka rin sa 'kin," ngiting wika nito. "Willing naman ako," bulong pa. Lalong gumapang ang pananabik kay Reden, lalaki lang siya at may pangangailangan, tutal ito naman ang lumalapit kaya sino ba siya para tumanggi. Mabilis na hinawakan ang kamay ng dating kasintahan saka tinungo ang apartment nito. Nangingising nagpatianod na lamang si Maureen sa kanya dahil akala nito ay nagtagumpay na naman itong paikutun siya. Pagpasok pa lamang sa apartment nito ay mabilis na sinibasib ang labi nito, agad namang pumulupot ang braso nito sa leeg. Makapugtong halik ang pinalasap kay Maureen, sabik na sabik rin ito at mabilis na kinalas ang nakapulupot na braso sa leeg at sinimulang gumapang ang palad nito sa katawan hanggang sa makarating sa may buckle ng kanyang sinturon. Pinigil niya 'yon dahil sumingit sa isipan ang mukha ni Katarina. "Bakit, ayaw mo ba?" nang-aakit na wika ni Maureen na noon ay sinimulang hubarin ang crop top nito na hapit na hapit sa katawan niya na kita ang pusod nito. Hindi naman maipagkakailang maganda at seksi si Maureen na siyang unang bumighani sa kanya noon kaya hindi maiwasang tablan kahit anong pigil ang gawin niya. Lalo pang naglaway si Reden nang sunod na hinubad ng dating kasintaan ang suot na mini skirt at tumambad ang maalindog nitong katawan. Lumapit ito sa kanya at ikiniskis ang hubad na katawan dahilan upang hindi na naman mapigilang sibasibin ang labi nito saka kinubkob ng dalawang palad ang nagtatayugan nitong dibdib na binabalutan pa rin ng suot niyang push-up bra. "Uhmmm!" ungol na namutawi sa bibig ng babae na mas lalong bumaliw sa nalalasing na isipan ni Reden. Nasasabik at nanggigigil na ginagalugad ang labi nito habang ang mga palad ay panay ang haplos sa kabuuan ng katawan nito. Habang ito naman ay nagmamadali ang mga kamay na tanggalin ang kanyang saplot. Kapwa sabik sa isa't isa, unti-unting nahubad ni Maureen ang kanyang saplot kaya sinimulan na rin niyang baklasin ang hook ng bra nito gamit ang isang palad habang ang isa naman ay pumasok sa loob ng suot na panty at doon ay naglulumikot. "Ohhh!" sabayang ungol niya matapos hawakan ni Maureen ang kanyang kahawaan. Kapwa hibang sa sensasyong dulot ng makamundong damdamin. Lalo pang nabaliw si Reden nang unti-unting lumuhod si Maureen sa harap at tila aliping walang nais kundi ang paligayahin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD