KABANATA 2

2301 Words
HINDI ko mapigilan ang aking sarili na magbalik-tanaw sa kung paano kami unang nagkakilala ni Yvo. I was so sure I wanted to die that night, kasi alam ko na wala na akong babalikan kahit makatakas ako. My father was dead, my mother was killed. Wala akong ibang relatives at mag-isa na lang ako. Ngunit sa gitna ng pagtakas ko sa mga lalaking gusto kumitil ng buhay ko, naisip ko na kailangan kong maghiganti sa ginawa nila sa mga magulang ko at kung mawawala rin ako, sinong gagawa nito para sa kanila? Yvo was not the knight in shining armor riding a white horse; he was a black knight riding his dark horse. Simula nang gabi makita ako ni Yvo, nagbago ang buong buhay ko. He trained me to be part of his army. I am he only lady guards na mayroon siya ngayon. Pinag-aral niya rin ako noong nalaman niya na gusto kong mag-aral. Yvo became my guardian ever since. Utang na loob ko ang buhay ko sa kanya at kung bakit may maayos na buhay ako ngayon. May limang taong agwat sa edad namin pero hindi iyon naging dahilan para hindi ako mahulog sa kanya. Our s****l relationship started when I hit the age 20 and he was 25. Someone was courting me sa college. Nang malaman iyon ni Yvo, he claimed me, fully. Mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Mas lalo lamang akong na-attach sa kanya. Alam ko, wala na akong kawala. Gusto kong isipin that he’s possessive with me because he wants me for himself, pero alam ko na hanggang pangarap lamang iyon. He’s destined to marry someone else…who wasn’t me, unfortunately. Ganoon man, handa kong ibigay kay Yvo ang lahat. Kung gusto niyang gamitin ang katawan ko hanggang sa mapakasalan niya si Terina, handa akong ibigay iyon sa kanya. Kahit ako lang ang nagmamahal, kahit alam ko na maaaring hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko. Siguro ang hindi ko lang kakayanin, maging kabit. Kaya habang wala pa, handa akong ibigay sa kanya ang kabuuan ko. Dahil sa oras na magpakasal si Yvo, alam ko na matatapos ang kung anong relasyon na mayroon kami. It will hurt me to see the man I love marrying another woman, but ever since it was decided, inihanda ko na rin ang sarili ko. Am I stupid? Maybe. But if it wasn’t for that man, I wouldn’t be here. Siguro ay nasa mas hindi magandang sitwasyon ako, and worse, I am dead. “Chiara!” Bumalik ako sa ulirat ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae. Nasa training ground ako ng mga Montecalvo. Nagpapahinga dahil kakatapos ko lamang mag-strength training. Nilingon ko ang tumawag sa akin at sinalubong ako ng nakangiti niyang labi. “Aneesa…” Kumaway siya sa akin at naupo sa tabi ko. She’s wearing a simple purple tulle dress. She looks magnificent and like a princess. Aneesa Montecalvo is the wife of the Don of the Montecalvo Family—Sylvester—Yvo’s older brother. Napatingin ako sa suot ko. Naka-training uniform ako at kung ilalapit ako kay Aneesa ay mukha akong basahan. Well, hindi naman din talaga ako mahilig mag-ayos o magsuot ng mga dresses. Pakiramdam ko ay hindi bagay sa akin ang ganyan. Ganoon man, hindi ko mapigilang mainggit. Naisip ko, ano kayang magiging reaksyon ni Yvo kung makikita niya akong naka-dress at naka-make up? Makikita niya kaya ako bilang isang babae. May mararamdaman kaya siya para sa akin? Mabilis kong iniling ang aking ulo para mawala ang mga pumapasok sa isipan ko. “Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?” Nakita ko sa hindi kalayuan ang mga bodyguards niya. “Si Silver. Naandito raw si Yvo. May pag-uusapan ata silang dalawa. Sumama ako, thinking you might be here. I guess right. Naandito ka nga rin.” Itinago ko ang pagnguso ko. Aneesa is a good friend. Hindi ko man ipakita pero masaya ako na tinatrato niya akong hindi iba sa kanya. Kahit magkaiba kami ng katayuan sa buhay. Aneesa is from a wealthy family. Bagay na bagay silang dalawa ni Sir Silver. Ako? Hindi ako nababagay sa mundo nila. Kaya masaya na ako na nagagawa ko pang makalapit kay Yvo. Hindi na ako maghahangad nang mas higit pa roon. “May problema ba? You’re awfully quiet today.” Kinagat ko ang aking labi. Masyado bang halata na may mga gumugulo sa isipan ko? “Tahimik naman talaga ako—” “Oh, come on! Alam ko kapag may bumabagabag sa ‘yo, Chiara. What is it? If you don’t mind sharing, I will listen naman.” Kahit kaibigan ko si Aneesa, may mga pagkakataon na hindi ko kayang sabihin sa kanya ang iniisip ko. Paano kung isipin niya na masyadong mataas ang pangarap ko at mag-iba ang tingin niya sa akin? “Is it about Yvo?” Nagulat ako sa sinabi niya ngunit mukhang hindi masyadong halata ang reaksyon ko sa aking mukha. They say I am emotionless and cold. “Kahit hindi mo sabihin sa akin, I know you have feelings for Yvo. Hindi lang ako nagsasalita dahil hinihintay ko na ikaw mismo ang mag-open sa akin.” Nakaawang ang aking labi. Itinikom ko iyon pero naisip din na magsalita. “Paano mo…” “Paano ko nalaman? It’s simple, Chiara. You have the same expression in your eyes when you look at him, the same expression I have whenever I look at my husband. Kaya alam ko.” Kinindatan niya ako matapos sabihin ang mga salitang iyon. Napayuko ako. Nakakahiya na nalaman ni Aneesa ang tungkol doon. I always thought I was unreadable, pero siguro ay may mga tao lang talagang observant masyado. Ngunit alam ko rin na kahit anong nararamdaman ko para kay Yvo, hindi iyon mahalaga. Mas gusto kong kimkimin kaysa masira ang kung ano mang mayroon kami ngayon. Yvo is destined to marry someone else. Nakapili na siya ng babaeng pakakasalan niya. Ako? Kapag nangyari iyon, I’ll be out of the picture. Kakayanin ko ba? Oo at hindi. Kakayanin kong sabihin na okay lang sa akin iyon, kahit ang totoong nararamdaman ko ay pagkawasak ng puso ko. Bumagsak ang balikat ni Aneesa nang mapansin na hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang. “I don’t know if Yvo is capable of feeling something like love, Chiara. You’re young and beautiful. Kung hindi kayang ibigay ni Yvo sa ‘yo ang nararamdaman mo…I don’t know, I just want you to be happy.” Tiningnan ko si Aneesa. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko masuklian. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung paano ba ngumiti sa ibang tao. Nakalimutan ko na kung paano gawin iyon. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling ngumiti sa harap ng iba. Sa isang tao lang naman ako…nagkakaroon ng emosyon. “Chiara…” Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Aneesa nang marinig ko ang pagtawag ni Rocco sa akin. Isa si Rocco sa mga tauhan ng mga Montecalvo. Parte siya ng Elite Squad kung saan ay mga malalaking operasyon ang ibinibigay sa kanila. “May problema lang ako sa report mo,” sabi niya. Napataas ang aking kilay dahil doon. I submitted my report about what happened to our operation last week, and I thought it was perfect. Anong problema niya sa report na ginawa ko? May dalawa siyang lalaking kasama at makahulugan na nakangiti sa akin. Kumunot ang noo ko bago muling ibalik kay Rocco ang buong atensyon. “Anong problema?” Inalala ko pa kung may mga bagay akong nailagay roon. Isinabay ko kasi ang paggaawa nito sa mga activities ko sa university kaya baka may napahalo. Yes, nag-aaraal ako ng kolehiyo at kapalit nito ay pagtatrabaho sa mga Montecalvo. Isa ang makapagtapos ng pag-aaral ang pangarap ng mga magulang ko sa akin noong nabubuhay pa sila, kaya tutuparin ko iyon. “Pwede ba natin itong pag-usapan? Maybe after work. Dinner.” Nag-high five ang dalawang kasama niya. Rocco is stoic. Minsan ay hindi magaanda ang pakikitungo niya sa akin at mas pinapansin niya ang pagkakamali ko kaysa sa mga tamang ginagawa ko. Kaya bakit parang…nahihiya siya ngayon? “Is that a date?” Nakuha ni Aneesa ang aking atensyon. Ngumiti siya at kinindatan ako. Magandang lalaki naman si Rocco kaya lang, hindi ako nakikipag-date. Isa pa, imposible naman iyon dahil ayaw ni Rocco sa akin. Lagi niya nga akong pinagagalitan. Tumikhim si Rocco at bago pa niya masagot ang tanong ni Aneesa ay may narinig na kaming putok ng baril. Sobrang bilis ng pangyayari na lahat ay napatigil. Nagmula sa may likod ko ang putok ng baril, dumaplis sa may leeg ni Rocco ang bala, at tumama sa mismong gitna ng isang firing target na may kalayuan sa amin. “Wow!” sabi ni Aneesa nang makita na naasinta ng nagpaputok ng baril ang target kahit sa layo ng distansya nito. Pinagkaguluhan din ito ng iba pang tauhan na nakasaksi. Tiningnan ko si Rocco. Nabigla rin siya sa nangyari. Itinuro ko kay Rocco ang leeg niya. “You’re bleeding.” Napahawak siya sa leeg niya. Hindi naman ito malaking sugat at daplis lang ngunit hindi pwedeng hayaan lamang. “Chiara.” Napaupo ako nang tuwid nang marinig ko ang boses na iyon mula sa likod ko. Nagtayuan ang aking balahibo by just hearing his voice. Nilingon ko ito at nakita ko si Yvo. Hawak niya ang isang baril na sa tingin ko ay ginamit niya para daplisan si Rocco sa leeg at ma-hit ang firing target. Tumayo kaming lahat ng diretso para batiin ng may paggalang si Yvo at si Silver. “Good morning, Sir Silver and Sir Yvo.” Tiningnan ni Yvo si Rocco. His eyes darkened and for a moment, akala ko ay may plano siyang patayin si Rocco. “What are you doing?” Yvo asked in no particular person. “Sir, niyaya ni Rocco si Chiara na makipag-date.” Inasar ng mga kasama niya si Rocco. Tiningnan ako ni Yvo at tumalim ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung para kanino ang galit niya. Para ba sa akin o para sa iba? Hindi pinansin ni Yvo ang sinabi ng ibang tao. Nanatili siyang nakatingin sa akin. “Chiara, come with me. I need to talk to you.” Tumalikod na si Yvo at naglakad. “Yes, Sir.” Tumingin muna ako kina Rocco at nagpaalam. “Sorry, hindi ako pwede mamaya. Kung may problema sa report ko, sabihin mo na lang at aayusin ko.” Nagpaalam na rin ako kina Sir Silver at Aneesa. Aneesa gave me a sweet smile. Umalis na ako para sumunod kay Yvo. Pumasok ako sa isang silid kung saan ko nakita si Yvo. Naabutan ko siyang umiinom ng scotch. Tumingin ito sa akin. Isinara ko naman ang pinto bago ako maglakad papalapit sa kanya. Hindi pa ako nakakalapit kay Yvo ay mabilis niya na akong hinila. Inihiga niya ako sa ibabawng mesa na naroroon at nahulog ang mga gamit na nakapatong sa nasabing lamesa. Naramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa aking hita. Bumigat ang aking paghinga dahil doon. Ang isang kamay niya naman ay nasa may leeg ko. He’s caressing the side of my neck. “Why is he approaching you, Chiara?” His voice is oozing with malice. Kapag ganito siya, alam ko na galit si Yvo ngunit hindi niya ipinapakita. “He was just asking me about the report I made—” “He was asking you to go out with him.” Inilapit niya ang mukha niya sa may tainga ko. Nang maramdaman ko ang mainit niyang paghinga, I know I am a goner. “What now, Chiara? Are you going out with him?” Umiling ako at tinangka kong magsalita ngunit isang pag-ungol ang kumawala sa akin nang kagatin ni Yvo ang earlobe ko. “Who do you belong to, cara mia?” Mas lalong bumigat ang aking paghinga nang marinig ko ang endearment na ibinigay niya sa akin. “You. I am yours, Yvo.” I am his, even though he isn’t mine. “That’s right. You’re mine, Chiara. When you agreed to be saved by me, you signed away your life to me. And I hate it when other people touch what’s mine.” Dumampi ang labi niya sa aking pisngi. Kinagat ko ang aking labi. “The next time you let other men approach you, I will f*****g unalive them, Chiara. I don’t care if they are an asset to our family; I will erase their existence like they didn’t exist at all. Do you understand?” Tumango ako sa kanya. “Use your word, Chiara.” Nagtama ang paningin naming dalawa. Hinawakan ko ang pisngi niya. I have this sudden urge to feel him. “Yes, Yvo.” Ngumiti si Yvo at dahan-dahang nawala ang galit niya. “Good girl. Remember, you’re my lady guard in front of other people, like what you want, but you’re my woman behind closed doors. My f*****g woman.” Hindi na niya kailangan pang sabihin iyon dahil sa kanya lang naman ako. Wala akong interes sa ibang lalaki dahil ibinubuhos ko lahat para kay Yvo. Inangat ko ang sarili ko, trying to kiss him. Ngumisi si Yvo, and dark lust cloaked his eyes. Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking leeg at hinalikan ako. Kapag kaming dalawa lamang ni Yvo, nawawalan ako ng paakealam sa ibang tao. I will savor every moment with him hanggang sa araw na sabihin niya sa akin na tapos na ang kung anong mayroon kaming dalawa. Kapag nga kaya dumating ang araw na magpapakasal na siya, kakayanin ko ba? I am not sure. Hindi. But do I have a way to make him mine? That’s for me to find out. One day, I want to say that Yvo Montecalvo is mine, too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD