KABANATA 1

1528 Words
AGE FIFTEEN Napatakip ako sa aking tainga nang makarinig ako nang sunod-sunod na pagputok ng baril. Akala ko noon, magiging payapa na ang buhay namin…hindi pa rin pala. Few years ago, namatay ang aking ama dahil sa mga hindi kilalang lalaki. Nakatakas kami ni Mama at simula noon panay na ang pagtatago namin. Akala ko, kahit wala na si Papa, maibabalik pa iyong normal na buhay namin ng mama ko. Doon ako nagkamali. Naandito na ulit sila. “Chiara, makinig ka kay Mama.” Tulala ako at wala sa sarili. Iniisip ko kung anong dapat gawin. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Makakaligtas ba ulit kami ni Mama? Makikita ko pa kaya ulit ang pagsikat ng araw? Hinawakan ni Mama ang pisngi ko. May dugo ang kamay niya dahil may tama siya ng baril sa kanyang braso. Nabaril siya nang protektahan niya ako kanina. Tumutulo ang luha ko. Kahit ayokong umiyak, kusa silang bumabagsak. Hinanap ni Mama ang mata ko at nang magkasalubong kami ng tingin ay pilit siyang ngumiti kahit kita ko ang takot sa mga mata niya at…pagpapaalam, na akala mo ay ito na ang huling beses na magkikita kaming dalawa. “Mama—” “Tumakas ka, anak. Tumakbo ka hangga’t may daan kang nakikita. Tumakbo ka hangga’t kaya nang mga paa mo. Huwag kang titigil and don’t look back, naiintindihan mo ba ako? Basta at tumakbo ka lang hanggang sa maramdaman mong ligtas ka na.” Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako nang mahigpit. “You’re the greatest gift na natanggap ko sa buhay ko. Poprotektahan kita kahit anong mangyari.” Nang mga oras na iyon, hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi sa akin ng aking ina. Ang alam ko lang, hindi ko gusto ang sinasabi niya. “Mama, paano ka? Hindi kita pwedeng iwan dito. Umalis na tayo—” Umiling siya at pinawi ang luha ko. Nanginginig ang katawan niya at hindi ko iyon gusto. “Poprotektahan ka ni Mama, Chiara. Kahit anong mangyari, parati akong nasa tabi mo.” Muli niya akong niyakap. Mahigpit ko rin siyang niyakap dahil malakas ang pakiramdam ko na ito na ang huli. Nang makarinig kami ng boses ng mga lalaki ay itinulak ako ni Mama. “Run, Chiara!” Nakinig ako sa sinabi niya. Tumakbo ako at kagaya ng sinabi niya ay hindi ako tumigil at hindi ako lumingon muli. Kahit noong nakarinig ako ng putok ng baril, hindi ako lumingon. I clenched my fist and just run. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa dulo ng tinatahak kong daan pero kailangan kong sundin si Mama. Bumuhos ang malakas na ulan kaya naging madulas ang aking dinaraanan. May naririnig pa rin akong boses ng mga lalaki na tila sinusundan ako pero hindi nila alam kung nasaan ang eksaktong kinaroroonan ko. Nadapa ako nang hindi ko mapansin ang ugat ng malaking puno. Sumumbsob ang mukha ko sa putikan. Mabilis akong tumayo at tumakbong muli. Tumakbo ako nang tumakbo. Wala akong oras na indahin ang pananakit ng katawan ko o tingnan ang sugat na natamo ko sa pagkakadapa. Napatakip ako sa aking tainga nang isang beses pa akong nakarinig ng pagputok ng baril. They were shouting in a foreign language that I couldn’t understand—Italian. At some point, ginusto kong tumigil na lang sa paglalakad at sumuko. Hayaan ang mga taong sumusunod sa akin na gawin ang kung anong gusto nilang gawin. Baka kapag ginawa ko iyon, makasama ko ulit ang mama at papa ko. Baka makita ko ulit sila at maging masaya ulit ang buhay namin. Napatigil ako sa pagtakbo nang masilaw ako ng isang ilaw. Napapikit ako and I hear a screeching sound. Muntikan na akong masagasaan ng isang kotse kung hindi niya lamang naiiwas agad ang kotse niya. Mabilis na bumaba ang driver. Lumapit ito sa akin. Nakakunot ang kanyang noo. Matangkad ang lalaki at nakakatakot. Iniisip ko pa na baka kasamahan siya ng mga taong humahabol sa akin. “Do you have a death wish, little kid?!” Nanatili lamang akong nakatayo roon. Basang-basa na ng ulan ang buong katawan ko at may bahid ng putik ang aking mukha. Tiningnan akong mabuti ng lalaki. He has cold eyes while observing me. Iniisip ko na sana nabunggo na nga lang ako. Pero naisip ko rin na kung mawawala ako, paano ko mabibigyang hustisya ang nangyari sa pamilya ko? I can’t die. “Umalis ka sa daan at baka nga mabangga ka pa.” Nang mapansin ko na papaalis na siya ay hinawakan ko ang damit niya. “P-Please, save me…” Napatigil ang lalaki at tumingin sa akin. Salubong ang kanyang kilay at halatang hindi alam kung anong gagawin sa akin. Bago pa siya makapagsalita, bumukas muli ang pinto ng kotse. Lumabas ang isa mula sa passenger’s seat, may hawak siyang payong bago pumunta sa may backseat at buksan ang pinto. Isa pang lalaki ag lumabas, pero hindi kagaya ng dalawang naunang lalaki, mas bata ang lalaki. “What’s happening here?” tanong ng mas batang lalaki. “Signorino,” bati ng lalaking hawak ko ang damit. Nanatili akong nakatingin sa mas batang lalaki. He has expressionless eyes. Iyong tipong kahit gaano mo kagustong malaman kung anong iniisip niya, hindi mo malalaman because he’s not giving anything. “Huwag po kayong mag-alala. Nakaharang kasi itong batang babae sa daraanan natin kaya—” Nang makita ko ang pangatlong lalaki, alam ko na mali ako ng taong hinihingian ng tulong. Binitawan ko iyong kausap ko kanina at humarap sa mas batang lalaki. Tiningnan niya lamang ako at inoobserbahan ang bawat galaw ko. I was mesmerized by how beautiful he was…intimidatingly beautiful. Lumuhod ako sa harapan niya. Iniyuko ko ang ulo ko at halos halikan ko ang maputik na daan. “Parang awa ninyo na, tulungan ninyo ako. P-Please, save me…” Naririnig ko na naman ang mga boses. Malayo pa iyon pero malapit na silang makarating dito. Gumapang ako at lumapit sa lalaki. Hinawakan ko ang pants niya. Sinipa ako ng isang lalaki at pinapaalis dahil nadudumihan ko ang suot ng young master nila. But he was just staring at me. “Please…” “And what will I get in return?” That caught me off guard. Hindi ko alam kung anong gusto niya o anong pwede kong ibigay sa kanya. Walang-wala ako at walang materyal na bagay akong maibabayad sa kanya. Ang mayroon lang ako ngayon ay sarili ko. He crouches towards me, a devilish smile plastered on his lips. Nangilabot ako. “You don’t expect my help to be free of charge.” Mabilis akong nag-isip kung anong gugustuhing kapalit ng isang kagaya niya. Nang marinig ko ang boses ng mga lalaking humahabol sa akin, para akong aatakihin sa puso. No, I refuse to die until I get my revenge. “A-Anything. Kahit anong gusto mo. B-Basta tulungan mo lang ako.” I was helpless. Kung hindi ako hihingi ng tulong sa kanya, mamamatay ako rito. My parents sacrificed they lives for me, hindi ko iyon sasayangin. Tumaas ang isang kilay niya. “Anything is such a big word.” Tumayo siya nang maayos. Ang mga yabag na sa malayo ko lamang naririnig kanina ay narinig ko na sa may gilid ko. Naabutan na ako ng mga humahabol sa akin at hindi ko pa alam kung tutulungan ba ako ng lalaki. “Get her!” sigaw ng isa sa mga lalaking humahabol sa akin. Napapikit ako ng aking mata at ramdam ko ang takot na kumakalat sa buong katawan ko. This is the end. I’m sorry, Mama. Nakarinig ako nang sunod-sunod na pagputok ng baril. Napaigtad ako, iniisip na ako ang binaril. Ngunit nang buksan ko ang mga mata ko, wala akong nararamdamang kahit anong sakit. I am alive. Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. May hawak siyang baril at base sa usok sa dulo ng baril, siya ang nagpaputok nito kanina. Nilingon ko ang mga lalaking humahabol sa akin, lahat sila ay nakahiga na sa lupa. “The p*****t I want is your life.” Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at tumingin din siya sa akin. “You will serve me until the day you die. I own you from now on. Try to breach that, and I will be the one to put a bullet in your head.” Ibinigay niya sa kasama niya ang baril. Tinalikuran niya ako at tumayo ako sa kinaluluhuran ko. Napalagok ako, both glad I am alive and scared that I had to deal with this man now. “T-Thank you…” Wala akong ibang masabi sa kanya kaya iyon na lamang. Nilingon niya akong muli at isang ngisi na naman ang pinakita niya. “Are you sure you should be thanking me?” Hindi ako nagsalita. Sumenyas siya sa akin. “Get in the car.” Bago ako tuluyang sumunod sa lalaki ay muli kong kinuha ang atensyon niya. “A-Anong pangalan mo?” There was a long pause bago siya magsalitang muli. “Yvo. Yvo Montecalvo.” And that night, I just made a deal with the devil. My devil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD