NAGISING AKO na nakapatong ang ulo ko sa dibdib ni Yvo at nakayakap siya sa akin. Marahan kong iginalaw ang ulo ko para tingnan siya. Iniisip ko pa noong una na baka nananaginip lamang ako at ang mga nangyari kagabi ay hindi totoo. But he’s really here. Matagal-tagal ko ring tinitigan si Yvo hanggag sa maalala ko na he’s my boyfriend. Matapos ang nangyari kagabi, naging boyfriend ko si Yvo. Yvo is my boyfriend. Agad na nag-init ang aking pisngi sa naisip. Hindi ko akalain na mangyayari ito o ang isa lamang sa pinapangarap ko noon ay magkakatotoo. Gumalaw si Yvo pero nanatiling tulog. Hindi ko mapigilang mapangiti. We’re a couple. Paulit-ulit ang mga salitang iyon sa akin na akala mo ay kinukumbinsi ang sarili ko. I pinched myself para lamang masigurado na hindi ito panaginip at na